“Hm?” Mabigat na paghinga ni Nicko nang naramdaman kong bumaba ang halik nito sa tenga hanggang leeg ko.
Nag-init ang pisngi ko at napadilat, ramdam ko iyong malalim na magsipsip nito sa leeg ko... which sent me something unfamiliar, para akong tinakasan ng bait at napaangat ang isa kong paa dahil kumiliti iyon.
“N-nick...” nanginginig na tawag ko sa pangalan nito, nagsitindigan ang mga buhok ko sa katawan. Pinangilabutan. Sakto para tumigil si Nicko at napatitig sa akin. Titig na titig, waring nag-iisip hanggang sa kumalma ito nang nakitang para akong hihimatayin.
Hinaplos niya ang pisngi ko, napaiwas ako. Mainit na mainit ang pisngi, it suddenly covers up the pit inside my stomach.
“Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong nito, haplos-haplos pa rin ang pisngi kong namumula.
“O-oo, pasensya na. Nabitin ka yata.” Lakas loob na tingala ko rito.
Unti-unting sumilay ang ngiti nito, ako namang nakatitig sa kanya ay napakurap-kurap at mabilis na umiling. Ang gwapo-gwapo na nito. Nakakainis. I don’t know if I should somewhat regret that I shaved him like this. Ang ganda nang pagkakahugis ng panga niya. Mas lalaking-lalaki at mas nadedetalyado na ang tunay nitong mukha.
“Na dapat naman talaga, Ro. Remember? I want you clean and pure.”
Ngumuso ako. Tinawanan niya lang ako at sinabi niyang lumabas na muna ako dahil maglilinis daw siya sa loob.
Tumango ako at tumambay na muna sa sala. Pero hindi ako mapakali dahil talagang hindi na rin maalis sa isipan ko iyong katotohanan na nagiging makasarili ako pagkatapos na makita nang klaro iyong buong kakisigan ni Nicko. Ang lakas na ng appeal. And it worries me.
Selfish na kung selfish. But I want him for myself only.
Ah? Teka? Kailan pa ako naging possessive? After that soul-eating kiss?
“Tapos na...” silip ni Nicko.
Napakurap ako at tumitig sa kanya na sandaling umalis doon at may ginawa sa kusina.
Lumunok ako at ini-on na lang ulit ang telebisyon para mawala sa isipan ko ang mukha nito. But how can I? Pagkatapos nitong tumabi at umakbay sa akin?
Nag-init na naman ang pisngi ko lalo na noong hinaplos ni Nicko itong leeg kong sinipsip niya kanina. Pareho pa kaming sinipat iyon pero hindi ko makita. May inabot si Nicko sa gilid at pinaharap sa akin itong maliit na salamin at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang napansin ang medyo namumulang balat doon.
“What is this?” Gulantang na tanong ko pagkatapos na inagaw ang salamin at hinaplos iyong kaunting balat na bahagyang tumingkad ang kulay kesa sa iba.
Napakamot batok si Nicko at nakihaplos din tulad ko. Parang pilit na binubura iyon pero mas lalo lang namula.
“Nicko, ano ‘to?” Mahinang tanong ko rito.
Guilty ito nang tingalain ko. Kung hindi lang ito maitim, iisipin kong namumula. Napakamot batok na lang ito.
“Chikinini.”
“Ha?” Teka bakit pamilyar?
“Chikinini?!” Nawindang ako at pilit na kinukuskos iyon.
Nakagat pa lalo ni Nicko ang labi nito, napaiwas ito at pilit na inaalis ang kamay kong kumukuskos pa rin doon. Medyo mahapdi na nga.
“Magkakasugat ka, I’m sorry Ro... nakalimutan ko.”
Tinaasan ko lang ito ng kilay. Nagulat din siya sa reaksyon ko na nauwi sa tawa. Kiniliti nga kaagad ako kaya yong pagsusungit ko sana ay nauwi sa mahinang tawa. Napahiga na lang ako tapos itong si Nicko mas lalo lang akong kiniliti.
“Ang cute-cute mo,” natatawang sabi ni Nicko...
“Di pa rin ako makapaniwala na girlfriend na kita, Ro. I love you.”
Nangilabot na naman ako at natigil sa pagtawa. Napangiti ako tapos mabilis na tumango,
“I love you too.”
Hindi ko alam kung paanong ang bilis ko sa kanya. Parang lahat ng gagawin o sasabihin niya ay mabilis kong napapalitan.
Maybe because I’m actually inlove?
Ang bilis naman yata?
Ngunit ito na nga, ang pinoproblema ko ngayon ay dahil doon sa sobrang pula ko ng leeg. Halatang-halata kahit ilang distansya. Sigurado akong mapapansin iyon kaya hindi ko alam kung paano ito matatakpan. Sinubukan ko iyong scarf, pero nagmumukha lang akong tanga at saka mainit ang panahon para magsuot noon. Kaya... naghanap pa ako ng iba. Hanggang sa nilagyan ko na lang ng concealer na nakita ko roon sa dating cabinet ni Ate Kelsey. Much better, parang umumbok lang iyon nang kaunti.
Nasa baba na raw si Nicko, out of way itong condo ko kaya hindi ko alam kung bakit sinundo ako nito ngayon. Babalik na naman siya sa school, at dobleng gastos iyon.
“Nawala?” Nagtatakang tanong nito habang sinisipat ang leeg ko.
Ngumuso ako at nagpaliwanag. Natawa ito,
“Sorry, next time sa tago na lang.”
“Ha?” Nagulat ako rito, anong ibig niyang sabihin?
Di ito sumagot at makahulugan na lang ang ngiti. Lumakad pa kami sa unahan hanggang sa nakasakay ng jeep. Pero itong si Nicko parang naiilang na hindi ko malaman. Mahigpit ang kapit sa kamay ko at kahit noong bumaba kami.
“Hayaan mo, malapit ko nang makuha iyong pinaghahandaan kong motor. Pasensya ka na ah? Kailangan mo pang magtiis sa mainit at siksikan na jeep.”
Napamaang ako rito. Hindi naman ako nagrereklamo a? Okay nga sa akin iyon dahil dikit na dikit siya sa akin.
“Okay lang naman Nicko, sanay akong magcommute.”
“But still,” pilit nito.
Umiling ako at hinawakan siya ulit sa kamay. May ilang nagtataka habang nakatitig sa amin. Lalo na kay Nicko, pagkatapos may narinig pa akong bulong-bulungan hanggang sa natanaw namin si Ate Bebe na nasa labas at may inabot na baunan sa isang batang estudyante. Pagkalingon nga rito ay nagtataka ang mukha at nakatitig sa akin. Para siyang namangha na may kasama akong lalaki. At hindi lang simpleng kasama kundi kahawak kamay pa.
“O? Romana? May boyfriend ka na?” Hindi makapaniwalang bulong na tanong nito, pero rinig na rinig naman ni Nicko. Natawa pa nga ang katabi ko.
“Ate, si Nicko... sinagot ko na.”
At ganoon na lang ang pagkawindang niya at pabalik-balik ang titig sa’ming dalawa. Hanggang sa napako siya kay Nicko.
“Nicko?! Ay putangìna mo! Hindi kita nakilala! Putik, ang gwapo mo!” Halakhak nito. Napakamot batok lang si Nicko.
Nag-init na naman ang pisngi ko at napakamot pa roon. Tapos itong si Ate Bebe ang pilay nang pagkakangisi habang nakatitig sa akin.
“Kondisyon mo ba ito para sagutin mo, ha? Romana?”
Mabilis akong umiling. Ako lang ang humingi nito pero nauna ko pang sagutin si Nicko kesa sa pagseshave nito.
“Male-late na po ako, una na ako Ate Bebe.”
Ang lawak nang pagkakangiti ni Ate Bebe nang mabilis na tumango. Binitawan ko ang kamay ni Nicko at nagdadalawang isip pa ako kung aalis na ba agad. Pero sa huli, sinunod ko rin ang hiling ng sarili at mabilis akong tumingkayad para mahalikan sa pisngi si Nicko.
Nagulantang na naman si Ate Bebe pero hindi ko na masyadong pinansin pa iyon. Umalis na kaagad ako habang napapansin ko iyong pagdami ng mga estudyanteng napapatingin sa kanya. Naniningkit ang mga matang napalingon ako ulit kay Nicko na tulala nga yata sa akin bago nakahulma at ngumiting kumaway. Agaw pansin talaga, ang laki niya kasing tao tapos pinagshave ko pa.
Sa sobrang atat kong lumabas ay naging mabagal ang oras. Kulang na lang magmadali ako habang nagkandatuto sa pagkuha ng mga gamit at parang lakad-takbo na naman ang ginawa ko para lang makarating kaagad si Karinderya.
Iyon nga, pansin ko mas naging masikip ang buong paligid. Tapos puro babae at binabae ang nandito. Nailang naman ako at bumili na lang ng ulam at himagas kay Ate Bebe.
Pilya ang ngisi ni Ate Bebe habang nakatitig sa akin na hindi ko matagalan.
“Busy si Nicko sa loob. Tawagin ko ba muna?”
Ngumuso ako, nahihiyang tumango. Siya naman talaga ang ipinunta ko rito kaya bakit mahihiya ako.
“Saglit.”
Nagpaalam si Ate Bebe at wala na akong nagawa noong tinawag nga niya sa loob si Nicko. Nakasuot ito ng hairnet nang lumabas. Namamawis pero hindi naman sobrang pawis. Namangha itong makita ako roon, napangiti pa nga saka lumabas sa counter para malapitan ako. Napalingon pa ito sa paligid kaya lumingon din ako at laking gulat ko na nakatingin din ang lahat sa amin. Napaatras ako. Sumunod naman si Nicko. Sa gilid ako lumingon, malayo sa mga estudyante at nag-iinit ang pisnging napapikit.
Naramdaman din yata iyon ni Nicko kaya bahagyang nawala ang excitement nito.
“Diretso ka sa apartment ko. Hintayin mo’ko kahit 20 minutes lang. Tatapusin ko lang ‘to.” Bulong nito.
Tumango ako at mabilis na tumalikod. Lakad-takbo ang ginawa ko. Hindi makahinga. Hanggang sa guminhawa ako noong nakarating sa apartment nito. Kumain na muna ako, hindi ko na hinintay si Nicko. Naalala ko kasi na ayaw nitong nagpapalipas ako dahil lang sa kanya. Nakakain naman siya minsan nang mas maaga kaya sigurado ako tapos na iyon.
Wala pang dalawampung minuto at kumatok na si Nicko. Ni hindi na ito nag-atubili pang makipag-usap sa akin at basta na lang akong binuhat. Nakaangkla ang mga hita ko sa bewang niya kaya bilog na bilog itong mga mata ko. Tapos hiniga niya ako sa sofa at mabilis na pinaghahalikan. Ramdam ko pa iyong basa niyang dila na paulit-ulit na dinidilaan tong ilalim ng tenga ko.
“Namiss kaagad kita,” tingala nito sa akin.
Tumango ako, nahihiya. Saka napansin ko binubuksan ni Nicko itong butones ng blouse ko. Nagulatang ako kasi ang agresibo ni Nicko... akala ko na—
“Necking and petting, Ro... I can’t control. Ang ganda-ganda mo pa naman, saka palaging mabango. Ang inosente mo pang titigan, nakakalibog. Sorry... nakakalibog naman talaga. Sarap mong kantūtin.”
Namulagat ako at ang bastos ng bibig nito.