Chapter 5 : My BFF
Jack's POV
"Pa! nandito naku" sigaw ko pagpasok sa loob ng bahay namin."Bakit walang tao sa sala? Ah! baka nasa likod nagpapractice." Pumunta ako sa likod pagtingin ko wala din tao bumalik na lang ako sa loob at umakyat sa hagdan. Nasa taas naku ng may narinig ang lakas ng sounds sa kwarto ni Papa Mike. Pagbukas ko sumasayaw na naman siya with matching nakacostume pa. Ang kanang kamay niya nakahawak sa ulo at kaliwang kamay naman nakatapat sa zipper ng pants nito habang umiindak. Alam niyo na kung sino tinutukoy ko di'ba. Idol niya kasi yan mula nung nasa Jackson 5 pa si Michael Jackson Yes! The only one "The King of Pop"
Hindi din kayo maniniwala pero Michael ang first name ni papa kaya nung pinanganak kami ni kuya sinunod niya kay MJ pangalan namin. Para sakin siya na pinacool na papa sa lahat naging nanay-tatay na siya samin ni kuya. Jackson Buenavista or MJ for short. ahead siya sakin ng 2 taon at fourth.year na siya running for salutatorian kasi hindi niya talaga matalo si Annabelle Valderama ung Campus Queen sa school namin masyadong pinagpala ang babaeng yun bukod sa maganda na ubod ng talino. Kamaganak niya yata si Albert Einstein. Si kuya kasi ang sungit na napakanerdy pa di mo mabiro parang aso't pusa kami niyan sa bahay pero mahal ko yan at syempre makakalimutan ko ba magpakilala sa inyo...
Jackilyn Buenavista or Jack for short. 3rd.year na Top 5 in a class. Same kami ni kuya MJ na scholar kaya sunod kilay kami dalawa. Magkasunod lang kami ng taon sa SSU dahil nahinto si kuya nung grade 2.
Yes nahinto siya dahil maaga kinuha ni lord ang mommy namin si Linda. Heart Attack kinamatay ni Mama nasa lahi nila nung ipinanganak niya ako muntik na magaagaw buhay niya. Pinapipili na si Papa ng doctor sino ang pipiliin samin nung una si mama ang pinili niya pero nagpumilit si mama na ako na lang piliin.Bilang asawa mahirap pumili at magdecision pero may awa ang diyos at parehas kami nabuhay ni Mama. Konti lang alaala ko sa kanya biglaan ang nangyari inatake ulit siya pero pagdala sa kanya sa hospital dead on arrival masakit kasi iniwan na niya kami kaya nung namatay si mama masyado dinamdam ni kuya MJ kaya pinahinto muna siya ng 1 taon sa pagaaral. Next year enrollment at grade 2 na si kuya at ako grade 1 dahil magaling daw ako magbasa at magsulat ng pangalan kaya di naku dumaan ng preparatory.
"Bravo! Bravo!" sabay palakpak ko matapos sumayaw ni papa."O, Jack kanina ka pa jan?" pinahinaan ang DVD."Wala ka talaga kasawa sawa kay Michael Jackson,Papa!" sabi ko.
"Syempre idol namin ng mama mo. Alam mo ba kung anu ang theme song namin?" tanung nito.
"Oo matagal ko na alam yan papa paulit ulit ko nga naririnig yan dati sa inyo ni Mama" I Just Can't Stop Loving You yan ang theme song ng parents ko."Namimiss mo ba siya Papa?"
"Oo naman anak walang araw at oras na inaalala ko ang Mama mo" Napatingin ako sa kanya ayun umiiyak na pala."Di ba next month 10 years na si mama dalawin natin siya magluto tayo ng mga favorites niya." sabay yakap ko sa kanya.
"Huwag ka na umiiyak papa di bagay sayo sobrang tapang mo sa pagtuturo mo ng taekwondo sakin di ba mga lalaki hindi umiiyak kaya di naku magtataka si kuya ang nagmana sayo"
"At ikaw naman sa Mama mo. Parehas kayo matapang at walang inuurungan" sabay tawa namin.
"O' bakit di ako kasama sa tawanan niyong magtatay" sabi ni kuya MJ.
"Kanina ka pa ba jan kuya halika dito Alam ko naman inggetero ka"
"Anung sabi mo ako inggetero?" nagtago ako sa likod ni papa pero nakalapit pa din siya at kiniliti ako sa bewang."Kuya tama na hahahaha...." Lumapit na din si Papa nakisali na din. Kahit wala na si Mama alam ko nandito pa din siya sa masayang nakatingin samin.
Dear Diary,
Alam mo ba masaya ang naging araw ko nakita ko na naman si papa sumasayaw ng Billie Jean pati steps kuhang kuha na niya hahahaha... tapos si kuya naman siya nagluto ng dinner natalo kasi siya sa laro naming unggoyungguyan Masarap talaga magluto si kuya ng adong manok parang mas babae pa siya sakin sa dami niyang alam sa kusina pero ang hindi ko talaga makakalimutan kaninang umaga sa dinami dami ng pwede tumulong sakin sa motor nakabangga sakin eh' si Marco Polinar pa. Di ko alam sikat ang mokong na' yun. Hindi ko alam pero namula ako sa hiya nung nakadagan ako sa ibabaw niya. Konting galaw ko lang kasi sakto mahahalikan ko siya pero mayabang pa din ang isang yun' hindi ba niya matanggap na natalo siya at malakas ako sa kanya...mga lalaki nga naman...
Napaisip din ako sa sinabi ni Jill sakin na maganda daw ako kung nakaayos at bihis babae ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero di naman ako nagkakagusto sa kapwa ko babae naattract din naman pero hanggang doon lang my crush din naman akong guy pero artista lang lalo na si Channing Tatum sobrang pogi at macho dahil sa nakasanayan ko na ganitong pormahan okey lang kina papa at kuya. Sana kung buhay pa si mama malamang babae babae talaga ako. Namimiss ko na siya naalala ko noon lagi niya ko binabasahan ng mga fairytales like snow white,cinderella,sleeping beauty at iba pa.
Maraming Salamat sa pakikinig kaibigan,
Jack
Pagkatapos ko magsulat tinabi ko na sa drawer ang diary ko. Napatingin ako sa picture frame; picture namin ni mama karga niya ko masaya ang kuha namin nung 1st.birthday ko. Kinuha ko ito at nilagay sa aking dibdib. Nagpray muna ako bago ko binalik sa pwesto ang picture frame at humiga na.
Jill's POV
Isang magandang araw na naman sarap talaga ng gising mo lalo na't weekend. Oo nga pala pupuntahan ko si beshy sa kanila ngayon kasi ang start ng training no# 1 ko sa kanya. Nagalit kasi 'yun sakin need ko din matuto ng self defense para just in case may manakit sakin kaya ko depensahan ang sarili ko. Pagbaba ko ng dining may nakahain na breakfast may napansin ako sticky note na nakalagay sa lamesa. Bilin pala ni Mommy hindi niya ko ginising para magpaalam kasi masarap ang tulog ko. Umalis siya agad kasi may 3 Day Sale sa SM North. Ganyan ang mommy ko laging updated sa mga sale medyo wais siya bibili lang sa mall kung may sale or discount. As usual naman gamit niya ang kotse,Honda Civic mamaya paguwi nun di na magkandaugaga sa mga pinamili niya.Binilisan kong kumain,naligo at nagprepare papunta kina Jack.
BFF / Bestfriends forever ko talaga siya since elementary. Una ko siya nakita nung grade 1 short hair at nakabangs. Ang cute niya sa suot niya uniform at nakaskirt lagpas hanggang tuhod at medyas niya kulay puti na may lace. Hello Kitty ang backpack niya. Ang bag ko naman Spiderman tapos hatid sundo din ako ni Mommy sa school.Hindi kami magkaklase ni Jack magkatabi ang classroom namin kaya lagi ko siya nakikita.Isang araw lumapit siya sa mga naglalaro ng chinese garter kaso hindi siya pinasali.Nakita ko siyang umiyak sa isang tabi kaya nilapitan ko siya.
"Bata, huwag ka na umiyak gusto mo ng lollipop para sumaya ka!" "Salamat" sabi nito at binalatan ang lollipop sabay sinubo."Nakita kita kanina hindi ka nila pinasali sa laro! Ako din hindi rin ako sinali ng mga kaklase ko sa agawan base" sabi ko sa kanya. "Oo eh! parehas pala tayo, Ako pala si Jackilyn" sabay lahad ng kanang kamay niya sakin.
"Ako pala si Jullian" sabay nagshake hands kami. "Nakikita din kita paguwian. Mommy mo ba yung sumusundo sayo?" tanung nito. "Oo mommy ko. Bakit nasan ba mommy mo? Di ka ba niya hinahatid at sinusundo dito?" tanung ko sa kanya. "Buti ka pa may Mommy,maaga kasi kinuha ni Papa God ang Mama ko!" sabi nito. "Ganun ba may Daddy ka naman di ba?" tanung ko.
"Oo meron tsaka kuya sabay kami pumapasok kasi si papa may trabaho" paliwanag naman niya.
"Mabuti ka pa may kuya ako kasi nagiisang anak lang tapos ang daddy ko lagi wala nasa ibang bansa busy sa mga business namin" sabi ko. "Mayaman pala kayo kasi may business ang daddy mo"
"Hindi naman masaya pa din kung buo ang family mo, may daddy at mommy." sabi ko.
"Sa totoo lang namimiss ko pa din ang mommy ko" malungkot na sabi niya.
"Wag ka na malungkot...gusto mo maglaro tayo?" yaya ko sa kanya. Nakita ko tumawa siya pati na din ang mga mata niyang singkit." Oo sige may alam ako laro sandali lang kukunin ko lang ang bag ko"
Pumunta siya sa room at pagbalik bitbit na ang kanyang bag. Naghanap siya ng sementadong kalsada.Ang pwesto namin malapit sa puno ng Acacia. May kinuha siya sa kanyang bag; chalk at nagdrawing ng parihaba tapos hinati kya nagkaroon ng walong box tapos nilagyan niya ng numero. May kinuha itong dalawang bato ang isa binigay sakin.
"Ayan tapos na! halika na at maglaro na tayo!" "Anung gagawin natin jan di ko alam ang laro na 'yan" sabi ko. "Piko ang tawag dito o sa ingles Hopscoth. Mag Jack en Poy tayo kung sino ang panalo siya mauunang maglalaro." Nag Jack en Poy na kami una parehas na bato,pangalawa parehas na papel at sa pangatlo bato sakin at sa kanya papel. "Ako ang nanalo,ako ang unang maglalaro" masayang sabi nito. Tinuro niya sakin ang laro bago magsimula umapak sa loob ng box.
Nung nataya siya ako naman ang naglaro. Masaya kami naglalaro ng biglang nagbell hudyat na tapos na ang recess namin at kailangan na namin bumalik sa room.
"Pasok na tayo,salamat sa pagsama mo sakin sa paglalaro" "Wala 'yun Jackilyn laro ulit tayo bukas" sabi ko naman sa kanya. "Jack na lang itawag mo sakin kasi friends na tayo" "Ganun ba sige Jill na lang din tawag mo sakin 'yan kasi nickname ko hehehe." "Parang Jack and Jill lang hehe...
Alam mo ba nursery rhyme na yun?" "Oo naman sige kantahin natin habang naglalakad tayo."
SI JACK AT SI JILL
(Melodi: Jack and Jill)
Jack at Jill naglalaro
Sa bukid na malayo
Ngunit nawala si Jill
Matapos na magtago.
Tra la la la la la la (3x)
Matapos na magtago.
Nang si Jack ay umuwi
Si Jill ay hinahanap
At si Jack ay umiyak
Si Jill di mahagilap.
Tra la la la la la la (3x)
Si Jill di mahagilap
Pagkatapos namin kumanta bumalik na kami sa room. Doon natapos ang pagala-ala ko. Sinara na ko na ang pintuan at naglakad papunta sa bahay nina Jack. Binuksan ko muna ang phone ko sinaksak ang headset sa tengga ko nakinig sa 93.9 I FM sakto narinig ko ang theme song namin ni Jack ang You're my Best friend. Kung ang magjowa meron syempre kami din no!
Buenavista Residence
Nagkakape sa labas ng bahay ang papa ni Jack habang nagbabasa ng dyaryo. May narinig siya nagdoorbell kaya tinigil ang pagbabasa at binuksan ang gate. "O' ikaw pala Jill napadaan ka"
"Maganda umaga po Tito Mike gising na po ba si beshy?" tanung ko dito.
"Naku alam mo naman tulog mantika yun di nga ko nakabili ng tinapay sa labas wla ako mautusan" paliwanag nito. "Ganun po ba heto tito sakto bumili po ko ng pandesal mainit pa po ito" sabay abot sa papa ni Jack. "Tamang tama sa kapeng barako ko,salamat nagagahan ka na ba?"
"Tapos na po tito,sige po gigisingin ko lang siya" sabay pasok ko sa loob ng bahay nila at pumanik sa taas sa kwarto ni Jack.
Kumatok ako ng tatlong beses wala pa din kaya pumasok naku ayun nakita ko ang bruha sarap ng tulog mukhang tulo laway pa. Nakataas ang kaliwang braso malapit sa ulo ung isa naman parang nakapameyang at nkabukaka. Nakatshirt na white nakaprint ang mukha ni Mickey Mouse at pajama na kulay pula.Kung ibang lalaki pumasok sa kwarto niya baka reypin na siya sa ganyang ayos niya. Anu ba pumasok sa ulo ko bakit ganun ang inisip ko paano kung naging tunay na lalaki ako maatim ko ba reypin ko ang bestfriend ko. Isang malaking joke ba yun it's a big No! No! No! No! Mabuti kahit papano eh gentleman este gentlegirl ako.
Ang liit ng kwarto niya kalahati ng sakin pero di nya magawang maglinis. Niyugyog ko siya pra gumising. Minulat nito ang kanyang mata, bumangon ito at naginat di niya napansin ang presence ko kaya napatingin ako sa t-shirt niya ngayon ko lang napansin manipis ito hala...OMG bakat ang b**** niya.
Pagdilat niya napatingin siya sakin. Napayuko ako kasi nakita ko ang hindi dapat makita.
"Ikaw pala bes kanina ka pa jan" tanung nito. "Oo 'eh kasi bes kasi sabi ni Tito tulog mantika ka daw kaya ginising na kita." "Di na nasanay si papa sa'kin weekend naman ngayon o bakit nakayuko ka?" tanung nito. "Kasi bes sorry ung damit mo kasi manipis nakita ko ang di dapat makita parang nasilipan kita" sabi ko habang nakayuko. Napayuko din ito tumingin sa tshirt niya. Sabay akap sa sarili ni Jack. "Walang hiya ka bakla ka bastos!!?lumabas ka sa kwarto ko!!!" sabay suntok sa mukha ko.
"Sorry na bes di ko naman sinasadya" at dali-daling lumabas ako ng kwarto niya. Ang lakas talaga ng suntok niya. Dapat di na lang ako pumasok dun sana hinintay ko na siyang magising.
"O' bakit namumula ang mukha mo, ang ganda ng breaskfast in bed ni Jack sayo hehehe..." tudyo ni Tito Mike."Sorry po Tito dapat hinintay ko na lang siya dito sa sala" paliwanag ko.
"Okey lang yun teka kukunin ko muna ang cold compress para di umitim yang pisngi mo"
Di pa nga naguumpisa ang training namin nasampulan niya ako agad tsk tsk tsk... panu mamaya di lang 'to sasapitin ko sayang ang skin regimen na gamit ko kagabi! May pagka Amazona talaga siya! Good luck na lang mamaya! usal nito sa sarili. Nilock ni Jack ang pinto at nagtungo sa cr para maghilamos at napatingin sa salamin. "Bakit kasi pumasok siya sa kwarto ko okey lang sana kung di ako nakapantulog. Hindi na virgin ang katawan ko nakita na ni beshy mabuti di kami talo pagnagkataon"
"Mabuti siya nakakita kesa ibang lalaki" sa isip ni Jack."Kahit sila papa at kuya never ko pinapapasok sa kwarto ko kapag natutulog ako tapos siya hay naku...kung di lang kita bestfriend!" inis na sabi nito sa sarili. Itinuloy niya ang paghilamos at nagpalit ng damit.