Pumasok ako sa canteen na nakayuko para bumili ng kape. Simula ang nakakahiyang insidenteng iyon sa lobby ng ospital. Minabuti kong iwasan siya ng maigi. Hindi lang puso ko ang nanganganib pati ang kaluluwa ko. Jusko! Hindi lang pala bakod ngayon ang kailangan ko panginoon pati kadena. Lagi akong nakikipagpalit sa mga kasamahan ko kapag nakaduty o siya ang surgeon of the day! Simula nagkaabnormal ang pagtibok ng puso ko, ginawa ko ang lahat ng pag - iiwas. Talo na nga rin ako kay Olivia, kaya ang bruha nakabili ng Louie Vuitton na bag. Kailangan ko tuloy maghigpit ng sinturon sa tatlong buwan! His minty breath corrupted my nostrils, invading my privacy. Walang kalayaan ang aking utak at puso. Tuwing malapit ako sakanya, nanginginig ang aking tuhod. Pakiramdam ko kapag matagal ko pa siyang

