Ganadong kumakain si Romana habang naniningkit ang mga mata kong nakatitig kay Kuya Rameil. Di naman siguro ako nananaginip kanina, ano? Imposibleng panaginip lang iyon! Dahil hanggang ngayon namamantal sa balat ko ang ginawa nito.
“Grabi, ang sarap niyo pong magluto Ate Kelsey. Di naman po ako kumakain ng gulay pero masarap po talaga.” Biglang putol ni Romana kaya tinitigan ko ito at nawala ang atensyon kay Kuya Rameil na nag-angat na ng mga mata.
“Ipagluluto pa kita ng iba,”
Tumango ito kaya nawala na naman ang atensyon ko roon at nilingon si Kuya Rameil na matamang nag-oobserba at kumindat pa sa akin sabay ngiti.
Napasinghap na lang ako at yumuko saka sumubo. Di talaga panaginip! Susko, pag ganyan ang mga ngitian, siguradong nanunukso na naman.
Nagpresentang maghugas ng pinagkainan si Romana. Akala ko ay kailangan ko pa itong turuan. Mabuti at marunong. Sabi ko naman kapag pagod ito sa school ay pwedeng ako na lang gumawa ng mga gawaing bahay dahil sanay naman ako roon. Malayo sa mga nakagisnan ng mga ‘to.
Muling kumain ng chips si Romana habang nanonood ng tv. Tumabi pa ako sa kanya at nakihati. Pakiramdam ko may instant kapatid na ako, iyong malaki na hindi na baby. Iba nga talaga kapag namamahay ka at pakiramdam ko hanggang ngayon ay mataas pa rin ang lalakbayin ko para masanay. Lalo na dito sa tumabi sa akin. At pasimpleng umakbay kahit na nando’n ang kapatid nito.
“May lakad ba kayo bukas?” Maya’t tanong nito habang hinihilot ang balikat ko. Na sinasaway ko kasi hindi ko naman kailangan yon. Okay na okay ako, walang masakit sa akin at lalong hindi ako pagod.
“Wala Kuya, next week pa ang enrollment ko.”
Tumango ito. Kaya lang nagulat ako ng tinamaan ng kalandian ang lalaking ‘to. Panay ang siko ko rito habang nararamdaman ang labi niyang humahalik sa leeg ko.
“Kuya...” mahinang bulong ko rito.
Mahinang natawa ito at nilubayan naman ang leeg ko. Kaso nilipat din nito ang braso palibot sa bewang ko.
Kakayanin ko pa kaya? Dalawang araw pa lang pero para na akong makakalbo sa konsumisyon. Hanggang kailan? Nakakatakot na ewan. Dahil alam ko sa sarili na para akong nabubuang at napapasunod sa gusto nito. Na hindi naman tama... sinabi ko ng pag-aaral ang ipinunta ko rito at hindi sa pakikipagrelasyon kay Kuya Rameil. At ito naman, hindi nakakaintinding gusto kong mag-aral muna...
Oo mag-aral muna...
Kaya naiiyak ako habang hinihila nito papunta sa kusina habang nagpupuyat si Romana sa kakanood ng palabas.
Naiiyak ako dahil pakiramdam ko ang rupok-rupok ko kasi hanggang ngayon hinahayaan ko pa rin itong gawin kung ano ang gusto nito. Basta nagulat na lang ako sa lalim ng iniisip ay nasa ibabaw na ako ng mesa. At siya na humahalik na may tunog dito sa labi ko. Naibuka ko na lang ang labi at napapikit saka isinampay ang mga braso sa leeg nito. Habang siya nama’y nakayakap sa bewang ko at nakapwesto sa pagitan ng mga nakabuka kong hita. Kinakabahan ako ng sobra-sobra ngunit iyong hatid ng halik nito ay para bang nakakakilabot na nagsisitindigan ang mga balahibo ko sa katawan.
Totoo nga yatang masarap ang mahalikan. Totoo nga yatang para kang lumulutang sa alapaap dahil ang lambot-lambot ng labi nito, o kaya’y labi ko? Ewan ko kung kanino...
“Pulang-pula ka...” tukso nito pagkatapos na humiwalay sa akin at alisin ang gahiblang buhok dito sa sentido ko.
“B-baka mahuli tayo...” kabadong sabi ko rito na ikinangisi lang nito.
“Busy yon,” iling pa nito bago isiningit ang mga kamay patungo sa pang-upo ko’t binuhat na ako roon saka idiniin sa kanya na ikinalaki na lang ng mga mata ko.
Pakiramdam ko dahil naghalo-halo na ang mga nagiging reaksyon ko ay para bang hindi na totoo. Kasi ang kulit nito! Dalawang araw pa nga lang ay kumukuta na.
“I really want to—“ bumuntong hininga pa ito bago pinisil ang kabilang pang-upong hawak nito. Napangiwi ako. Kinakabahan sa kung ano pang gagawin nito. “— so bad, we can’t...” iling nito.
Lumunok na lang ako at mariing piniga ang balikat nito na ikinahalakhak na lamang niya. Ako namang natataranta na baka marinig kami ng kapatid nito ay sinapak pang muli ang balikat nito.
“Okay, titigal na.”
Salamat naman at nakakaintindi, lumayo na ito habang natatawa saka hinayaan akong bumaba sa mesa na napansin niya kaagad kaya muling lumapit saka tinulungan ako.
“Maybe next time when we’re alone...” ngising-ngisi pa ito na nakatikim ng isang irap mula sa akin.
Di talaga nakakaintindi. At saka ang kalat nitong magsalita. Manyak na manyak...
Bumalik nga kaagad kami roon at si Romana parang hindi naman nakapansin. Kahit na alam kong mukhang guilty iyong ekspresyon ko. Bahala na nga.
Kinabukasan, dahil parang di kinayanan ni Kuya Rameil ang katahimikan ng unit ay nag-aya itong mamasyal. Tagaytay. Kaya para akong sinisiliban habang bumabyahe. Ito ang una... at naeexcite ako. At siguro alam din ng dalawa dahil parang bisita ako kung tratuhin. Sa sobrang pagkamangha ko e kumuha ako ng ilang photos gamit ang pinahiram sa’king cellphone ni Kuya Rameil. Na ikinangiti niya’t inutusan pa ang kapatid nitong kunan din kami kasi e-popost niya raw sa f*******:. Ako naman itong nataranta at siniko ito.
“Pagchichismisan tayo niyan, please Kuya?” Iling ko. Kabado na. Pakiramdam ko yon ang mangyayari kapag nakita sa’min ang picture naming dalawa.
Ngumiti ito akala ko ay tapos na kaya lang tinag ako sa isang photo na grabi-grabing kaba ang nangyayari sa’king habang binubuksan iyon. Mabuti na lang nasa gitna si Romana at pag yong isa ang ipinakita nito, talagang kakatukin ko ito sa sariling silid.
Sinusulit din yata ni Kuya Rameil ang bakasyon kaya panay ang luwas naming tatlo. Di naman ako makahindi dahil talagang nag-eenjoy ako. Bago ang lahat, saka ang sarap kasama ng dalawa. Marami akong natutunan. Pakiramdam ko nakawala ako sa hawla gayong hindi naman ako nakakulong. Sadyang kinapos lang at mahirap kaya walang ganito noon.
“Marunong ako niyan!” Sabi ko pa habang nabubuhayan sa mga sinasabi ni Romana. Pakiramdam ko bida ako ngayon kasi alam ko kahit papa’no ang magluto. Kahit papa’no meron naman akong ambag.
“Tsaka masarap, Kelsey... iba ang mga luto mo.”
Ngumiti ako at nilingon si Kuya Rameil na nakangising humahaplos sa pang-ibabang labi nito na ikinahilaw ng ngiti ko. Barumbado talaga. Alam ko iyang iniisip niya.
“Ikaw talaga Kuya. Pag yang kapatid mo e nakahalata...” bulong ko habang nag-aayos ng mga pinatuyong pinagkainan.
Umiling ito at humilig sa sink habang sinisilip akong nag-aayos at naglilinis. Nahiya tuloy ako at napaiwas. Kakayanin ko ba talaga? Hanggang saan at kailan? Pakiramdam ko natutunaw ako ng paunti-unti dahil sa ginagawa nito. Ganoon na lang ba?
“When will you say yes, Kelsey?” Tanong nito kalaunan.
Dumulas sa kamay ko ang hawak na kutsara pero dahil malakas ang reflexes ko e nahuli ko rin iyon bago pa tumunog sa tiles.
“B-bakit naman po?”
Tumawa ito saka umiling. Nakatitig pa nga sa leeg ko na para bang may nang-aakit iyon. Napalunok na lang din ako at napahawak sa leeg.
“I’ve kissed you a lot of times alreay, hinawakan na nga kita... wala pa rin bang Oo?”
Lumunok na lang ako at nilapag ang huling hinawakan doon sa lalagyan saka tinitigan si Kuya Rameil. Hindi naman tama iyon lalo na at nasa iisang bubong lang kami. Ipinagkatiwala rin ako nina Mama’t Papa rito. Kaya...
“Pangit naman kasi Kuya, nasa puder niyo ako... nakikitira pa. Tapos sasagu—“
“Mas okay sa’yong naglalampungan tayo kahit walang label kesa sagutin ako?” Nagtatakang tanong pa nito.
Suminghap ako at napatitig sa bulwagan ng kusina. Dahil pagod na pagod si Romana muna sa lakad namin kanina ay nauna na itong natulog. Ako nama’y hindi ganoon kabilis mapagod kaya naglinis muna rito sa kusina... na sinundan ni Kuya Rameil.
“Hindi naman po sa ganoon...” iling ko. Kinakabahan na naman kasi nawawala ako sa tamang desisyon.
“We won’t tell them, then...” suhestyon nito.
Napalunok ako at tumitig sa tiles kaso ibinalik ko sa kanya nang nakitang humakbang ang isang paa nito. Waring patitigilin ako sa iniisip.
“Kesa naman sa hinahayaan mo’kong halikan ka, Baby Kelsey... bakit hindi pwede? We can work things out.” Alok pa nito.
Ilang lunok na ang nagawa ko habang bumubulong ito. Di ako makapag-isip ng matino. Siguro nga tama siya, mas gusto ko ba talagang naglalandian kaming walang label? Ano? Ewan...
“S-sige,” pikit matang sabi ko rito. Isang salita lang... at hindi ako sigurado kung tama ba iyon. Nadala na rin ako ng sitwasyon at pakiramdam ko mas tama ito kesa sa hinahayaan ko itong gawin ang alinmang gusto. Na hindi sigurado. Na wala akong panghahawakan.
Napasinghap na lang ako noong naramdamang buhat-buhat na ako nito. Na ikinakaba ko habang naglalakad ito papunta sa sariling silid. Napatili ako ng mahina at talagang para akong paos na bumulong rito.
“Kuya! A-anong gagawin natin?”
“May mabisa akong paraan para pareho tayong maging masaya.”
Pwera! Hindi ko gusto iyang nasa isipan niya. Pumalag na ako at umayaw sa kanya na ikinatigil niya habang natatawa. Umiling ito...
“Sige, wag na nga lang... baka mabatukan ako ng kapatid ko. Sigurado sisigaw ka...”
Namula tuloy ako at hinayaan niya rin akong ibaba kaya nagpaalam na ako sa kanyang matutulog. Ngumiti ito saka yumuko at kinagat ang labi ko... labas ang dila at nanunuksong agresibong humalik sa akin.
At ako na naman itong marupok... gulat at nakababa ang mga mata habang nakahawak sa magkabila nitong pisngi. Nakalugay ang buhok at nasa magkabila niyang mukha...
Paanong— lagi ba akong tulog at nagugulat na lang sa nangyayari sa akin? Paanong napunta ako sa kandunga nito? Nakapatong at parang uhaw na nakikipaghalikan sa kanya? O sadyang tunay na marupok din ako tulad ng iba?
“Tulog mantika iyan,” bulong nito at kumapit sa pang-upo ko’t inusad ako padikit sa tiyan nito kaya namilog iyong mga mata ko ng nakaramdam ng bukol... bukol na kumukorte at mukhang ito iyong naramdaman ko noon sa spring.
“You made me really happy, Baby Kelsey... I might take you here. At tulad ng sa spring, baka hindi na ako makapagpigil at ipipilit ko talaga.” Ungot nito habang dinidiin iyong pang-upo ko roon sa matigas na bagay.
Lumunok na lang ako at pinirmi ang sarili. Nangingilabot ako... gumagapang, kaya siguro kahit malamig ang aircorn... pinagpapawisan pa rin ako. Ito yata yong literal na pinagpapawisan ng malamig.
“But I cannot. You’re just so precious and I am willing to wait... until you’re ready.” Iling nito at binuhat ang pang-upo ko saka niya ako inihiga sa sofa... pumatong ito at nakatitig lang sa akin ng ilang minuto hanggang sa pumikit na lang ako at hinayaan siyang halikan ako rito. Nakakuyom ang mga kamay ko sa pagitan namin. Siguro dala ng kaba... lalo na at rinig na rinig ko iyong t***k ng puso ko. Aatakehin yata ako sa puso... kaso mas masarap yatang magpakalunod sa klasi ng paghalik nito.
Oo ganoon nga siguro... dahil kahit sabihin ko pang, limot ko na. Hindi naman siguro tanga itong katawan ko para lang masabihang masunurin kaya hinahayaan itong gawin ang alinmang gusto... siguro, indenial lang ako. Kasi takot akong matulad kay Ate Gelda. Na pinaglumaan na at basta na lang iniwan. Kasi ayaw kong matulad sa mga nadatnang babae rito. Kasi gusto ko kapag nagkagusto ulit ako rito, hindi na bilang laruan.
“You smell good,” singhap nito sa leeg ko.
Ako nga ay kinakabahan pa rin. Naninigas ang katawan ko sa nangyayari. Kaso sabi ko nga, susubukan ko.
Oo susubukan ko. Kaya pikit matang ikinawit ko itong braso sa leeg nito. At saka marahang hinila pababa... ito ang unang halik ko rito. Na ikinangiti nito. Ramdam ko nang naglapat ang mga labi namin.
“You know how to kiss now, huh? Bababa ako, kakainin ko muna.” Ngising pilyo nito.
Napanganga ako, nagtataka kung para saan ang sinabi nito.
“Sa baba, namiss ko yan... kakainin ko muna.” Halakhak nito at marahang dumaosdos hanggang sa nalaman ko rin kung ano ang ibig sabihin nito.