Ang bilis ng panahon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang issue sa amin ni Fred. Nakabalik na lamang ako sa trabaho at pati siya pero ang mga tao talaga ay masyadong inuusisa ang lahat. Ang management naman ay tuwang-tuwa sa isyu dahil tumaas ang views ng dahil sa akin. Gusto kong magalit sa kanila pero itinikom ko na lang ang bibig ko. Nandito ako ngayon sa pad ni Dan dahil magiinuman daw kami kasama si Pat. Kakaalis lang ni Dan para bumili ng ng beer habang si Pat ay nagtext sa akin na papunta na daw. Napatayo naman ako at binuksan ang pintuan ng marinig ang doorbell. Pagbukas ko ay si Pat na mukhang galing trabaho dahil naka make-up pa siya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at halos hindi na makahinga. "Namiss kita, ang tagal nating hindi nagkita." sabi niya. Niyakap

