Kasalukuyan kaming nagaalmusal ngayon. Lunes kaya maaga kaming nagising dahil may pasok. Kahit inaantok at tinatamad ay kailangan na bumangon. "Tay, Nay gusto ko na ng kapatid." sabi ni Crisha habang nagaalmusal kami. "Ilang ang gusto mo?" tanong ni Fred. Matagal bago makasagot si Crisha at tila nagisip at nagbilang pa sa mga daliri niya. "Twelve" sabi niya at muntikan ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko dahil sa naging sagot niya. Juice colored! Ano ako baboy?! Narinig kong tumawa si Fred at tumango-tango pa ito bilang pagsang-ayon sa anak namin. "Sige kung iyan ang gusto mo." sabi niya at tiningnan ko siya ng masama. "Kaya mo ba yun?" bulong na tanong ni Fred sa akin at inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "Ouch!" at pigil sigaw siya ngayon. "Anak, masyado pa lang maram

