Episode 5 (Vinz POV)

1208 Words
Napangisi na lang ako dahil sa hiyawan ng mga kababaihan sa akin. Hindi ko rin naiwasan ang mapangiti ng pilyo dahil sa mga naririnig ko sa mga ito. Halos mabingi ako sa tilian, ngunit normal na sa akin ang ganoon dahil sa angking kaguwapuhan ko na hinabol-habol ng mga ito. Especially my hot body! "Grabi bro, lalo yatang dumarami ang mga babae mo ah!" nakangising wika ni Carl. Ako naman itong pangisi-ngisi lang habang patuloy kaming naglalakad na para bang mga hari. "Sigurado, baka dalawa o tatlo ang kunin niyan mamayang gabi!" bulong naman ni Paul. Nagtawanan naman ang mga ito ng mahina. "Parang ako lang ang babaero dito ah!" banat ko naman sa mga ito. "Atleast, kami paisa-isa lang," kontra naman ni Kenneth. Hanggang sa mapansin ko ang isang babaing nerd ang look na nakatayo sa 'di kalayuan, ngunit napakunot ang noo ko ng mapansin kong parang ang talim nito tumingin. Tititigan ko pa sana ng husto nang bigla itong tumalikod at umalis. Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo sabay taas ng kilay. Isang nerd, binalewala ang isang Vinz Liam Ho?! Napansin rin niya ang isa pang nerd na panay tili rin sa isang tabi. Ngunit hindi niya ito pinansin dahil hindi niya tipo ang mga babaing nerd. After class.. Napabuntong-hininga ako ng malakas dahil nagsisimula na namang mang-asar ang magagaling kong mga kaibigan. "Napansin niyo ba iyong nerd kanina? Iyong makakasalubong sana natin, ang kaso biglang umalis? Nahiya siguro sa itsura niya," sambit ni Paul na sinabayan ng malakas na tawa. "Sino ba naman ang hindi makakapansin doon. Siya lang yata ang kakaiba sa lahat. Naka-mask at ang manang ng kasuotan. May malaking salamin pa sa mata, pati yata buhok 'di man lang naisip ipaayos," natatawang segunda naman ni Carl. "Pero, huwag kayo. Hindi niya pinansin ang kaguwapuhan ng kaibigan natin. Isang himala na may isang babaing hindi nagka-interesado sa womanizer nating kaibigan," pasimulang pang-aasar ni Paul sabay baling sa akin. Nakangisi pa ito habang nakatingin sa akin. "Tsk. Anong hindi? Sabihin mo, nahiya iyon sa itsura niya. Sino ba naman ang hindi mahihiya sa isang Vinz Liam, kung ganoon ang itsura," kontra ko sa sinabi nito. Pero sa loob-loob ko, may kakaibang inis akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Bigla naman itong mga nagsitawanan. "Ang sabihin mo, hindi lahat ng babae eh magkakandarapa sa'yo," segundang pang-aasar din ni Carl habang nakangisi. "Tsk. Iyong nerd na iyon, hindi magkakagusto sa akin? Ang gaganda nga ng habol nang habol sa akin, iyon pa kayang nerd na iyon. Sadyang nahihiya iyon sa itsura niya. And besides, mas mabuti na iyon. Hindi ko pinangarap ang mga nerd na babae," sambit ko sa mga ito. Humalakhak lang ang mga baliw na siyang ikina-iling ko. Naisipan kong pumunta ng library kasama ang mga ito. "Anong nakain mo at nagyaya ka yata rito?" bulong ni Rey sa akin. Kasalukuyan na kaming nakaupo noon malapit sa isang sulok. "Kaya nga. Himala yata at naisipan pumunta rito," nakangising wika naman ni Carl. "Looks who's here," biglang sambit ni Kenneth. Napalingon naman kami sa direksyon na tinitingnan niya. Bigla naman akong napakunot-noo. Sabay baling kay Kenneth. "Akalain mo, naririto ang nerd na pinag-uusapan natin kanina," nakangising bulong nito. Tumikhim naman bigla si Paul. "I know kung bakit nagyaya itong kaibigan natin, it's because of that girl," nakakalukong ngisi ang binigay nito sa akin. Bigla naman uminit ang mukha ko sa pagsisimulang pang-aasar nito. I hate nerd! Narinig ko pa ang mahinang tawanan ng mga ito. "Hindi nakakatuwa," simpleng sagot ko rito ngunit naiinis ako sa pang-aasar nito. Asarin na lang ako sa magagandang babae huwag lang sa nerd! "Aminin muna kasi bro, curios ka siguro sa kaniya kasi hindi napansin iyang kaguwapuhan mo kanina. Kaya nagyaya ka rito para pagmasdan ang kakaibang anyo niya," banat naman ni Carl. Lalo naman nagsitawanan ang mga ito ngunit pigil lamang. Bigla naman akong tumayo sabay alis. At dahil ang daraanan ko ang table ng dalawang nerd kung kaya 'di nakaligtas sa paningin ko ang isang nerd na halos lumuwa na ang mga mata sa katitingin sa akin. Nakanganga pa ang bibig nito na kulang na lang yata pasukan ng langaw. Samantalang ang isang nerd naman, hindi man lang ako napansin dahil nakatutok ito sa binabasa. Pansin kong niyuyugyog ang kamay nito ng isang nerd na nakatunghay sa akin. Hanggang sa marinig ko ang boses ng isang nerd na kanina lang nakatutok ang mukha sa binabasa nitong libro na ngayon nakatingin na sa kaibigan nito. "Ano ba?" iritadong boses nito. "S-si.. C-crush," rinig kong wika ng isang nerd na nakatitig pa rin sa akin. Awtomatiko namang tumingin sa akin ang isang nerd. 'Di ko maintindihan kung bakit nagawa ko pang ipasok sa bulsa ko ang magkabilaan kong kamay at dahan-dahan akong naglakad para mamasdan ang nakatago nitong mukha. Well, hindi ko nga pala makikita ang buong mukha nito at pati ba naman sa loob ng library naka-mask ito. May virus bang lumalaganap sa University na ito?" biglang singit ng isipan ko. Bigla akong napatitig sa mga mata nito. Kahit yata may salamin ito hindi maitatangging maganda ang mga mata nito. Maamo na para bang nakikipag-usap. Hindi pa ako nakakalagpas sa mga ito ng ito na mismo ang kusang umiwas ng tingin. Na hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo. Bilang isang binata na sikat sa lahat ng kababaihan, para bang tinapakan nito ang ego ko. Isang pangit na babae, na akala mo kung sinong babalewala sa akin?! At dahil ayokong mahalata o malaman ng mga kaibigan ko na naiinis ako dahil may isang babae na binabalewala ang isang Vinz Liam, kung kaya dire-diretso ako kunwari paalis ng library na akala mo wala akong pakialam o dinaanan na dalawang nerd! "H-hi.." Narinig ko pang sambit ng isang nerd na patay na patay sa akin kung tumingin ngunit binalewala ko lang ito. Hindi pa ako nakakalayo ng husto ng tawagin ng mga kaibigan ko ang pangalan ko. Ngunit hindi ako lumingon sa mga ito. Kaya naramdaman ko na lamang na umagapay ang mga ito sa paglalakad ko. "Hey bro, nagbibiro lang kami. Bakit umalis ka? Don't tell me, tinamaan ka sa sinabi namin?" wika ni Carl. "Hindi ko gusto ang mga kalukuhan niyo about that nerd. Magbiro na lang kayo ng ibang bagay, huwag lang sa mga nerd na iyon. Kailanman hindi ko pinangarap ang mga babaing ganoon. Kaya talagang maiinis lang ako sa kalukuhan niyo. "If someone na may makarinig niyan, ano na lang sasabihin sa akin, na nagkakagusto ako sa isang nerd? Hell no!" wika ko, sabay baling sa mga ito. At dahil mga baliw ang mga ito. Kaya ayon, nagsitawanan na naman. Napabuga na lang ako ng marahas sabay iling. "Okay. Sorry bro. Hindi namin akalain na sa nerd ka lang pala maaasar. Ganiyan mo ba kahate ang mga nerd?" nakangiting wika ni Paul. Bigla naman ako ritong bumaling. "Ikaw kaya, try mo pumatol sa ganoong itsura, kaya mo?" banat ko naman dito. Mabilis naman itong ngumiwi na para bang nandidiri. "No, thanks. Masisira ang kaguwapuhan ko. Mas nanaisin ko pa sigurong huwag magka-girlfriend ng isang taon kaysa ang pumatol sa nerd na babae," wika nito na ikinahalakhak ng mga kasamahan namin. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa dahil sa reaksyon nito. "See?" natatawang, naiiling na sagot ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD