21

2055 Words
Pagkatapos noon, nakatitig lang ako kay Kuya Rameil na nagligpit ng hinigaan namin at inalis ang single foam. Ako nama’y nakaupo lang sa isang tabi pagkatapos na maglinis at magbihis. Minsan talaga hindi mo alam kung ano ang nangyayari. Nakatulala lang ako doon. At pinapanood si Kuya Rameil. Na desidido yatang linisin ang buong kalat. Pulang-pula tuloy ako lalo na noong lumapit siya’t binuhat ako para lang lumipat ng matutulugan. “Rest, Kelsey.” Bulong nito bago humalik sa noo ko. Tumikhim ako at patagilid na nahiga sa malapad nitong kama. Hindi ako sigurado kung ano ang sumunod nitong ginawa. Lukob na kasi ako ng antok at sadyang napagod sa ginawa namin. Ewan ko ba... bakit parang wala naman akong nakakapang pagsisisi. Siguro dahil ginusto ko rin at gusto ko si Kuya Rameil. Naalimpungatan lang ako noong naramdaman na lumundo ang kama at yumakap ang braso ni Kuya Rameil sa’king bewang. Humalik pa ito sa pisngi ko bago nagpatianod ng tulog. Kinabukasan ganoon na lang ang gulat ko nang nakitang alas onse na ng umaga. Halos mapatid ako habang pababa ng kama. At paika-ikang naglakad sa pintuan. Para bumungad lang sa akin si Kuya Rameil na nakatayo sa gitna ng sala at may pinapanood sa tv. Si Romana nama’y kumakain ng junkfoods doon sa sofa. “Good morning po, Ate Kelsey.” Ngiti nito pagkalingon sa akin. Lumunok tuloy ako at nahihiyang nadatnan ako nitong lumabas dito mismo sa pintuan ng silid ni Kuya Rameil. “Good morning, Baby.” Ngiti ni Kuya Rameil. Binati ko naman sila at kunwaring normal na naglakad papunta sa kusina. At sinilip kung may lutong pagkain na roon. May nakatakip naman kaya napanatag ako kaya lang napatalon ako noong yumakap ang braso sa akin ni Kuya Rameil. Umiling ako at tinulak ito dahilan kung bakit natawa siya’t lumayo. “Kailangan kong magrestroom.” Tumango ito. Ewan ko kung ano ang nagiging reaksyon niya habang paika-ika akong naglakad. Habang umiihi nga ay napatakip ako ng bibig dahil para talagang nabugbog iyong p********e ko. Mahapdi na masakit. Ewan ko. “You okay?” Tanong nito pagkalabas ko rito. Ngumuso ako at umiling saka kumuha ng tubig para uminom. “You should eat your breakfast first.” Sabi pa nito habang binubuksan ang pagkain. Siya na mismo ang naghain ng ulam at kanin. Pinaghanda pa ako nito ng freshmilk at pinaupo sa upuan. “I prepared hot water for you. Sabi sa google mabisa iyan para gumaan ang pakiramdam mo.” Bulong nito. Siguro takot ding baka marinig kami ng kapatid nito. Tumango ako at hinayaan ang sariling kumain. Masarap naman kaya lang hindi ko masyadong naenjoy dahil siguro nangangalay ang katawan ko. At dagdag isipin pa ang trabaho ko mamayang hapon. Ikalawang araw pa lang absent na kaagad? Di pwede. Kaya hindi rin ako napilit ni Kuya Rameil na magpahinga. Sinamahan ako nitong pumasok sa trabaho. Masakit pa rin naman pero kaya ko namang gumawa ng trabaho. Maya’t maya ang order ni Kuya Rameil habang nag-eenjoy sa pagbabasa ng dyaryo. Nandoon lang ito sa tabi at pinapanood o minsan ay hinahayaan niya akong magserve ng customer. Pagkatapos ay nang natapos na ang shift ko e umalis din naman kami kaagad. Maaga pa raw kasi siya bukas. Kaya kailangang makapagpahinga kaagad. Siguro dahil naawa sa akin si Kuya Rameil, nag-order na lang ito ulit ng hapunan. Bumalik na rin ako sa sariling silid at doon nagdesisyong matulog. Kinulit nga lang ako ni Kuya Rameil. Na kahit masikip e talagang nakikisiksik. “Tabi tayo,” iling nito at nahiga pagilid tulad ko saka niyakap ng mahigpit iyong bewang ko. “Makakahalata na niyan si Romana,” iling ko rito. Hindi naman ito nagsalita. Hinayaan niya na purong tahimik ang buong silid. Inamoy pa nga niya ang leeg ko. Kaya kabado na naman... halos hindi ko maikilos ang katawan. Kahit sabihin pang dahil sa sikip o dahil talagang dinidiin niya ako para hindi makakilos. “Let’s just sleep, Kelsey...” bulong pa nito. Tumango ako at pinilit ang sariling matulog. Nakatulog nga ako kaso pahirapan pa. Di ko alam kung dahil ba sa naiilang ako sa yakap ni Kuya Rameil o dahil talagang masikip. Maaga ngang nagising si Kuya Rameil. No’ng naramdaman kong bumaba ito ng kama ay siya ring tayo ko. Hindi ko na gaanong nararamdaman ang hapdi, sakto lang kaya pwede ko na itong ipagluto. “What are you doing? You should rest.” Mabilis na sabi nito pagkatapos na nakitang bumabangon na rin ako. “Okay lang ako, ipagluluto pa kita.” Kulit ko rito. Umiling siya at nilapitan ako para lang bigyan ng halik. Iyong dampi lang. Pakiramdam ko para na kaming naglilive in. Hindi kasi normal na lagi kaming magkatabing matulog. Pagkatapos may nangyari na nga. Na hindi tama. At lalong hindi magiging tama. “Baka matagalan bago ako makauwi. Pasukan niyo na sa Lunes. Will you be okay?” Tumango ako at inihain ang almusal nito. Maaga pa naman, kakatapos lang din maligo ni Kuya Rameil at tulog pa rin si Romana. Hindi na ako inaantok at talagang maayos na ang pakiramdam. Nakangiti lang si Kuya Rameil pagkatapos naming kumain. Sinabayan ko na lang din dahil gusto nitong kasama ako ritong kumakain. “If you both need anything, you know where to contact me.” Tumango na lang ako sa paalala nito habang inihahatid ko siya sa pintuan. Ngumiti nga siyang muli at inabot ang batok ko para mahalikan. At medyo tumagal iyon, maingay, siguro dahil pareho naming ninanamnam ang tamis ng isang halik. Labi sa labi kanina, hanggang sa naipasok na nito ang dila. Umungol ako, tumigil siya. Kaya kunot noong napatitig ako sa kanyang mas malalim ang titig sa akin. “Be ready when I get home.” Ngisi nito. Napaawang na lang ang labi ko at umatras. Lumunok pa ako bago umiling na ikinatawa niya na lang. Dumampi lang ng isang beses ang labi nito bago tuluyang umalis. Naglinis na rin ako ng buong bahay. Sinama ko na ang silid nito. Tulog pa rin si Romana kahit na masyado nang mataas ang sikat ng araw. Kakatapos ko lang din gumamit ng vacuum doon sa sahig ng silid ni Kuya Rameil. Na hindi naman gaanong marumi siguro dahil hindi naman makalat at marumi itong isa kaya mabilis lang talaga. Alas nuebe ng pupungas-pungas na lumabas si Romana. Ngumiti pa sa akin at bumati bago dumiretso sa bathroom. Sinundan ko siya’t nang lumabas ay binuksan ko ang almusal nito at sinabing kumain na dahil tapos na kami ng Kuya niya. Tumango ito. Sa totoo lang, sa ilang Linggong narito ako, masasabi ko talagang hindi pasaway ang magkuya. Masunurin. Saka madaling pakisamahan. Ewan, siguro dahil iba magpalaki si Nanay Minda kaya ganoon. “Ah!” Nagulat ako sa biglang pagpiksi ni Romana. Nilalagay ko pa lang ang mga pinagkainan doon sa itaas ng cabinet. Muntik pang nadulas. Kinabahan na naman tuloy ako. “Ate! Birthday mo no’ng isang Linggo!” Literal na nanlalaki ang mga mata niya. Samantalang ako e natatawa. Hindi! Birthday ko noong umalis kami ng probinsya. Tapos na saka tahimik lang ako noon kaya siguro ilan lang ang nakakaalam. “Tapos na, Romana. Bago tayo umalis ng probinsya.” Ngumuso ito, medyo nalungkot kaso natatawa na lang ako. Tapos na kasi. Natanggap ko na nga yong regalo ni Kuya Rameil. Medyo late lang. Natatawa tuloy ako sa iniisip. Hindi naman ito nagpumilit pa. Nanood ngang muli ng anime at kumain na naman ng junkfoods. Very alarming. Siguro dapat sa susunod umiwas muna kaming bumili ng junkfoods. Malakas talagang kumain ito. At hindi pwedeng lagian. “Hinay-hinay sa junkfoods,” bulong ko rito habang tinatabihan siya sa sofa. Tumango lang ito at itinabi ang kinakain. Nahiya na rin siguro. O siguro dahil ayaw niyang napapagalitan. “Si Mama, kapag nakikita niya akong laging kumakain ng junkfoods. Pinapagalitan ako noon. Thank you po Ate.” Nagulat ako nang yumakap pa ito sa akin. Para talagang bata. Natatawa na lang ako. Nag-aalala lang naman ako kaya pinaalalahanan ko. Akala ko nga magtatampo kasi bata pa at mahirap pagalitan ang mga bata ngayon. Tumunog ang cellphone na nilapag ko noon sa itaas ng mesa na pinaglalagyan ng vase. Si Mama pala. Siguro mangangamusta. O tama nga. “Okay naman po ako rito, Ma...” sabi ko dito. “Papadalhan ka namin ng allowance ngayong Linggo. Malaki-laki rin ang kita ng Papa mo at saka nakapag-ani na rin.” Napakamot ako ng batok. Paano ko ba ipapaliwanag na hindi ko pa naman kailangan yan ngayon. Hindi na kasi problema dahil libre naman ako. Saka baka kailangan din sa Bahay iyan. “M-ma, kasi ano... may pera pa naman po ako rito. Saka libre po lahat dito. Nagtatrabaho na rin po ako.” Sabi ko pa. Bumubulong. “Nakakahiya naman, anak.” Pilit pa nito. Bumuntong hininga ako at sinabihan na lang na itabi na lang muna ang pera at ako ng bahala kung kailan ko kailangan. Hindi naman ito nagpumilit pa. Nagpaalam lang ako sandali kay Romana at nagtago sa loob ng silid. Malalim na rin ang iniisip. Iniisip ko kasi kung ano na ang mangyayari sa susunod na Linggo. Pasukan na. At sabay kaming may pasok ni Romana. Pwede akong makisabay para makatipid. O pwede rin akong magjeep. Depende sa magiging desisyon. Inaalala ko lang kasi ang magiging safety ni Romana. Hindi naman ito maarte kaso ako ang guardian nito sa labas. Kaya nasa akin ang responsibilidad. Nakapagluto na ako ng pananghalian. Hinabilin ko rin kay Romana ang buong unit at ipinagluto ko muna ito ng meryenda at sinabing iyon ang kainan niya mamaya wag yong junkfoods. Nagjeep akong muli. Nakapantalon at nagdala na lang ng pamalit para mamaya. Okay naman, medyo kabado lang sa pangalawang pagkakataon na kailangan kong magcommute. Nagtataka lang ako dahil iyong iba nakakaba ang mga titig. Lalo na kapag hindi sinasadyang dumadapo iyong mga titig ko roon. “Malakas ang loob mong magcommute, Kelsey para sa isang bagong salta.” Sabi ni Ate Grace, pagkatapos na magtanong nito kung paano ako nakakapunta dito. Ngumiti lang ako at nilinisan ang mga bakanteng mesa. Saka muling bumalik sa counter. “Kailangan po kasi. Saka pasukan na sa Lunes... kailangang makatipid.” Balik sagot ko rito. Ngumiti siya. Sumasang-ayon. “Iyong lalaki ba kahapon, kapatid mo?” Tanong nito. Umiling ako. Napangiti ito. “Gwapo noon, parang model... manliligaw mo ba?” Umiling ako. Na ikinabilog ng labi nito. Parang natatawa. “Boyfriend ko po.” Mas lalong nanlalaki ang mga mata niya. Hindi ba kapani-paniwala? Kasi ewan ko. Siguro hindi sapat ang pisikal na anyo ko para masabihang bagay kami ni Kuya Rameil. “Don’t get me wrong... maganda ka, napapalingon nga ang ibang customers. Pero kasi, obvious na malayo ang gap ng edad niyo. Sigurado ka bang boyfriend mo iyon? Para kang highschool pa lang samantalang yon, propesyunal.” Nakaramdam ako ng pagkakailang sa pinagsasabi ni Ate Grace. Nangangasim nga ang sikmura ko. Parang maduduwal. Bakit ganoon? Iniinsulto niya ba ako? Hindi ba talaga kami bagay ni Kuya Rameil? Nanunubig nga ang mga mata ko habang lumilingon sa kabila. “Hey,” tawa nito. Huminga ako nang malalim saka napapantastekuhang tinitigan lang ito. Na alam kong sinasadya talagang insultuhin ako. Ewan ko. Ito ang unang beses na inaaway ako sa ganitong paraan. Hindi naman ganito ang mga taong pinanggalingan ko. “Don’t worry, sinasabihan lang kita.” Hindi ako naniniwalang ganon lang ang gusto nito. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi maramdamang iniinsulto niya nga akong tunay. Sinubukan ko talagang tapusin ang trabaho. Gusto ko na lang na matapos ‘to at ayaw ko nang makipag-usap kay Ate Grace. Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang ayaw niya sa akin. Alas singko nang nakalabas ako. Pumara na kaagad ako ng jeep at umuwi. Pagkababa nga ay bumili muna ako ng maluluto. Hindi kasali ito sa pinaggrocery namin ni Kuya Rameil. Naisipan ko lang talagang magluto na gamit ang perang nasa akin. Saka nakakahiyang laging ganyan. “Kelsey!” Napalingon ako sa likod at nakitang naglalakad si Ate Grace. May kasamang dalawang babae at isang lalaki. Pare-parehong palapit sa akin. Kaya natigil ako sa entrance ng building. Papasok na sa sana sa Unit. Inangat nito ang mga mata sa tayog ng gusali. Waring sinisipat. “Live in kayo?” Ismid nito. Lumunok na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD