HANDA NA AKO. Iyon ang masasabi ko sa mga nakalipas na araw at buwan. Handa na akong maging parte ng buhay ni Fred. Ang ikasal sa lalaking minsan akong sinaktan pero mas doble ang pinaramdam na pagmamahal. Parte ng pag-ibig ang sakit at iyak. Hindi mo ito maiiwasan bagkus kung mananatili ang inyong pagmamahal ay mapapatawad niyo pa rin ang isa't isa. Si Fred ang lalaking nagmulat sa akin na sa kabila na pagiging madumi o salot na kung tawagin sa lipunan ay ipinaramdam niya sa akin na karapat dapat akong mahalin. "Christine, miss na miss ka ng anak kong si Fred. Parang mamatay kapag hindi ka niya nakita at nakasama ng isang araw lamang." natatawang saad ni Mama Freya, ang mama ni Fred. Palibhasa ay bukas na ang araw ng kasal kaya hindi kami ngayon pwedeng magkita dahil sumunod kami sa p

