ILAN ARAW NA LANG PASKO NA...
SUBALIT, parang alanganin ang pasko nila. Nagising siyang sambakol ang mukha dahil kina Mama at Papa. Sa lakas ng sigawan ng mga ito, sira agad ang araw niya. Napapailing na lang siya.
"Paulit-ulit na, Ramon ! Nakakapagod ka na. Wala ka ng pag asa talaga. Nakakahiya ka sa mga anak mo!"
Nanggagalaiting bulyaw ni Mama kay Papa. Patay malisya lang siya. Sumilip siya sa kusina. Walang sinaing. Wala rin ulam. Walang laman ang ref kun'di puro 1.5 liters na mga tubig.
Nag-toothbrush at hilamos na sya agad saka lumabas ng bahay. Ayaw niyang marinig ang pag aaway ng magulang niya. Umay na sya, baka pati kapitbahay nila nasusuya na rin e.
Naabutan niya si Tita Fely na nagsasampay. Nag-bless siya rito saka walang pag aatubiling pumasok sa bahay nila Frank.
Anyway, legal na pala sila. Alam na ng lahat ang relasyon nila ni Frank, pati si Kuya Patrick. Hindi man ito sang-ayon dahil wala pa daw siya sa hustong edad pero wala rin naman nagawa ito kun'di pumayag na lang, dinaig pa si Papa kung mangaral.
Buti na lang approved kina Mama at Papa pati na rin kina Tita Fely at Tito Matt. Ang sarap lang maging legal noh? Gaan sa pakiramdam. Wala kang dapat itago o ikatakot.
Naabutan niya si Frank sa may kusina nagluluto ito ng fried rice. Usapan kasi nila na dito siya kakain ng almusal para sabay sila.
"Wow ang bango–" bungad niya sa kusina. Nakangiting lumingon naman si Frank sa kanya.
"Pang chowfan 'to," pagmamayabang nito.
Ngumisi siya. "Ay weh?"
Tumango ito. "Upo ka na, babe. May tortang talong, maling at tuyo na ulam."
Bigla siyang natakam sa almusal nila. Kumuha agad sya ng dalawang plato para sa kanila ni Frank.
"Sina Tita pala, kumain na?" naalala niyang tanong.
"Kanina pa. Umalis kasi si Daddy ng maaga kaya nauna na silang kumain," paliwanag ni Frank habang sinasalin na ang fried rice sa malaking plato.
Sakto naman na pumasok din sa kusina si Tita Fely. Matamis itong ngumiti sa kanila lalo sa kanya.
"Kumain na kayo. Dito ka na rin kumain hanggang tanghalian, Rainzelle. Baka mamaya pa matapos ang Mama at Papa mo sa paglalambingan nila," ani ni Tita Fely saka dumiretso sa may lababo.
Napangiwi siya. Mukhang umabot hanggang dito ang sigawan nila Mama at Papa. Tsk ! Kahiya talaga.
"Kain na–" aya ni Frank. Ito na ang naglagay ng fried rice sa plato nya.
Ngumiti siya. "Thank you, babe."
Kumindat lang sa kanya si Frank. Hays. Nag-harakiri yata ang puso niya dahil sa kinandat nito.
"Masarap?" kapagkuwan tanong nito sa kanya nang magsimula na sya kumain. Kumuha sya ng tortang talong at tuyo, buti may suka ginawa si Tita Fely.
Sukang may hiniwang sibuyas, bawang, sili at cucumber. Jusko ang sarap isawsaw ang tuyo!
Sumulyap siya kay Frank.
"Alin, ikaw? Malay ko. Wala pa akong planong tikman o isubo ka, babe–" painosenteng tugon nya.
Napaubo naman bigla si Frank, may tumalsik na ilang butil ng kanin mula sa bibig nito. Pigil na pigil niyang matawa, kailangan seryoso ang mukha nya.
Tinapunan sya ng matalim na tingin ni Frank. Magkatapat lang kasi sila ng upo.
"Fried rice, babe. 'yon fried rice," namilog ang mga matang sabi nito.
Pigil pa rin siyang matawa. Nagkibit balikat sya. "Ah, malay ko ba anong tinutukoy mo," nagsubo siya uli ng kanin saka torta. "Masarap. Pwede ka na maging crew sa Chowking, babe." Nag-thumbs up pa sya.
Napapailing na lamang itong tumayo at kumuha ng malamig na pitsel ng tubig saka dalawang baso.
"Mamaya ka na umuwi, netflix tayo sa taas–" pabulong na sabi nito.
Pilyang ngumiti siya.
"Tita ohh– mag netflix daw kami sa taas," malakas na sumbong nya na narinig naman ni Tita Fely.
"Hoy, Frank ! Sa baba kayo manuod. Walang aakyat sa taas," madiin utos ni Tita Fely.
Nakakalokong ngumiti siya sa boyfriend nyang matiim ang matang nakatitig sa kanya. Nag-make-face siya rito at nag-peace sign pa.
"Boring manuod dito sa baba–" mayamaya maktol nito.
Natawa na siya. "Nope. Dito lang daw tayo sa baba. Sayang ang malaking TV nyo."
Napayuko na lang si Frank halatang di sang-ayon. Napangisi na lang siya. Gusto man niyang makasama ito ng solo pero kailangan nilang limitahan ang mga sarili nila...lalo na sya, sobrang rupok nya!
Matapos nilang kumain, dalawa pa sila nagligpit ng pinagkainan nila at diretsong hinugasan ang mga plato. Nagpaalam saglit sa kanya si Frank na maliligo muna kaya nauna na siya maupo sa salas, binuksan na niya ang TV saka naghanap ng magandang pwedeng panuorin.
Stranger Things ang napili niya. Nang makabalik na si Frank, langhap na langhap niya gamit nitong head and shoulder shampoo at safeguard soap fresh green.
Magkatabi silang naupo sa mahabang sofa. Masarap maupo sa sofa dahil pakorteng L sya. Sofa bed ang atake.
Nakaabay sa kanya si Frank at nakasandal naman siya sa balikat nito habang nanunuod ng Netflix.
Dumaan sa harap ng TV si Tita Fely. Nakagayak ito. "Magbayan lang ako. Walang aakyat sa taas ha."
"Opo," siya lang ang sumagot. Walang imik si Frank.
Nang makaalis na si Tita Fely. Bumili saglit si Frank ng malaking V cut at Piattos.
"Ano pala plano mo sa birthday mo?" tanong ni Frank.
Napaisip siya habang kumakain ng Piattos.
"Hmm, Wala. Simpleng handa lang."
Well, ayaw naman niya ng bonggang debut celebration at saka wala namang pera si Mama at Papa. Simpleng handa lang sapat na sa kanya.
Tumango tango naman si Frank saka ngumiti. "Hindi naman mahalaga kung simple o magarbo, basta nakapag-birthday ayos na 'yon."
Tama ! Ang mahalaga legal age na sya.
"Oo naman. I-ready mo na ang regalo mo sakin, kailang 'yon maiiyak ako–" biro niya.
Pilyong ngumisi ito.
"Maiiyak sa sarap, okay sayo?"
Hinampas niya ito sa balikat at akmang tatadyakan pero natatawang nakaiwas ito.
"Ang halay mo! hindi ko akalain ganyan ka pala ha–" singhal nya rito habang ito panay pa rin ang tawa.
"Ready mo na rin ang ireregalo mo sakin, babe. Gusto ko mga five minutes torríd kiss," natatawang tukso nito sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya. Torríd kiss pa ang nais?!
"Halik ni satanás, bet mo babe?" sarkasmong tanong nya.
Bumunghalit naman ito ng tawa.
"Pero seryoso, babe– hypothetical question. Would you be mad if I ask you to kiss me as a gift?"
Hypothetical ? Ano raw? Tsk !
Magkasunod lang kasi ang birthday nila ni Frank. Ang kaarawan niya ay December 31 habang ito naman ay January 1. Sabay kasi nanganak sa lying-in sina Mama at Tita Fely, kaya naging malapit ito sa isa't isa.
"Hmm, hypothetical answer ... hindi naman."
Makahalugang ngumiti ito sa kanya saka sya inakbayan muli.
"I'll make sure magiging masaya ka sa birthday mo."