CHAPTER 70: FRIENDS

2790 Words

“Hi Hardin,” bati ng batang babaeng Piper ang pangalan.  Nakatingin lamang ito kay Hardin at para bang hindi niya ako nakikita. Suplada pa ata. Agad ipinatong ni Hardin ang kanyang baso sa counter at nilapitan ang batang babae. Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ay mas bata lamang siya ng isang taon sa amin. Ako naman ang kumuha ng tubig at ininom iyon habang pinagmamasdan pa rin si Piper. Kanina pa hindi maliban ng mga mata ko ang batang babae. Para bang ang mga mata ko ay nakadikit sa kanya. “Sorry, Piper, kakauwi ko lang galing game. Maliligo lang muna ako, okay?” Nilingon ako ni Hardin kaya’t tiningnan din ako ni Piper, sa wakas. “Siya nga pala si Avi, pinsan ko. Siya muna ang bahala sa ‘yo habang wala ako. Huwag kang matatakot sa kanya, hindi iyan nangangagat.” Lumapit sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD