Thirsty ambitious Queen

2527 Words
Isang bahay lang ang pagitan namin sa kanila. Pumasok kami sa kanilang bahay at naabutan ang kanyang Papa na nagka-kape habang naglalaro ng candy crush. Nang makita ako ay nagsalita. "Oh ang paborito kong anak! Halika Yen kumain ka ng meryenda mo." "Pa ako ang anak mo." singit ni Ruther. "Manahimik ka diyan Ruther. Panira ka e!" Natatawa nalang ako kay tito e, parati niyang sinasabi na "anak" niya ako dahil siguro sa puro mga barako ang anak kaya sabik sa anak na babae. Apat ang kanilang naging anak at bunso si Ruther, ang tatlo naman niyang mga kapatid ay nasa ibat-ibang bansa na para sa kanilang trabaho. Iniwan ako ni Ruther sa kanilang entertainment room at binigyan ng makakain habang naghihintay sa kanya. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at halatang gumastos nang malaki dahil sa mga kagamitan at ang interior design ng lugar. Tumigil lamang sa pagtingin sa paligid nang mapukaw ang pansin ko ng gumaganang television. Naghahalikan.. nasa kasagsagan na ito ng kanilang mapusok na halikan. Tinitigan ko ito ng maayos at ang paraan ng paglapat ng kanilang mga labi at ang bawat kibot na parang ang sarap-sarap. Ang kanilang mga mata ay parehong nakapikit, at kung bumukas man ay half open ang mga ito at parehong namumungay. Pulang pula ang kanilang mga labi pagkatapos nito.. Tapos na ang palabas ngunit sariwang-sariwa pa sa aking utak at parang sirang plakang paulit-ulit itong nagre-replay sa akin. Pinaypayan ko ang sarili dahil sa biglang pag-init ng pakiramdam at tila ako'y nauuhaw.. "Ano ang pakiramdam ng mahalikan?" Mga tanong na sa akin ay bumabagabag. Kalaunan ay bumukas ang pinto at iniluwa si Ruther na nagpupunas ng buhok at walang damit pang-itaas. Tinitigan niya ako habang papalapit. Biglang pumasok ang lalaking napanood kanina na parehong walang damit pang itaas. I gulped at my sight. "Namumula ka.." he said. Hinawakan ko ang mukha at naramdaman ang init. Ang lantod kasi ng utak ko. Tumabi siya sa akin at tinititigan naghahanap ng dahilan sa pamumula ko. "Ahh.. wala mainit lang." "Ah. Dapat tinutok mo na sa'yo ang electric fan." sagot niya at tinutok sa akin ang electric fan. "Anong pinapanood mo?" Tanong niya kalaunan na mas nagpalala sa aking nararamdaman. Hinarap ko siya at tiningnan ang labi niya, namumula ito katulad noong lalaki sa napanood. "What's wrong?" Malambot, mainit at nalasahan ko pa ang mint sa kanyang labi dahil naka-awang ito ng halikan. Hindi siya agad nakapag-react at parang pinoproseso pa ang nangyari. Nanlalaki ang kanyang mata ng ihiwalay ko ang mukha ko sa kanya.. "What what was that?" gulat niyang tanong. Masarap pala! bulong ng utak ko.. I smirked at his reaction. Nakakahiya ang ginawa ko pero bakit parang gusto ko pang ulitin? Nanatiling gulong-gulo ang kanyang reaction. Hinarap ko na siya ng tuluyan at hinawakan ang kanyang kamay. "Let's kiss. Ruther." Mas lalong nalaglag ang kanyang panga sa aking sinabi.. "What?" Lito niyang tanong. Sino nga naman ang hindi maguguluhan at iniwan niya akong maayos dito at sa pagbalik niya sa para akong uhaw na aso dito. "Bakit mo ako hi-hinalikan?" nauutal niyang tanong. "Bakit bawal?" naiinis na ako at pakiramdam ko ay hindi niya nagustuhan samantalang ako ay gusto ko pang maulit.. "H-hindi naman Yen pero-" "Let's kiss Ruther.. Halikan mo ako ng parang nasa harap na tayo ng simbahan." Nakatingin lang siya sa akin at parang walang narinig.. "Sabihin mo nalang kung ayaw mo!" asik ko bago tumayo. Aalis na lang ako! Ngunit agad din na naupo sa upuan ng siya na ang humalik sa aking labi. Mulat na mulat ako sa sobrang bigla. Ibang iba ang kanyang halik sa ginawa ko at gumagalaw ang kanyang labi sa bawat sulok ng aking bibig. Ang kanyang kamay ay nasa aking bewang at ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad. Hindi ko kinaya at napapikit na sa nararamdamang sensation.. Hindi na ako makahinga sa tagal. Nang tumigil siya ay idinikit niya ang kanyang ilong sa aking pisngi habang mabilis ang kanyang paghinga. "I'm sorry Yen. Gustong-gusto ko ang halik mo. Natatakot lang ako at baka hindi ko mapigilan ang sarili sa iyo." bulong niya. "Saan ka natatakot?" lito kong tanong. "Bata pa tayo Yen, hindi tayo dapat nagmamadali." Nakuha ko ang gusto niyang sabihin. Tama siya at nakakatakot dahil sa mapusok kong ginawa. Bata pa kami at dapat ay hindi pa ginagawa ang mga ganoong bagay. Napag-uusapan namin na upang hindi na maulit at maiwasan ang ganoon ay hindi kami maaaring mapag-isa sa isang kulob na lugar. Iiwasan namin lalo na at tila may kung anong nagising sa aking pagkatao.. My flesh are starting to bloom.. Dumating ang araw ng aming JS prom at walang pasok ngayong umaga upang makapag-beauty rest kaming participants. Nakahiga lang ako sa aking kama at hindi makatulog sa sobrang excite.. Hindi din pumasok si Mama sa kanyang trabaho dahil siya ang mag-aayos sa akin. Nang sumapit ang alas-dos ay kinatok na ako ni Mama upang makaligo na, mabilis ko itong sinunod at maiging ginawa ng maayos at mas matagal ang aking routine sa pagligo. Paglabas ay naabutan ko si Mama na inaayos ang mga gagamitin, tube at maikling short ang suot ko upang hindi mahirapan mamaya sa pagsuot ng gown habang naka-ayos na. Nakatuwad ako sa harapan ng electric fan sa pagpapatuyo ng aking buhok nang biglang bumukas ang pintuan at doon ay nakita kong nakatayo si Ruther na mukhang nabigla sa aking posisyon. Mabilis akong umayos ng tayo at pinigilan ang aking hiya. "Anong ginagawa mo rito?" "Ahh iyong pinabili ni tita sa akin" sabay abot sa akin ng mga spray net at pin ng mga buhok. Bago pa ako makapag-pasalamat ay nagsalita na siya. "Aalis na ako, ikandado mo ang pinto Yen at huwag kang tuwad ng tuwad diyan" aniya at mabilis na umalis.. Tsk! Napaka conservative!! Ang ganda kaya ng pwet ko lalo na kapag nagte-twerk! "Anong gusto mong ayos ng buhok Yen?" tanong ni Mama habang nakaharap kami sa salamin. "Gusto ko sana nakalugay ang buhok ko Ma pero gusto ko din na naka-highlight ang aking shoulder and neck kasi sayang naman ang kagandahan kung hindi makikita.." Bunatukan ako ni Mama! Ang bigat talaga ng kamay ni Menggay! "Edi i-one side nalang natin at least nakalugay na at na-highlight pa ang pinagsasabi mo." "Naks ang lakas maka-hair stylist ng Mama ko ah! Gandang Menggay Salon!" asar ko.. "Brain ginamit ko no!.." "Sanaol may brain.." Nang matapos ang kanyang pag-aayos ay hinarap niya na ako sa harapan ng salamin. At kulang nalang ay malaglag ang aking panga sa aking nakikita, hindi ko akalaing may igaganda pa pala ang mukhang ito.. Hinarap ko si mama at nakita ang kanyang naluluhang mata. "Bakit ma? Natalbugan ba kita?" pagbibiro ko dahil konti nalang ay iiyak na talaga siya. "Kamukhang-kamukha mo talaga ang papa mo Yen" aniya at tuluyan ng umiyak.. Sa lahat ng salita ay iyon ang pinaka ayaw ko. Ayaw kong sinasabi na sa kanya ako nagmana, ayoko sa manloloko, ayoko sa kanya dahil sa kanya ay nararanasan naming mag-ina ang walang hanggang diskriminasyon kung sanang hindi siya naglandi ay hindi magiging ganito ang buhay ni Mama. "Ma!" galit kong sigaw. "Sorry anak hindi ko lang maiwasan." aniya habang nagpupunas ng luha. Huminga ako ng malalim at hindi nalang tumingin sa salamin.. Nanonood ako habang nire-retouch ni Mama ang make up nang may kumatok sa aming pintuan. Tumingin sa salamin at nakitang oras na, si Ruther 'to panigurado. At hindi nga nagkamali.. Kasama pa ang kanyang Papa na malaki ang ngiti pagka-kita sa akin.. "Nako! Ang paborito kong anak!" sigaw niya dahilan ng aming tawanan sa loob. Sumunod na pumasok ang kanyang Mama. "Ay rugo kalagu mo Yen" sambit niya.. "Thank you po tita." Nahihiya kong sagot. "Anong tita? Mama na no.." aniya habang tumatawa. "Mama naman!" bulyaw ni Ruther na namumula dahil sa kanyang magulang. Ang kukulit nga naman. Paglabas ay lahat sila naka-alalay maliban kay Ruther na wala ng pwesto, daig ko pa ang prinsesa ng Europe sa kanilang trato sa akin. Mahihiya si Kate Middleton! Pagdating sa school ay marami-rami na ang mga tao roon. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng covered court na punong puno ng decorations na mga hanging flowers at mga chandelier, sa bandang likod naman ay naroon isang tent kung nasaan ang dj at ang mga gamit para sa music at sa stage ay ang malaking design na nakasulat ang junior-senior prom.. "Oh picture kayo doon o!" ani Mama tinutukoy sa stage. "Ih mama nakakahiya tyaka hindi ata pwede" sagot ko. "Pwede iyan nak" ani tito at lumapit na sa stage at kinausap ang mga nakabantay doon. "Oh halika na kayo Yen Ruther pwede naman daw.." Nilingon ko ang katabi at ang kanyang kamay ay naghihintay na sa akin, ngumiti ako at inabot ang kanyang kamay. Magkahawak-kamay na umakyat sa entablado at ginawa ang mga pinagagawa ng aming mga magulang. Bababa na sana nang marinig ang tilian ng dalawang kaibigan. "Shemay ang lakas maka King and Queen of the night!" sigaw ni Pepay. "Oo nga! Unang kita ko pa lang sa kanila alam kong sila na ang mapipili" ani Potpot. Sumali pa ang iba naming kaklase at mga kakilala na kami nga panigurado ang matatanghal. Lalo na nang lumipat kami sa maraming tao ay iyon ang naging usapan. Malaki ang ngiti dahil sa mga naririnig at usap-usapan. "Ikaw lang ang isasayaw ko mamaya." ani Ruther na lalong nagpalaki ng aking ngiti. "Bakit? 'Di mo isasayaw ang mga may gusto sa'yo? Last na 'to kaya papayagan kitang isayaw mo sila." Umiling lamang siya. "Ikaw lang ang isasayaw ko Yen" "Bahala ka" sagot ko. Umuwi na ang aming magulang nang magsimula na ang program. Habang naghihintay para sa aming performance ay walang katapusang selfie's at group photo ang aming pinag-gagawa at habang tinitingnan iyon ay may napansin. Halos sa lahat ng kuha ay sa akin lagi nakatingin si Ruther na seryoso o kaya naman ay nakangiti habang nakatingin sa akin... Maya-maya pa ay tinawag na kami para sa aming performance, tumayo ako at dahan-dahan naglalakad dahil sa haba at bigat ng gown. Hindi ko man lang napansin na may kabigatan kanina dahil tatlo ang umaalalay sa akin. Habang abala ang mata ko sa pagtingin sa aming pwesto ay mas naging mabilis ang aking paglalakad at gumaan ang gown.. Nilingon ko ang likuran at nakita si Ruther na seryosong hawak hawak ang likuran ng aking gown napangiti ako sa aking nakikita at parang may humaplos sa aking damdamin. Nagsimula na ang sayaw at pagpikit lamang ang aming naging pahinga sa titigan namin. Ang saya ng gabing ito hanggang sa coronation program na at lahat ay nakatingin na sa amin, inaabangan marinig ang aming mga pangalan. At hindi nga nagkamali ng tawagin ang pangalan ni Ruther bilang Senior Prom King.. Masigabong palakpakan ang naghari sa buong covered court.. Hindi kumikilos ang kasama kahit pa tinatawag na siya ng emcee upang umakyat sa entablado. "Huy umakyat ka na nakakahiya hinihintay ka na oh!" "Hintayin na kita" aniya. "Huwag na. Nakakahiya mauna ka na doon, susunod agad ako doon.." pilit ko sa kanya at sinunod naman kalaunan. Nasa gitna na siya ng kanyang paglalakad papunta sa entablado ng iaanounce na ang Senior Prom Queen, lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin at ang iba ay binabati na ako.. Malaki ang ngiti kahit na may kaunting kabang nararamdaman habang hinihintay tawagin ang aking pangalan. "Our Senior Prom Queen is.... Rose Anne Mendoza" sigaw ng emcee.. Maingay ang paligid ngunit pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Hindi na din maintindihan ang mga sinasabi ng mga kasama at may iilang mga mata pa na nakitang masaya sa naging reaction ko... Tumingin ako sa harapan at nakita ang babaeng tinawag, anak ni mayor.. Habang si Ruther ay balisang nakatingin sa akin at parang gustong-gusto bumaba sa entablado.. Ngumiti ako upang makita niya na ayos lang ako kahit na sa kalooban ko ay nanghihina na. Masyado akong naniwala sa mga sinasabi ng tao sa paligid. Ayan tuloy lumagapak ka. Nangingilid ang luhang gustong kumawala sa aking mata habang tinititigan ang lalaking mahal ko kasama ang ibang babae. Pakiramdam ko mas bagay sila, parehong nasa mayamang antas.. Matapos ilagay sa kanila ang sash at crown ay sasayaw sila bilang simbolo na umpisa na ng sayawan. Hindi gumalaw si Ruther. Naalala ang sinabing ako lang ang isasayaw.. Nilapitan na siya ng isang teacher at binulungan. Isang malungkot na tingin sa akin bago inabot ang kamay ng kasama kasabay non ay ang isang romantic music na umalingawngaw sa buong lugar. Nagulo na din ang mga tao sa paligid at kanya-kanya ng hila sa kamay ng kanilang mga partner samantalang ako ay parang napako sa kinatatayuan.. Pinagtitinginan na ako ng magpasyang umalis at pumunta sa cr, hindi na alintana ang kabigatan ng gown at tinginan ng mga tao sa akin. Nang makapasok ay bumuhos ang luhang kanina pa gustong-gusto lumabas.. Walang may kasalanan pero ang sakit sakit.. Palagi kong itinatatak sa akin na okay lang maging mahirap basta aahon ka doon at hindi mag-stay hanggang sa katapusan ng iyong buhay pero sa unang pagkakataon ay inayawan ko ang aming antas. Bakit kasi mahirap lang kami? Hindi masyadong dinig sa loob ng banyo ang tugtog kaya hindi ko alam kung tapos na.. Hinayaan ko muna ang sariling ilabas ang lahat bago magpasyang lumabas na ayos na ulit.. Tiningnan ko ang itsura sa salamin nginitian ang sarili "Yayaman ka gaga ka!" sabay duro sa aking sarili. Paglabas ay naabutan ko si Ruther na nag-aabang malungkot ang mata habang tinititigan ako. "Lungkot naman ng Prom King namin?" Sambit ko, pilit pinapasaya ang tono. "I'm sorry.." mahina niyang sambit. "It's okay. It's not your fault Ar. Feelingera lang kasi natin sa part na ako ang magiging "queen". "You are. You are my queen Yen." Ngumiti ako at parang nawala ang bigat na nararamdaman kanina. Niyakap niya ako ng mahigpit at mainit.. Nagyaya na akong bumalik sa court dahil sayang ang gabi kung magmumukmok lang ako. Mas maingay ngayon dahil sa banda ng aming school ang tumutugtog habang ang mga tao ay nasa harapan at nagtatalunan sa awiting kinakanta. Nanonood lamang kami sa likod habang si Ruther ay yakap yakap ako sa likuran, hindi alintana ang malamig na hangin dahil sa kanya. Nang matapos ang rock song na itinugtog ay nagyayang lumapit si Ruther sa harapan, sumunod naman ako at pumwesto kami sa gitna ng mga tao.. Maya-maya ay nagsalita ang vocalist ng banda na si Resty. "Masaya ba kayo Pablonians?" aniya. "Yes!!!" sigaw ng mga nanonood. "Parang hindi pa. Kaya naman tinatawag ko ang mas magpapasaya pa sa inyo lalo.. ang pinakamamahal kong kaibigan. Renz Ruther my loves come here bro!" sigaw niya. Nilingon ko ang kasama na may malaking ngiti. Hinubad niya ang kanyang coat, pinatong sa aking balikat at pinatakan ng halik sa noo bago ako iwan at umakyat ng stage. I cleared my throat while watching him staring me back.. Nagsimula na ang instrumental music bago siya nagsalita.. "This song is dedicated to my one only Queen since 2015" Natawa ako dahil iyon ang taon ng aming paglipat sa lugar na ito. "My Queen thank you for the colors you brought into my pale life.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD