Chapter 19

1061 Words
LAGI KA NAMAN MAGANDA SA PANINGIN KO.... HINDI mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Frank. Simpleng compliment lang 'yon pero habang haba na ang buhok niya. Sa Mall of Asia sila namasyal. Nanuod muna sila ng sine. Captain Marvel ang napili nilang panuorin. Umabot din ng halos dalawang oras ang itinagal ng pelikula kaya naman nang matapos kumain kaagad sila sa Chowking. Pagtapos kumain naisipan nilang maglakad patungo sa may Seaside ng MOA kung nasaan ang Ferris Wheel. Napakaraming tao pero enjoy naman sila habang nagho-holding hands while walking. "Sakay tayo?" untag ni Frank sa kanya. Napasulyap siya sa gwapong mukha nito saka tinapunan ng tingin ang Ferris Wheel. Never pa siyang nakasakay sa Ferris Wheel kaya parang na curious din siya. "Sige, tara–" nakangiting tango niya. Nandito na rin sila kaya naman sulitin na nila ang date nila. Bumili na sila ng ticket at pumila, mahaba ang pila subalit worth it naman ang pag aantay nang makasakay na sila pod. Kabado sa umpisa ngunit nang tumambad sa kanila ang magandang view pagtaas ng pod nila nawala lahat ng kaba niya. Namangha sila sa ganda ng tanawin lalo na ang sunset at malawak na dagat na makikita. "Happy?" kapagkuwan tanong ni Frank habang nakaakbay sa kanya. Tumango-tango sya saka matamis na ngumiti. "Hmm, ikaw, happy ka?" "Oo naman," seryosong sabi nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ba't parang hindi halata?" Marahang pinitik nito ang noo niya saka kiming ngumiti. "Anong gusto mo tumalon ako pag masaya? Hindi ba pwedeng masayang masaya ako kahit seryoso mukha ko? Sa sobrang saya ko nga parang sarap mong i-kiss ngayon," pilyong nakangising sambit nito. Naningkit ang mga mata niya saka siya naman ang pumitik nang marahan sa bibig nito. "Kalma, babe. Malapit na birthday natin–" "Hindi pwedeng i-advance ang kiss?" Ngumuso siyang umiiling. "Hindi e. Sorry. At saka, baka pag nahalikan mo ko ma-adík ka? Tsk ! Lalo kang mahuhulog sa'kin tapos maging possessive ka tapos bigla mo akong ayain magpakasal, ako naman mapapaisip–" Bumunghalit ng tawa si Frank. Hinampas niya ito sa braso dahil nakakaasar ang tawa nito. "Masayang masaya ka nga noh?" sarkastikong sabi niya na nakataas pa ang kilay. Tawang tawa pa rin ito. "Nakakaasar ang tawa mo, babe! Parang sinasabi mong imposibleng mangyari ang sinasabi ko !" tampo niyang sabi. Hinapit naman siya nito sa beywang pero pigil pa rin ang tawa nito. "I didn't say that. Natatawa lang ako dahil nasasabi mo ang mga intrusive thoughts ko," todo yakap nitong sabi sa kanya. "Thank you, babe–" Kumunot ang noo niya. Hindi ba dapat siya ang mag-thank you dahil gastos nito lahat? "Para saan?" "When I'm with you... sobrang saya ko. Pinapasaya mo lagi ang buong araw ko. Kumportable ako pag kasama ka, hinahanap-hanap kita lagi, mukang ngang adik na ako sa'yo e," may kung anong kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi niya mapigilan mapangiti rin at gumanti ng yakap rito. Hindi na yata simpleng 'ilikeyou' itong nararamdaman niya. "Thank you rin ... for always there for me. Hindi kita pansin nun una pero ngayon na-realized ko na, okay lang mahulog ...kasi alam ko naman lagi kang ang nandyan para saluhin ako." Dinampian nito ng mabilis na halik ang ilong niya. "Wag mo araw-arawin ang mahulog sa'kin ha, baka mapilayan ako kakasalo sa'yo–" pang aasar nito. Naiinis na kinurot niya ito sa tagiliran na kinaigtad nito sabay natatawang hinuli ang kamay niya. Sakto naman na pababa na ang pod nila. Nang makababa sa Ferris Wheel, naglakad lakad pa muna sila. Tumambay saglit sa gilid kung saan tanaw nila ang Manila Bay habang kumakain ng fishball at chicken balls. Pagpatak ng alas-otso saka lang nila naisipan umuwi na. Tinext na rin kasi sila ni Tita Fely at Mama. Pagdating sa kanila, nasa labas ng bahay umiinom si Papa kasama ang ibang kapitbahay nila habang si Mama naroon kina Tita Fely tumutulong sa pagluto. Wala si Kuya Patrick baka namasyal rin ito kaya naman dumiretso na lang sya sa bahay nila Frank tutal si Tita Fely na ang kusang nag aya sa kanila na doon na magsalo-salo sa pasko para tipid sa gastos sa handa. Sa katunayan, hindi naman talaga sila nagsasalubong ng pasko. Kakain sila ng handa pagsapit ng gabi at matutulog na parang normal na araw lang. Kaya natutuwa siyang makisalo kina Frank, bukod sa unang beses iyon na makikisalo-salo sa ibang bahay, ito ang unang salubong niya ng pasko na may boyfriend sya at magkasama pa sila ngayon. "Merry Christmas, babe–" bati ni Frank pagsapit ng alas-dose. "Merry Christmas din sa'yo, babe. I love you," masayang sabi nya. Hindi niya sadya ngunit kusang lumabas sa bibig niya ang tatlong huling salitang sinabi niya. Natigalgal naman si Frank paranh di nito inasahan ang sinabi niya. Subalit, ngumiti rin ito kalaunan saka inilapit ang mukha sa gilid ng tenga niya. "I love you more, babe–" Kinikilig na ngumiti siya. Sobrang kulot na siguro ng buhok niya? Hindi na niya manguya ng maayos ang kinakain niyang spagethi dahil natuliro na siya. "Hoy– walang bawian 'yan ha. Panindigan mo 'yang iloveyou mo," sikmat niya kay Frank. Naroon sila sa salas magkatabing nakaupo habang nasa kusina naman sina Mama at Tita Fely. Si Tito Matt naman ay nasa labas rin nakikipag inuman sa mga kapitbahay. "Baka ikaw– panindigan mo ang iloveyou mo, ikaw ang nauna e." Oo nga pala ! Siya pala ang naunang nagsabi. Umingos siya. Panindigan? Sus ! Siya pa ba? Kayang kaya niya. Humanda 'to sa kanya, wala nang kawala si Frank sa kanya.. "Papanindigan kita ! Kahit sa mga araw na sarap mong sakalin, pipiliin kita. Kahit sa mga oras na hindi tayo okay, pipiliin pa rin kita.. kaya humanda ka, di mo na ako maaalis sa buhay mo ! Dikit mo ako sa puso mo– ay, hindi ! Dikit mo ako sa buong internal organs mo, kasi hinding hindi ako bibitaw sayo," may halong pananakot na sabi niya kay Frank. Kitang kita niya ang pagpigil nito matawa at mapangiti. Hinaplos nito ang buhok saka ginulo ang bangs nyang pangit. "Grabe, na pressure ako bigla ha, pero ayos lang. Sige lang, wag kang bibitaw ha." Matamis siyang ngumiti saka tumango. It's not about how old we are, it's about how deep we feel, if it's real... it will lasts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD