“Dapat tumigil ka na sa panonood ng mga ganyan, pulang-pula ka na.” Haplos nito sa leeg ko, kaya napapiksi ako sa gulat. Para ngang natatawa siya, pigil na pigil ang guhit sa kanyang labi. Hindi ko naman maintindihan ang sarili kahit naririnig ko ang ungol sa background. They’re having another session, na dapat ipinatigil ko na kaso nahahalina ako sa pagtitig kay Nicko. “Itapon ko kaya lahat ng yan?” Tanong nito. Napamaang ako at mabilis na umilig, “I need reference, you can’t do that!” Mabilis na sagot. Tuluyan na nga itong napahalakhak. Lumunok ako at titig na titig pa rin sa kanya. Gusto ko siyang halikan tulad nang ginawa namin sa kusina kanina. Gusto kong ituloy namin iyon... and see what will happen after. “Nagiging mahilig ka na niyan, ah? I don’t intend to make you addicted w

