"Okay ka lang bes?" ngiting-ngiting tanong ng kaibigan ko. Saya lang nito. Samantalang ako, simula yata kagabi 'di ako makatulog sa isiping ngayong araw ko na ipapakita ang totoong mukha ko. Kinakabahan ako sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. Magagalit kaya siya kapag nalaman niyang hindi totoo ang tunay kong kulay? Even my teeth? Kahit na ang buhok kong akala mo pinasabugan ng granada? Hahanapin niya kaya ang ganitong mukha ko kaysa sa totoong mukha ko? Kagat-kagat ko ang labi sa mga isiping nagpapabalisa sa akin. "I'm not. Kinakabahan ako," wika ko. "Ay, sus!" Nagulat ako ng biglang sundutin nito ang tagiliran ko. "Dapat nga, maexcite ka tulad ko!" Palatak nito. "Dahil makikita na nila ang tunay na Princess Sofia! Kung gaano kaganda ang pangalan, ganoon din inukit sa ganda a

