KELLY POV Hindi ko aakalain na si Liam at Kuya Sandro ay magkapatid, bakit nga ba hindi ko nakita ang kanilang pagkakapareho. Pareho silang matipuno at gwapo. Sa dalawang taon kung naging karelasyon si Liam, parehas sila na masipag, mabait, protective at sweet. Minsan nga nagigingOA na sa paningin ko kay Liam pero hindi naman niya nawawala ang pagkabog lagi ng dibdib ko tuwing lumalapit siya sa akin. Hindi ko aakalaing magpopropose siya sa akin pagkatapos ng mahigit dalawang taon naming magkarelasyon. Mahal na mahal ko siya kaya hindi na ako nagpakipot pa pero hindi ko aakalain na ang magandang gabi ay magiging isang baul ng poot. Hindi ko akalaing ang kagandahan ng kanilang ugali ay may magulang silang kasing gaspang ng liha ang pagkatao. Maganda sana ang matandang iyon pero dahil sa ga

