Chapter 21

1600 Words
GRADUATION DAY .... ANG BILIS ng araw, nairaos naman niya ang exam at mga projects na kailangan ipasa kaya sobrang thankful siya na makakapagtapos siya with flying colors. Walang high honors ... flying colors lang kaya pwede na rin. Hapon na nang mag-start ang graduation ceremony, kasama niya si Mama. Wala si Papa, isa lang kasi ang pwede isamang parents. Napasulyap naman siya sa gawi ni Frank. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya, kumaway siya. Ngumiti at kumindat naman ito sa kanya. Nasa kabilang side ang mga lalaki kaya di sila magkatabi pero ayos lang at least sabay pa rin silang magtatapos. Inabot na ng pasado alas-nuebe ng gabi natapos ang graduation. Nakakapagod subalit sulit naman. May konting salo-salo lang sa bahay nila dahil nag-order na lang si Mama ng bilao package. Samantala sila Frank naman, kumain ang mga ito sa labas kasama ang bagong dating na Tiyahin nito na galing Canada. Gusto siyang isama ni Frank pero tumanggi siya, nais lang niya magkaroon sila ng sariling salo-salo sa kanya kanyang pamilya nila. Bukas na lang sila kakain sa labas. May date sila bukas. "Siguro naman may naisip ka ng kurso mo, Rainzelle," untag ni Mama habang kumakain sila ng palabok. "Nursing, Ma. Bet ko–" mabilis na sagot niya. Wala lang. Ayon kasi ang naisip ni Kristine na kurso kaya naisip niyang iyon na rin ang kunin niya para parehas sila. Tumango tango naman si Mama. "Ayos din 'yan kurso para makapag-abroad ka." Hindi naman niya naisip na mag abroad. "Sa Fatima na lang kami mag-e-enroll ni Kristine," sabi pa niya uli. Sa UST sana dahil doon plano ni Frank na mag-enroll subalit ayaw ni Mama kasi masyadong mahal ang tuition. Wala naman siyang magawa. "Next week kayo mag enroll ni Tin-tin," sabi ni Mama na ikinatango na lang niya. Napansin niyang parang problemado si Mama subalit nagkibit balikat ang mahalaga next week na siya mag e-enroll. Kinabukasan natuloy ang date nila, nagpunta sila ni Frank sa SM North Edsa, magkahawak kamay silang naglalakad-lakad. Kakatapos lang nila kumain sa Chowking. "Nakapag enroll ka na?" tanong niya. Ang alam niya kasi BS Psychology ang kukunin nito. Iyon kasi ang gusto nitong kunin. Tumango ito. "Next week, entrance exam." "Hmm, ang layo ng school natin sa isa't isa," walang ganang sambit niya. Inakbayan siya ni Frank. "So, what? Magkapitbahay pa rin naman tayo." Kunsabagay, may point ! "Maraming magaganda at matatangkad na babae sa UST," dagdag pa niya. Bumaba ang kamay ni Frank sa beywang niya. "Okay na ako sa isang cute na may pagkamaldita." Naningkit ang mga mata niya. "Grabe, binabaan mo ang standard mo? Thank you ha? kasi nakukuntento ka sa hindi na nga maganda, cute lang, may pagkamaldita pa, tsk !" sarkastikong sikmat niya. Natatawang hinalikan nito ang ulo niya saka hinapit siya nito lalo sa beywang. "Ako nga dapat mag-worry kasi for sure maraming aaligid sa'yong mga lalaki–" "Which is normal ?" natatawang singit niya. Tumaas ang kilay ni Frank lalo siyang natawa sa reaksyon nito. "As if naman papalitan kita. Magagalit si Poochie sakin pag napalitan ang Tatay niya," biro niya na ikinatawa naman ni Frank. "Yeah, yeah.. at hindi rin ako papayag na magkaroon ng ibang Tatay si Poochie. Ako lang dapat. Akin ka lang," matiim na nakatingin sa kanya si Frank. Matamis siyang ngumiti saka tumango. Umaapaw sa kilig ang damdamin niya. Hindi niya maipaliwanag, pakiwari'y sobrang lalim na ng nararamdaman niya para sa binata. Ibang level na ang sayang dulot nito. Gabi na nang makauwi sila ni Frank. Ma-traffic kaya ginabi na sila. Naabutan niya si Mama at Papa sa salas saka may dalawang babaeng may edad na bisita ang mga ito. Hindi niya kilala ang mga bisita. Hindi rin naman nila kamag-anak. Nag-excuse siya at dumiretso paakyat sa kwarto niya. Nang makapagpalit ng damit, bumaba siya ulit. Umalis na ang dalawang babaeng bisita ng mga ito, tanging sina Mama at Papa na lang ang nag uusap sa salas. Mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito. "Ma?" pukaw niya sa atensiyon ni Mama. Sabay napalingon sa kanya sina Mama at Papa. Sumenyas si Mama ng kamay para palapitin siya. Lumapit siya. Bakit parang kinabahan siya? "Ano 'yon, Ma?" Nag aalangan pa si Mama na magsalita subalit nagsalita rin ito. "S-Sinangla ko muna itong bahay natin–" Nalukot ang noo niya. Sinangla? Naguguluhan siyang napasulyap kay Papa saka tumingin uli kay Mama. "Sinangla muna namin ni Mama mo itong bahay natin ng 300 thousands, apat na taon ang kontrata, para may pang tuition kayo ni Kuya mo at sayo–" Si Papa na ang nagpaliwanag. Kumurap-kurap siya. Sinangla ng apat na taon? Kung ganoon, saan sila titira kung naisangla na ito sa iba? "Sa Bulacan muna tayo titira kina Tito mo, sa kapatid ni Papa mo. Sa may San Jose Del Monte, Bulacan 'yon, Nak. Malapit lang din sa SM Tungko saka isang sakay lang din sa Fatima at SM Fairview," mukhang nabasa ni Mama ang nasa isip niya kaya nagsalita ito. "Kailangan kong isangla para makapag aral kayo ni Kuya mo–" "After four years mababalik ba sa'tin to bahay?" Hindi kumibo sila Mama at Papa. Duda siyang mababalik agad ang ganoon kalaking pera. Ngunit, ano nga ba ang magagawa niya? Nahihirapan sila Mama, ginagawa ng mga ito ang lahat para lang matustusan ang pag aaral nila ni Kuya Patrick. Huminga siya ng malalim. "Kailan tayo aalis? I mean, kailan po tayo lilipat sa Bulacan?" "Uhm, next week na, Nak. Nagkabayaran na kasi, pagtapos mong mag enroll, lilipat na rin tayo kaagad," sagot ni Mama sa kanya. Biglang pumasok sa isip niya si Frank. Malayo na nga ang school na papasukan nila, magkakalayo pa sila ng bahay. Napayuko siya. Nalulungkot siya. Hindi niya akalain aalis sila rito sa bahay. "Sana maunawaan nyo. Sisikapin namin ni Papa nyo na maibalik agad ang pera sa loob ng apat na taon para mabalik satin ito bahay. Pansamantala, tiis tiis muna tayo sa Bulacan." "Alam na ni Kuya?" Tumango si Mama. Hindi siya nakakibo. Napapansin niyang palagi umaalis si Kuya Patrick. Hindi naman niya alam kung anong tumatakbo sa isip ni Kuya. Napabuntong hininga siya at nagpaalam na matutulog. Pagkapasok sa kwarto. Naiyak siya. Napansin niyang nag-chat si Frank sa kanya. Binasa niya iyon. Babe, may buttered shrimp dito. Kain tayo? Wala siyang gana. Sineen lang niya ang chat ni Frank. Sinubsob niya ang mukha sa unan at hinayaan niya ang sariling umiyak. Paano niya sasabihin kay Frank na lilipat na sila? Tiyak, malulungkot rin ito. Ngayon pa lang naiisip niya na madalang niya na ito makikita, mas lalo siyang nalulungkot. Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag si Frank. Hindi niya sinagot, basta hinayaan lang niya hanggang sa tumigil ito sa pagtawag. Tumahol naman si Poochie. Umuklo siya at marahang binuhat niya ito saka niyakap. "Kailangan natin umalis, Poochie," malungkot na bulong niya. Yakap-yakap niya si Poochie habang nakahiga sa kama hanggang sa makarinig siya ng katok sa pinto ng kwarto nya. Hindi naman naka-lock 'yon kaya nagsalita siya. "Bukas 'yan !" Bumukas ang pinto at sumulpot si Frank na may dalang malaking bowl. Napabalikwas siya ng bangon. "B-Babe?" "Galing ayaw sagutin ang tawag ko tapos seen lang? Anong trip mo?" sarkasmong ani ni Frank sa kanya. Nilapitan niya ito at hinila paupo sa sahig ng kwarto niya, pasandal sa gilid ng kama. Nakita niyang may dala itong buttered shrimp. Biglang kumalam ang tiyan dahil sa amoy niyon. "Luto ni Tita?" Umiling ito. "Luto ko 'yan. Maraming binili si Mommy na hipon para sana kay Tiya kaso may allergy pala siya kaya niluto ko na lang para kainin natin ng sabay," paliwanag ni Frank. "Umiyak ka?" sabay halos sa pisngi niya. Hindi muna siya kumibo,nilantakan niya na agad ang hipon. Nagbabalat siya ng hipon habang tahimik lang nakamasid sa kaniya si Frank. Hindi niya alam kung paano uumpisahan sabihin rito ang paglipat nila. Sinapo nito ang magkabilang pisngi niya kaya nahinto siya sa pagbabalat ng hipon. "Anong problema?" Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Alam niyang namumula na naman ang mga mata niya. "Aalis na kami..." Nagtatakang nakatitig pa rin sa kanya si Frank, tila nag aabang sa iba pa niyang sasabihin. Huminga siya nang malalim. "Sinangla nila Mama at Papa itong bahay.... may nakakuha na, kaya kailangan namin umalis at lumipat ng Bulacan," naiiyak na sambit niya. "N-Nalulungkot lang ako kasi... ma-mi-miss ko tong bahay at saka mapapalayo na ako sa'yo," dugtong niya. Pinaliwanag niya rin kung bakit kailangan isanla ang bahay nila. "Saan sa Bulacan?" "San Jose del monte...." Ngumiti si Frank subalit hindi abot sa mga mata nito ang ngiti. "Malapit din naman, kayang kaya kitang puntahan. Makakapag-date pa rin tayo, pwede tayo magkita sa SM. Maraming paraan para magkita tayo, kaya 'wag ka nang malungkot, hmmm," malamyos nito sabi sabay haplos sa pisngi niya. Pasinghot-singhot siyang tumango. Tama naman ito, maraming paraan para magkita sila. "Sige na kainin na natin to," alok nito sa hipon at nagsimula na rin nito balatan ang isubo sa kanya ang hipon. "Masarap?" "Oo, kumain ka rin kaya, pag 'to naubos ko ha-" wika niya habang nagbabalat uli ng hipon. Ngumisi lang ito sa kanya. Pagkasubo niya sa hipon... napasinghap siya nang dumukwang si Frank palapit sa mukha niya at walang sabi-sabing sinakop ang labi niya. Namilog pa ang mga mata niya ng maramdamang hinigop nito ang hipon na nasa loob ng bibig niya saka ito kusang lumayo at umayos ng upo na para bang walang ginawang kapilyuhan. Napatanga siya. "Hmm, masarap nga," nakangising turan nito sabay kindat at ngumunguya. Ang animal ! Ma-miss niya talaga ito panigurado ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD