Baka po may gustong bumili. Completed Story. Take all for 10 gcash or 10 load. My own story
❤️Obssessing her
❤️The Governor's Fake Wife
❤️Sleeping with the wrong billionaire's❤️Seduced by the Police
❤️Marrying the mysterious man.
PM lang po or search Airisha Mine Kadia sa fb
AIHEZA MARTIN
Napasiksik ako sa gilid ng kama kahit giit na giit na ako sa pinakadulo. Nagsimulang magpanik ang kaloob-looban ko nang makarinig ng mga yabag ng paa.
Nandito na naman ba siya? Sasaktan niya ba ako ulit? Hindi na ba talaga niya ako mapapatawad? Lalatiguhin niya ba ulit ako?
Ayoko na! Napapagod na ako.
Wala akong kasalanan. H-hindi ako lumabas, h-hindi ako tumakas. H-hindi ako nagpasaway.
Nagsimulang gumilid ang mga luha ko at hindi maiwasang kumawala ang iiling hikbi. Mabilis kong tinakpan ang bibig at pikit matang yumuko nang marinig ang pagclick ng pinto, katunayang nagbukas na ito.
Narinig ko ang mahinang pagsara ng pintuan pero hindi ko pa rin imunulat ang mga mata. Pinapakiramdaman ko ang paligid ngunit nagdaan ang ilang minuto wala pa ring nangyayari.
Walang bulyaw, walang paghatak sa braso, walang paghagupit ng sunturon, at hindi sa lahat walang pagsabunot sa buhok na usually ay nangyayari.
Mabilis akong napamulat at tumunghay sa taong nakatayo sa harapan ko at may awa ang mukhang nakatitig sa akin.
Napasinok at hikbi ako. Tuluyang kumawala ang mga luhang naipon. Mabilis ang kilos ko at lumundag sa lalaking nasa harapan ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi siya tumugon, alam ko dahil galit siya sa akin pero kahit kunti ay may awa pa siya sa akin. Sapat na iyon para kahit papaano may maramdaman akong kakampi dahil sa mundong ito alam ko sa sarili ko na ni isa wala na, wala na akong kakampi, mag-isa na lang ako. Kasalanan ko, kasalanan kong lahat.
"K-kuya Euthace." He patted my head as if he was telling me- that's it ok.
Mapait akong ngumiti.
Until now, wala pa rin siyang balak na kausapin ako. It's been 2 years pero parang kahapon lang.
'I used to be their princess but now I become their trash.'
"K-kuya... P-please t-tulungan mo akong m-makaalis dito. P-pangako, n-nangangako ako na hindi na ako magpapakita."
Nagtama ang paningin namin. Sa malamig niyang titig, sa madilim na mukha, at mga bagang na nagtatangis. Sa unang pagkakataon ay nagsalita siya na ikinasinok ko.
"Zseto won't allowed you. You know him, you better stay here. Between you and Zseto, of course I rather choose my cousin over to a woman like you."
Napaantras ako sa sinabi niya. Nahintatakutan ako at nanigas sa kinatatayuan. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko, para akong aatakihin sa mabilis na pagtibok nito.
"K-kuya..."
Tinalikuran niya ako kasabay ng pagtulo ng panibagong luha sa mata ko.
"I came here to visit you... and now I'm satisfied, satisfied to see you in hell."
Yumugyog ang balikat ko sa sakit na pinaparamdam niya sa akin. Napasalampok ako sa sahig nang makalabas siya sa kwartong naging kulungan ko.
May pag-asa pa ba? Hanggang kailan ako magdurusa sa bagay na inaakala nilang mali sa akin? Wala akong magawa. Wala, kundi damhin ang katangahang ginawa ko. Katangahang habang buhay kong pagbabayaran.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakasalampok sa sahig at nakatulala. Basta namalayan ko na lang gabi na. Ni hindi ko nagawang galawin ang pagkaing inihatid ng katulong.
Tatakas ako, tatakas ako sa unang pagkakataon.
Buong pasya kong saad sa sarili. Kahit nanghihina ang mga tuhod, pinilit ko pa ring tumayo.
Kung hindi ngayon, kailan pa? Mas mabuting ngayon habang nasa Manila pa si Zseto.
Dahil sa kalaliman ng gabi, walang makakakita sa kanya dahil tulog na ang mga tao. Dahan-dahan akong naglalakad at nagmamasid sa bawat sulok para makasigurado na walang tao. Halos magdiwang ako nang makalabas ako.
Kunti na lang makakalabas na ako! Gate pa! Aiheza isa na lang malaya ka na.
Mabilis akong tumakbo papunta sa gate dahil malayo-layo ito at kailangan pa ng kotse or anything na sasakyan para makapunta sa mansyon.
"HOY ANONG GINAGAWA MO?! TUMATAKAS KA!"
Nanlaki ang mga mata ko nang may sumigaw mula sa likuran. Umugong ang malakas na tunog sa buong paligid senyales na may nakapasok na kung sino- ang kaibahan lang ngayon ay walang nakapasok kundi umugong ito dahil nakatakas ako.
Nabalot ako ng takot at nagsimulang tumakbo ng mabilis. Parami ng parami ang humahabol sa akin hanggang sa mabangga ako mula sa harapan dahil sa hindi ko pagtingin dito at pag-antabay sa mga humahabol sa akin mula sa likuran.
Para akong isang bagay natumba. Napadaing ako dahil sa naitukod ko ang kamay sa simento. May mga paang huminto sa harapan ko at ganoon na lamang ang takot ko nang magtaas ako ng paningin sa taong iyon.
Madilim ang mukha niya. Para siyang isang demonyo na papatay sa sobrang talim ng titig niya sa akin.
Umupo siya at pumantay sa pagkakasalampok ko sa simento.
"Where do you think your going? Tatakas ka? TATAKASAN MO AKO?!"
nahintatakutan ako at paulit-ulit na umiling.
"SA TINGIN MO MAKAKAALIS KA SA AKIN? SA TINGIN MO MAKAKATAKAS KA? THEN THINK AGAIN, b***h!"
Napaigik ako ng sabunutan niya ako at ilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Today is your birthday right?"
Napaawang ang labi ko. Napatulala ako sa kanya lalo na 'nong ngumisi siya.
Birthday? I don't know, ni hindi ko nga magawang matignan ang oras, kalendaryo pa kaya.
Pero kahit ganoon mapait pa rin akong napangiti dahil naaalala niya pa ang araw ng birthday ko.
"Congrats you're finally a lady. Happy 18th birthday."
Inilayo niya sa akin ang mukha niya at pinabaling-baling ang ulo kaliwa't kanan na para bang pinapalagatok niya ang leeg.
"Let's go, habang nakakapagtimpi pa ako." Nagtiim bagang siya.
Napadaing ako sa lakas ng paghila niya sa akin patayo at walang konsiderasyon na marahas akong hinila. Mabilis ang mga hakbang ni Zseto kaya halos magkandapa-dapa ako sa paglalakad dahil sa paghila niya.
Bahagya akong napasulyap sa mga gwardiya at katulong na nagising na at pilit na humabol sa akin kanina. Kapwa sila mga nakayuko at takot kay Zseto.
Sa kalagitnaan ng pagkakaladkad niya sa akin bigla niya akong binitawan at huminto. Napahinto rin ako at napaantras nang biglaan siyang humarap. Natakot ako sa ngising nakapaskil sa mga labi niya dahil alam ko, kapag ganyan siya, may gagawin siya.
"B-bakit?" Sa nanunuyong lalamunan,