Katatapos ko lang maligo ng datnan ko ang kaibigang nakaupo habang nakamasid sa akin. Mabilis naman akong lumapit dito. "Ayos ka lang ba? Masakit pa ba--" Nagulantang ako ng tumili ito sabay yakap sa akin. Ako naman itong nagulumihan. Hindi yata naging sapat dito ang isang suntok sa sikmura. "Bes! Kinikilig ako sa iyo!" natitiling sambit pa rin nito. "I love you na talaga!" Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ka naman kikiligin?" Inakay ako nitong umupo habang ngiting-ngiti. Ako naman itong abalang nagpupunas ng basang buhok ko. "Kasi nga para ka kasing nobyo ko na ipinagtanggol ako sa mga nang-bully sa akin. Ang lakas ng dating mo kanina bes! Ang astig mo! Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may alam ka sa martial arts! Bigla yatang nawala iyong sakit ko sa sikmura dahil

