Episode 47 (Vinz POV)

1746 Words

"Naks! Congrats bro!" nangingiting wika ni Carl sabay tapik sa balikat ko. "Ginalingan yata masyado!" natatawang wika ni Kenneth. "Naman! Mahinang lalaki kapag pinakawalan pa ang prinsesa!" banat din ni Paul. Napapangiti naman ako habang pinapakinggan ang mga ito. Nagulat pa nga ako at naghihintay pa pala ang mga ito sa akin. Hindi rin mga chismoso. "Hindi ka rin halatang kinikilig, bro!" Si Rey. Siniko ko naman ito. Wala eh! Alangan naman pigilan ko ang kilig na nararamdaman ko. Kahit lalaki ako, kinikilig din ako lalo na kung ang dahilan nito ay ang babaing nagpatibok ng puso ko. Excited na akong pumasok kinabukasan. Syempre makikita ko na naman ang nobya ko. Aaminin ko naman na sa tuwing nakikita ko ito, kinikilig talaga ako. May kakaiba kasi sa bawat tingin ng dalaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD