Confused... and it's okay

2495 Words
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi ako makapag-salita at tila nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nakangiti siya ngunit ang mata ay madilim at tila malungkot. "T-tita naiwan niyo po," aniya bago mabilis na umalis. "Tingnan mo ang ginawa mo Adrienne! Grabe ka naman manghusga kay Ruther parang hindi mo kilala yung tao." Galit na galit ang matang ibinaling sa akin ni Mama. "Sorry po ma." Ang totoo ay hindi ko naman sinasadya ang mga nasabi. Galit lamang ako kaya ganoon ang lumabas sa aking bibig. Hindi naman iyon talaga ang gusto kong sabihin. "Kay Ruther ka mag-sorry! Hindi ako ang nasaktan mo. Nako Adrienne kawawa ang bata! Ikaw talaga!" ani mama nanggigigil bago siya pumasok ng kanyang kwarto. Pumasok na din ako sa kwarto at natulala. Aminadong masama nga ang mga nasabi. Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Magso-sorry nalang ako bukas. Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit late na nakatulog. Nagmamadali ako sa paglabas at naabutan ko siya sa may kanto, kung saan niya ako madalas hinihintay nang makita ako ay nagsimula na siya maglakad. Hindi ko alam paano siya kausapin. Nahihiya sa mga nasabi kagabi. Hanggang sa nakarating na kami sa aming room ay hindi ko siya nakausap dahil hirap na hirap akong humanap ng tyempo. Pagkarating ay sumukob lamang siya sa kanyang desk at ng pumasok ang aming adviser ay umayos na din ng upo. Buong oras ata ng klase ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tingnan siya.. Nagbabaka-sakaling nakatingin din tulad ng kanyang ginagawa. Ang lungkot ng pakiramdam ko.. Parang may kulang, parang may gumuho sa kalooban ko. Parang hindi ako kumpleto at pakiramdam ko ay may maliliit na karayom ang tumutusok sa aking puso. Natapos ang aming first class at naging aktibo sa discussion si ArAr. Binibiro siya ng mga kaklase na nagpapabibo sa akin pero hindi siya ngumiti sa kanilang biro na lagi niyang ginagawa. Nanikip ang dibdib ko.. Tumayo na ako at nag-ayos para sa pag-punta sa covered court nasa kalahati na ako ng paglalakad nang lingunin ang aking likod at walang Ruther na nakabuntot. Huminga ako ng malalim upang mapawi kung ano man ang nararamdaman kong ito, at pilit na nilibang ang sarili habang naghihintay ngunit laging bumabalik sa kanya ang pag iisip. Huli siyang dumating, pumila na kami at inayos ang formations namin. Nakatingin lamang siya sa gilid kahit na wala namang tinitingnan doon. "Ang mga kamay!" sigaw ni Sir. Kaya naman hinawakan niya na ako. Hindi katulad kahapon ang hawak niya, walang higpit sa kanyang kapit ngayon. Pinanood ko ang aming mga kamay na magka-hawak nang mapansin ang mga sugat sa kanyang kamao. Nilingon ko siya at nag-iwas naman siya ng tingin. "Anong nangyari dito?" tanong ko. Umiling lamang siya. Napipi na ba siya at hindi na magawang sumagot sa akin? Pinanood ko ang kanyang mukha at ngayon ko lang napansin ang mga pagbabago sa kanyang itsura. Ang layo niya na sa batang bully na nakilala ko. Mas matangkad at pumuti na ang balat niya ng kaunti, nagkalaman na dahil sa sports niya, ang makakapal niyang kilay at pilik-mata, matangos na ilong at labing manipis nagtama ang aming mata at napangiti ako. Hindi na din malaki ang kanyang mata.. napangiti ako sa naiisip. Dahilan ng pag arko ng kanyang kilay. Naging mabilis ang oras ng aming practice, ganoon siguro talaga t'wing nalilibang ka. He immediately left the covered court. Hindi man lang ako inantay.. Pumasok na sa aming sariling room upang kuhanin ang aking na bag na madalas si Ruther ang nagdadala. Pagkarating sa canteen ay naroon na siya sa parati naming pwesto at naghihintay hindi ginagalaw ang pagkain, meron na din akong pagkain dahil siya naman parati ang umoorder. Umupo na ako sa kanyang harapan at nagsimula na siyang kumain, kaya sumunod na rin. Nasa kalahati na ako ng pagkain ng mauhaw kaya naman inabot ang bagong bottle water na hindi ko mabuksan, itinabi ko nalang ng hindi talaga mabuksan. Naiwan sa ere ang isusubo kong pagkain nang abutin ni Ruther at buksan ang aking tubig bago ibalik sa aking harapan. "Thanks!" mahina kong sambit. He didn't respond, at nagpatuloy lamang siya sa pagkain. Bukod tanging ang lamesa lamang namin ang tahimik sa loob ng canteen. "Wow! Nangangamoy tampuhan dito sa canteen." ani Pepay kasama si Potpot na tumigil sa aming harapan. Walang umimik sa aming dalawa. "Ayy shet true nga!" ani Potpot habang sinisinghot-singhot si Ruther. Nagpatuloy ang aming katahimikan, deep inside of me ay nabasag ang pag-asa kong magsasalita na siya dahil sila Potpot na yan e.. Galit nga siya. Sino ba naman ang hindi magagalit? Ang tanga ko talaga para umasang hindi niya ako matitiis. Tumayo ako ay umalis sa kanilang harapan. "Yen San ka pupunta? Anyare?!" Litong tanong ng dalawa. "Cr lang" sagot ko bago tuluyang lumabas na. "Susunod iiwasan niya na talaga ako. Walang makatiis sa gaspang ng ugali mo." bulong ko na nagpatulo sa aking luha at pagsikip ng aking dibdib. "Bakit ka umiiyak diba heto ang gusto mo? Ang iwasan ka dahil wala ka naman gusto? Ang tanga-tanga mo talaga Adrienne!" Pinilit kong ayusin ang sarili at pakiramdam bago pumasok na sa klase. Tiniis kong huwag lumingon sa kanya at magfocus sa klase ngunit nililipad sa ibang dako ang aking pag-iisip. "Ms. Gonzalez? Ano saan ka na napunta?" Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase. Shit! "Sorry po ma'am." Hiyang hiya ako at gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan. Hindi pa ako nasabihan ng ganoon ng aking mga teacher.. ngayon pa lang. Hanggang sa matapos ang klase ay pinilit ko ang sariling maging alerto sa mga nangyayari. Pagka dismissed ay mabilis kong dinampot ang bag at dire-diretsyong lumabas, mabilis ang naging lakad at walang nilingon sa mga tumatawag sa akin. Kahit pa si Ruther.. Nang makarating sa bahay ay hinahabol pa ang hininga dahil sa bilis nang paglalakad. "Oh ang bilis mo anak?!" gulat na tanong ni Mama. "Pasok muna ako sa kwarto Ma." Humiga ako sa kama at tuluyan ng pumatak ang luha. Hindi ko malaman ang pakiramdam ko. Nalilito ako sa feelings ko, pumasok si Mama sa kwarto at ipinikit ko ang mga mata. Naramdaman ko ang paglubog ng kama dahil sa pag-upo niya. Hindi siya nagsalita at sinuklay lamang ang buhok ko na ikinakalma ko hanggang sa makatulog na magaan ang pakiramdam. Nagising ako sa mahihinang katok ni mama. "Kakain na anak, mag-ayos ka na." Tumango ako at mabilis na nag-ayos. Sa hapag ay ramdam ko ang mga sulyap ni Mama. Nang matapos ay nagligpit at umupo siya kasabay ng pagpapakawala ng mahabang buntong hininga. "Ma" tawag ko. "Nak" "Mama naman!" "Anak naman!" Inirapan ko nalang at tumahimik. Umupo siya sa tabi ko. "Anong problema anak?" "Nalilito ako ma. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. " "Bakit naman?" "Ma wala sa plano ko si Ruther.. alam ko wala. Wala akong gusto sa kanya.. Pero simula kagabi nong nakita ko siya. N-nalilito ako Ma." sumbong ko. Hindi ko na alam ang gagawin at alam kong makatutulong si Mama sa problema ko, alam niya ang dapat kong gawin dahil walang Ina ang gustong mapahamak ang kanyang anak. "Sigurado ka ba na wala kang gusto? O iniiwasan mo lang dahil sa mga plano mong binuo kaya hindi mo napapansin ang feelings mo sa kanya?" Hindi ako nakasagot dahil sapul na sapul ni Mama ang mga tamang salita na ayaw kong i-entertain. Parang binubudburan niya ng asin ang bagong sugat ko. Tama nga ang nabasa ko sa isang libro. "The greatest truths in life are usually the most unpleasant to hear." "Bata ka pa at huwag mong ikulong ang sarili sa mga plano mong ikaw din naman ang masisira. Tingnan mo gulong-gulo ka dahil pinipilit mo pa rin ang sa'yo." "Sarili mo ang kinakalaban mo anak kaya talagang nalilito ka. Alam mo noong nakilala ko ang Papa mo wala din siya sa plano ko, pero sa huli ay bumagsak pa din ako sa kanya kaya pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Ang sa akin lang hindi ko masyadong kinilala ang Papa mo pero heto ikaw nandyan na at halatang halata naman kay Ruther na gusto ka niya at walang sabit. Ano pang inaarte-arte mo diyan?" Tyaka gustong gusto ko si Ruther para sa iyo anak." Ang swerte ko kay Mama. Siguro sa kanya ako nagmana ng katalinuhan, sa kabalastugan sigurado sa tatay ko.. Nanonood kami ng tv nang mag-paalam si Mama na matutulog na. "Goodnight wet dreams Ma." "Gago ka! Anak talaga kita." aniya bago pumasok sa kwarto niya. Inaantok na ako sa tagal ng commercial ng aking pinapanood kaya naman nilibang ko ang sarili. Hayy ang liit ng bahay namin, hindi bagay si Mama dito.. ani ko habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Lumabas ako para tingnan ang itsura sa labas ng aming bahay nang makita si Ruther na ilang dipa lamang ang layo. Halatang nagulat siya sa paglabas ko. May dala siyang leche flan.. "Yen.. p-pinagawa ko kay Mama." He said, habang inaabot sa akin. "Salamat Ar!.. naghari ang katahimikan at ilang sandali ay binasag ko. Ahh sorry pala sa mga nasabi ko kagabi, hindi ko sinasadya." " Ayos lang Yen.. Totoo naman ang sinabi mo at ako dapat ang mag sorry dahil sa inasta ko kahapon sa'yo." "Hindi ako talaga ang mali e." "Okay lang naman at nakapag-isip ako ng maayos dahil sa sinabi mo Yen. Magsisikap ako para magustuhan mo at maging tamang tao para sa i-iyo." Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko ay may kumikiliti sa loob ng aking tiyan. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretsyo at tila napapaso ako sa kanyang mga tingin. "Magpapakatino ako para sa iyo Yen" aniya pa na nagpangiti sa akin.. "Ruther" tawag ko sa kanya na parang hindi ko tinig sa sobrang lambing. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay. Halatang nabigla sa naging kilos ko dahil sa biglang paninigas niya sa kanyang kinatatayuan. "Gusto mo ba talaga ako Renz Ruther Cruz?" Natulala siya sa mga sinabi ko at kalaunan ay sunud-sunod na tango ang ginawa. "I want your words Ruther!" sambit ko. "I like you Adrienne. I love you! Mahal kita noon pa man.. Gustong-gusto!" He said while looking at my eyes intently. "Good news! At gustong-gusto din kita!" Sagot ko. At sa isang pagkakataon ay nakita ko muli ang batang bully na may malaki ang mata sa naging reaction niya. Niyakap niya ako at nagpasalamat sa leche flan ng kanyang Ina. Nakaupo kaming magkatabi sa harap ng aming bahay. Magkahawak-kamay.. Habang umiihip ang sariwang hangin galing sa bukid. "Tayo na ba?" He asked. "Ayaw mo?" sagot ko. "Gusto pero hindi pa kita pormal na nililigawan e." "Okay na ito, dito din naman ang ending natin e." Hinawakan ko ang kamay niyang may sugat. "Parang tanga. Sinuntok mo ang pader?" "Yeah. I am hurting so I needed distraction." "Distraction your face! Hindi mo naman napatumba ang pader" ani ko bago hinalikan ang kanyang kamao.. Pagkatapos ay nilingon ko siya na nakatingin sa akin habang kagat-kagat ang labi, nagpipigil nang iyak. Nagulat ako.. "Hoy hinalikan ko, hindi ko kinagat!" "Ang tagal kong pinangarap to Yen!" aniya at tuluyan ng tumulo ang pinipigilang luha. "Sus ang bebe ko!" Ani ko at niyakap ng mahigpit. "Kailan mo pa ako simulang nagustuhan?" I asked. He just shrugged his shoulder, akala ko ay hindi na siya sasagot. "I don't know, matagal na.. basta ang alam ko lang noon na habang naglalaro tayo ng patintero. I need to save you no matter what.." Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nag-pulbo, liptint at clip na kulay dilaw sa buhok bago lumabas ng kwarto. "Aba ang ganda naman nang dalagang iyan!" "Mana sa Mama ko Miss!" ani ko na siyang ikinatuwa niya. Habang kumakain ay naikwento ko kay Mama ang nangyari. "Masaya ako basta masaya ka at walang ginagawang masama anak." Papalabas na ako ng makita siya kasama ang Mama at Papa niya. "Wow ang ganda naman ng girlfriend ng anak ko" ani ni tita Liza. Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha sa init ng pisngi. "Ma!" bulyaw ni Ruther. "Ano ba anak pinupuri lang ang girlfriend mo e" "Tigilan mo ang mga bata Liza. Oh Adrienne anak halika at sumakay kana" anang Papa niya. Tumawa na lamang ako at hinayaan ang mag-asawa. Magkatabi kami sa loob ng sidecar at minu-minuto ay tinititingnan ako. Nakarating na kami sa school dahil malapit lang naman. Habang papasok ay nagtatama ang aming kamay kaya naman hinawakan ko na at mabilis din nagsisi nang marinig ang tilian ng mga kaklase kong nanonood. "Napeste na" bulong ko. Bibitawan ko na sana ngunit mas hinigpitan ni Ruther ang hawak sa aking kamay. Malaki ang ngiti habang papalapit, dahilan lalo upang magwala ang mga nakakakita. "Yes naman dream come true! Congrats pare!" ani Resty habang tinatapik sa balikat. "Wow kaya pala blooming si Adrienne!" Ani Nicole ang aming secretary. Nginitian ko lang dahil ngayon ko naramdaman ang hiya. "Good morning ma'am!" Exaggerated na bati ng mga kaklase kaya naman nagtaka ang aming adviser. Sila na mismo ang nagkwento dahilan ng maikling sermon tungkol sa mga hindi pa dapat gawin. Wala naman sa utak ko pero dahil binanggit niya ay naisipan ko tuloy! Tiningnan ko ang katabi. Napangiti ako.. "Totoy na totoy pa sa aking mata 'to e" Practice ulit namin at nakaupo lang sa bleachers, pinapanood si Ruther na naglalaro ng sepak. Shemay ang galing sumipa nang boyfriend ko, parang kabayo lang.. Kada score niya ay lumilingon sa akin. Hindi ko naman magets ang laro niya pero dahil siya ang naglalaro papalakpakan ko.. Dumating na si Sir kaya pumunta na kami sa aming pwesto, nagpupunas ng pawis ang partner ko kaya naman tinulungan ko siya sa pagpupunas. At katakot takot na hiyawan ang naghari sa covered court, hiyang-hiya talaga ako at pati ibang section at year ay nakiki-chismis na. "Wow sila na ata! Sayang naman crush ko pa naman si Ruther!" Nilingon ko ang nagsalita at nginisian. Sorry ka nalang at sa akin patay na patay.. Sa kasalukuyan nang aming pagsasayaw ay nagsalita siya. "Yen may gown ka na?" "Ahh wala pa pero bukas magtitingin ako sa Sta. Cruz." "Sama ako. Anong oras alis mo?" "Ikaw bahala, mga 9 am siguro." "Sige, magtitingin din ako para pareho tayo'' "Focus!!" bulyaw ni Sir sa amin. Napailing na lang ako. Mainit kami sa mata ng mga tao ah. Break namin at panigurado maraming tao sa canteen kaya naisipan naming lumabas at humanap ng street foods. "Anong gusto mo Yen? Fishball, kwek-kwek o kikiam?" aniya habang sinusubo ang fishball. "Balls mo nalang" sagot dahilan ng biglaan niyang pag-ubo.. Tawa naman ako ng tawa sa naging reaction niya. "Matindi!" singit pa nang tindero. "Adrienne!" aniya na may banta.. "Kwek-kwek nalang tyaka hanapan mo na din ako ng siomai Ar." "Okay" aniya bago ngumiti. Nang makabili ay pabalik na kami sa covered court ng biglang humarang ang kamay ni Ruther sa mukha ko at bago pa nakapag-react ay tumama na ang bola sa kanyang kamay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD