EIGHT YEARS .... GANON kabilis lumipas ang taon. Nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Secondary Education, major in Filipino sa Don Mariano Marcos Memorial State-University South La Union. Nakapasa siya sa licensure examination at nakapagturo sa highschool ng isang taon din mahigit. Nang mamatay si Lola Rosana at nakapag asawa na si Kuya Patrick. Naisip na niyang lumuwas ng Maynila para maghanap ng ibang trabaho. "Kailan kayo lilipat ng bahay, Kuya?" tanong niya habang kumakain ng chowfan na dala-dala nya. Naroon siya sa Eastwood, QC sa condo ni Kuya Patrick kasama nito si Ate Tony. Kasal na ang dalawa at may isang anak na ang mga ito. Si Baby Molly. Ang isang taon gulang niyang pamangkin. "Sa katapusan pa naman," sagot ni Kuya. Tumango tango siya. Nabawi na kasi nila ang bahay s

