Chapter 4

2462 Words
"Alam ba niya? May alam ba siya?" deretsong tanong ko sa kaniya nang makaupo siya.. "No..She don't know anything." nasapo ko yung noo ko at napahilamos ng mukha. "Bakit? Xavier.. may mali ba ako? may pagkukulang ba ako? Anong nagawa ko? Please sabihin mo naman sakin..Itatama ko.. I do anything.." "Camille, I'm really sorry.." "Mahal mo ba ako? Minahal mo ba talaga ako?" "Camille, yes I loved you." Loved.. "Pero hindi na ako masaya..kay Clarissa ko nahanap yung saya nayun.." "Pero.. sana sinabihan mo'ko na hindi kana masaya.." "Para ano pa? Ayokong saktan ka." "Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?Pota Xavier hindi ako ganun kamanhid para hindi makaramdam ng sakit! Sana sinabi mo para hindi ganto kasakit! Sana sinabi mong pagod kana, para paghiniling mong bitawan na kita, bibitawan na kita!." "Hindi ganun kadali sakin na sabihin sayo." humihikbing aniya niya. "Masaya ka ba?" napatigil siya at umakyat ang tingin niya sakin.. "A-anong ibig mong sabihin?" "Masaya kaba sa kaniya? Masaya ka ba ngayon? Masaya kaba?" "Yes..I'm happy." a little smile form on his lips.. mas lalong tumulo yung luha ko ng nakita ko talaga sa mismong mata niya na masaya talaga siya..And I didn't see that happiness before when we were together.. Nakagat ko yung labi ko tsaka tumango tango.. Pinunasan ko yung luha ko at walang emosyong tumingin sa kaniya.. "Okay... Let's break up." i said with no hesitation.. "What?" "What do you mean 'what?'.. I know your happy, Xavier..Why would I push myself on someone I know is happy with others? I'm not a fool .. I'm not the woman who will chase you to get back together even if I get hurt a few times.. Once you cheat, don't think that you can restore the trust I gave you." "I'm really sorry,Kath." "Your sorry won't change anything.. So stop apologizing.. I'm not mad at Clarissa, I'm mad at you.. I always ask myself..what did I do wrong .. yun pala napagod kalang.." "I'm not tired..I just fell out love." "No.. You're tired.. The love is still there but your tired.. Pareho lang kami ni Clarissa isa lang ang pinagkaiba.. Kusa mo'kong minahal habang siya matutunan mo palang.. I'm done.. After this.. don't come near me.. wag mo na akong kausapin..even call, text and chat...and can you do me a favor?" "What is it?" "Love Clarissa.. Wag mong gawin yung ginawa mo sakin.. love her, take care of her, protect her.. Iparamdam mo sa kaniya yung hindi mo pinaramdam sakin.. Make her special.. Make her feel na she's the one.. Make her happy..yun lang.." napatulala naman siya sakin.. "I will." biglang nagring yung phone niya at napatingin ako sa caller.. Clarissa.. "You can go.. Hinahanap kana niya.." tumayo siya at ganun din yung ginawa ko... I hugged him thighed cause I know this will be our last hug.. Bumitaw na ako sa kaniya at tinapik yung balikat niya.. Tumakbo naman siya palabas ng cafe.. Napahawak ako sa dibdib ko at napakagat sa labi ko.. at doon na umaagos yung luha na kanina ko pa pinipigilan.. Napaupo ulit ako at nilagay yung braso ko sa mesa tsaka ko pinatong yung ulo ko sa braso ko.. Mukha akong tanga dito sa cafe, mabuti nalang at nasa pinakagilid ako umupo.. "Hey.." napaangat ang tingin ko ng marinig ko yung pamilyar na boses ng isang lalaki.. "Kiel? Anong gingawa mo dito?" I asked him while whipping my tears.. "I just saw you..Are you okay?" he asked. "Yeah." "You're not." "Alam mo naman pala bat mo pa tinatanong.." "Tsk.. What happened?" "We broke up." he arched a brow. "Who?" "Wow..napakadami ko bang boyfriend para magtanong ka ng 'who?'?" "No..I'm sorry..why did you broke up? If you don't mind.." "He.. cheated." "Let's go." nagtaka ako ng hinila niga yung kamay ko patayo at pinasakay sa kotse niya.. "Teka pano yung-" "Ipapakuha ko nalang yang kotse mo." he said and drive.. "San ba tayo pupunta?" kinakabahan kong sabi.. "Basta! Don't asked okay?" tumango nalang ako at sumandal sa bintana. "Wait! Bat papuntang Cavite to?!" he didn't answer and just focus on driving.. I checked the time and it's 7:35 pm..We arrived at his rest house in here in Cavite at exactly 9pm.. Maganda ang rest house niya.. super unique yung kulay..mukhang lumang tignan but super expensive.. "Sayo talaga to?" I asked him while walking around in the kitchen.. "Pang-anim mo nang tanong yan." he said with a serious tone.. "Pang-anim na ba?" "Yes.." Ngumiwi nalang ako at umikot sa bahay niya.. "Ang ganda talaga dito.." I said and taking a picture.. para may remembrance.. "Why are you taking pictures?" "Remembrance.. baka di na ako bumalik dito." "You can come here anytime .. I'll just give you the same key .." agad nagliwanag yung mata ko.. "Really?!" he nodded.. sa inaasta ko parand di ako broken hearted.. Tumingin pa ako ulit bago ko napagdesisyonan na umakyat para tignan din kung ano ang nandun.. "Wow!" namamanghang sabi ko. May dalawa siyang telescope the one is an Orion GoScope III 70mm Refractor Travel Telescope and SkyWatcher Explorer 130M Motorised Newtonian Reflector Telescope.. "Mage- engineer ka ba talaga o magmi- meteorologist?" I said.. Namamangha kong tinignan yung Skywatcher..at mas namangha pa ng nakita ko yung mga star.. "O..M..G.." "I just really like the stars and galaxies." he said.. "Ohh.. Pareho pala tayong Astrophile.. we both love stars and astronomy.. But I also love moon." "I like moon too.. Especially Eclipse." I giggled when I look again at the telescope.. I really like it.. Nanlaki yung mga mata ko ng makakita ng shooting star.. I immediately close my eyes and make a wish.. I smile again and looked again at the telescope.. "Pwede bang after natin magsimba.. punta tayo dito?" I asked.. "Yeah sure no problem." he said.. I immediately hug him na ikinagulat niya.. "Thank you!" "You're welcome." Nakatulog ako mga bandang 11 pm at ginising niya ako around 3am.. Dali dali akong bumangon dahil may pasok pa kami.. "Dito nalang tayo magprepare.. I have dress sa closet.. that's for emergency purposes.." tumango nalang ako at.. pumasok sa banyo pero umatras ulit ng maalala kong wala akong underwear.. "Ah..wala akong.. underwear." nahihiyang sabi ko.. oo! marunong akong mahiya! "Ahh..nasa taas din.." I just nodded at umakyat na para kunin yung damit at underwear sa taas... Tsaka ako bumaba at pumasok sa banyo.. nasa baba kasi yung banyo naliliguan ko at sa taas naman siya maliligo.. Dapat sa taas ako no? Tapos siya sa baba.. Galing niya.. grabe.. Tapos na akong maligo at nagbihis narin.. I wore a white hoodie with a denim jacket and black leather jeans and light brown combat boots.. And I also wore a black cap.. Nakababa narin siya suot niya ay uniform malamang. Kumain muna kami bago kami dumeretso sa school..buti nalang dala ko yung bag ko.. And time check it's 5 in the morning.. Humikab pa ako dahil 11 pm talaga ako nakatulog.. "Go to sleep first, I'll just wake you up when we get there." he said..I nodded and leaned against the window and closed my eyes.. "Hey.. wake up.. were here." nagising ako ng may tumapik sa pisnge ko.. Kinusot ko yung mata ko at nandito na nga kami sa parking ng school.. I checked the time and 6:30 am na.. Lumabas ako sa kotse niya at iniwan yung cap sa kotse niya.. Nagulat at nagbulungan naman ang lahat ng makita kami ni Kiel na sabay pumasok.. At mas lalong nagulat ang lahat maging ako ng akbayan ako ni Kiel.. "Stay still." he said.. tumango nalang ako at hinayaan siya.. May parang may lumipad lipad naman sa tiyan ko..ano yun? Bulateng lumilipad?.. Eto na ba yung sinasabi nilang butterfly on my stomach.. Aish. Mukhang tanga Calea ah..kakabreak niyo lang.. jusko.. Hindi ko na nalang yun pinansin at sabay na pumasok sa Bio class.. Nanlaki naman yung mata nila Rhea at Blake.. Habang si Zain ay nakangisi.. "Anong akbayan yan ha?" panunukso samin ni Blake.. "Bakit may akbayan? Ha? Anu yan?" sabi naman ni Rhea.. Magpinsan talaga. Pinabitaw ko na si Kiel sa pagkakaakbay niya at hinila si Rhea na may panunuksong tingin.. "Anow iyons?" nakangising tanong niya.. "Mamaya ko na ikwekwento sayo..Anjan na si Prof." tumango nalang siya pero nakangisi padin.. Pagkatapos ng Biology Class ay nandito kami sa Filipino.. Syempre epal na naman si Meghan.. "You attention seeker!" turo niya pa sakin.. "Who are you talking to?" I asked her innocently.. "You! Simula ng dumating ka dito! Lahat nagkandaleche-leche na! All the attention is on you!" I stood up at pinantayan siya ng tingin.. "Kasalanan ko bang 'maganda' ako? Well, you should blame my mother because she gave birth to a beautiful person like me.." "How dare you! Ang sabihin mo malandi ka talaga!" "Ako? Malandi? P-pano? Pano?Paano ako naging kagaya mo?" "You b***h!" sasampalin niya sana ako ng hawakan ko yung kamay niya at talim siya tinignan.. "Wag mo talagang subukan na dumapo yang madumi mong kamay sa maganda kong mukha.. Sinasabi ko sayo..isasampal ko tong dalawang kamay ko sa lecheng pagmumukha mo"padabog kong binitawan yung kamay niya at umupo na.. Nagpalitan muna kami ng masamang tingin bago siya umupo at sakto namang pumasok yung Prof.. Tinapik naman ni Rhea ang balikat ko at itinuon ang atensiyon sa harap.. Natapos na yung klase namin at History na..naman. "Ikwento mo na!" ngiting ngiti sabi ni Rhea.. "Hindi ka talaga makapaghintay ng break no?" I said sarcastically.. "Walang hintay hintay dito!" "Fine! So ganito nga......................" kweninto ko sa kaniya yung nangyari as in all! Pati yung break up namin ni Xavier.. Umiiyak pa siya ng magbreak kami tapos panay yung tili ng kweninto ko sa kaniya yung sa Cavite.. "KYAAAAAAA! KINIKILIG AKO!! May pa Tagaytay to Cavite..ano susunod destination? Tagaytay to Laguna? Boracay? Batangas? Palawan? Ano?" "Gaga! Kinomfort niya lang ako!" "Taray ng comfort niya ah! Umabot Cavite!" Umiling nalang ako at tumahimik na ng dumating si Sir. As usual dala niya yung makapal na libro, index card at nakataas niyang kilay. "Get one sheet of paper.. may quiz tayo." agad nanlaki yung mata namin ni Rhea at nagreklamo yung mga classmate ko.. "Sir..hindi naman kayo nagsabi na may quiz! Hindi tuloy ako nakapag-review!." reklamo nung isa. "Manahimik ka, Garcia.. Kailan kapa natutong mag-aral?.."masungit na sabi niya.. Napanguso naman yung Garcia napakamot naman kami ni Rhea at kumuha na ng papel.. Hindi naman niya sinabi na may quiz.. Tsaka hindi ako nakapag-review.. "Passing score is 150 pero kay Ms. Dela Vega 250." nakangising sabi niya.. Ano?! Seryoso? Ilang ba tong quiz na to?! "Up to 300 tong quiz nato.. so be ready!" sabi ni Sir.. what the hell.. Grabe dinaig pa yung quarter exam.. at ang unfair! 150 yung sa kanila tapos sakin 250?! Nasan katarungan dun! Ilang minuto pa ay natapos na yung madugong quiz namin halos isabog ko lahat ng kung anong nasa utak ko.. pati kalokohan ko dati nasabog ko! "Okay..Class dismissed." nakabusangot kami ni Rhea na lumabas sa room at nasalubong din namin sila Blake kaya sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria para magbreak.. "Anyare sa pagmumukha niyo?" tanong ni Blake.. "Eh kasi! Si sir hindi naman nagsabi kahapon na may quiz! Tapos 300 over all pa! Hindi pa ako nakapag-review! At mas lalong madaya kasi 150 yung passing score pero kay Camille 250!!" sigaw ni Rhea. "Eh! Bakit ka sumisigaw?!" sigaw din ni Blake sa kaniya. "Hindi ako sumisigaw! Kalmado ako! Kalmado! Eh ikaw?! Bat ka sumisigaw?! "KALMADO DIN AKO! KALMADO!! KALMADO AKO KAYA PUNTA NA TAYO SA CAFETERIA DAHIL NAGUGUTOM NA AKO!" sigaw ni Blake at naunang maglakad.. Pero napatigil din ng haranging ng fans niya.."Pwedeng papicture?" sabi nung babae.. "HINDI! MAMAYA NA!! DAHIL NAGUGUTOM NA AKO!" sigaw niya sa babae nagulat naman kaming lahat. "B-bat ka sumisigaw?" takot na tanong nung babae.. "HINDI AKO SUMISIGAW! KALMADO AKO! KALMADO!" naghagikikan naman kaming apat.. Tsaka kami naunang maglakad tinapik ko yung balikat ng babae.. "Pasensya kana ha? Don't worry kalmado yun." I said to her and she just nodded.. Kumain na kami sa cafeteria at syempre sigaw ng sigaw si Blake kasi nga 'kalmado' nga siya.. "O! HOY ZAIN! ALAM MO BA NUMBER NUNG KYLA?!" sigaw na naman niya kay Zain..hindi ba to namamaos kakasigaw?! "Hindi." he said at nagpatuloy sa pagkain.. "Sakit ng lalamunan ko." "Sino ba kasi may sabi sayo na sumigaw ka?" umirap nalang si Rhea.. "Sino ba may alam ng number ni Kylie Larissa." bulong niya pero dinig ko kaya napatigil ako sa pagkain.. Isa lang ang kilala kong Kylie Larissa.. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy lang sa pagkain..baka naman ibang Kylie Larissa lang yung sinasabi niya.. Nagring na yung bell at nauna na kami ni Rhea dahil male- late daw yung prof nila.. "Himala yata at hindi na kayo nagpapanggap ng pinsan mo." I asked her.. "A-Alam na nila.." she answered.. "Oh? Really? Pano?" "Nalaman ni Meghan tapos pinagkalat niya." "Buti hindi ka binully." "Pinagbabantaan kaya sila ni Blake.." Pumasok na kami sa loob ng classroom at nagsimula na yung klase namin.. Ilang oras pa at dismissal na at sabay sabay kaming pumunta sa parking lot.. "Sige na, Camille! Bye! Bye!" sigaw ni Rhea habang kumakaway at pumasok na sa kotse nila.. Kumaway lang si Zain at pinaharurut yung kotse.. Ako? Magpapahatid ako kay Kiel ngayon.. Malamang dahil wala akong kotse alangan namang maglakad ako, pwede namang magcab pero ayaw netong isa.. "Let's go." I just nodded at pumasok na sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa ako na nagsimula ng topic.. "Wala ka talagang ex- girlfriend's? Kahit flings?" I asked him.. "No.. Even flings.. I'm busy with studying.. And also I don't want flings." napatango naman ako.. "Edi wow.. I try ko kayang magfling ngayon no? Wait.. maghanap nga ako." I said at nagtext kay Luana..siya maraming alam dito eh..Si Sav palowkey lang yun. "Stop it." napalingon naman ako kay Kiel ng magsalita siya.. "Ha?" "Stop that.. If you want flings, I'm here." napalunok naman ako.. "T-teka sabi mo ayaw mo ng flings?" "Ngayon gusto ko na..may magagawa ka?" nagiwas nalang ako ng tingin dahil sobrang bilis ng t***k ng puso ko.. Napaisip din ako.. pwede rin siyang maging fling.. "Pwede rin..G ka?" I asked him.. napaisip naman siya.. paghindi to pumayag maghahanap ako ng iba.. "G." napakagat labi naman ako at tumango tango.. Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko at tahimik lang kami.. Hindi ko alam kong magt-thank you muna o bababa na. "We're here.." alam ko..duh? "Yeah.. Thank you." bumaba na ako at akmang papasok sa gate ng may humawak sa kamay ko.. Pagkalingon ko ay si Kiel..taka ko siyang tinignan.. "Bakit?" mabilis niya ako hinalikan sa noo at naglakad na parang walang nangyari kumaway pa siya sakin.. Habang ako nakatulala..bumaba lang siya para dun? .. pero inferness kakaiba magpakilig tong taong to..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD