Makalipas ang dalawang linggo. "Bes!!" Muntik ng mabasag ang pinggan na hinuhugasan ko dahil sa lakas ng sigaw at tili ng kaibigan kong kararating lang. Hinarap ko naman ito at tinaliman ng tingin. Muntik na yatang malaglag ang puso ko sa pagkagulat. Kung minsan talaga ang oa ng kaibigan kong ito. Ngiting-ngiti ito at para itong nanalo sa lotto sa itsura nito. Parang nangangarap ng gising na ewan. "Omg!" tili pa nito. Hindi ko tuloy naiwasang magpakawala ng buntong hininga sabay hinarap ang hinuhugasang pinggan. Sigurado akong nababaliw na naman ang isang ito. Nang bigla na lang akong pihitin nito paharap. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakangiti. "Bes, wala ka bang balak magtanong kung bakit ako nagkakaganito?" excited pa nitong sambit. "Ano ba iyo--" Napapikit ako ng tumil

