MALAWAK ang ngiti niya habang kaharap si KC Princess Soriano. Tsk ! Sinumpa ba sya? o pinapahirapan ng kapalaran? Hindi nya sukat akalain na ito pala ang 'Princess' na kausap nya. Kung mamalasin ka nga naman ... "I like the room, very spacious and neat. May work ako from 9AM to 6PM, 'di naman ako mahilig magluto, madalas pag uwi ko around 8PM or 9PM, kumakain na rin ako sa labas. Kaya 'di ko magagalaw ang kusina mo," wika ni KC sa kanya. Tumango tango naman sya. At least, hindi sila masyado magkikita, keri na rin ... Nakapag-downpayment na ito kaya nakapagpirmahan na rin sila ng kontrata. Nabanggit na rin nya ang tungkol sa mga do's and don'ts's na nakalagay sa kontrata. Una, sira mo ayos mo. Of course, baka masira nito ang shower o kahit anong bagay sa kwarto, kailangan nito ipaayo

