13

2055 Words
Di ko alam kung ako ba talaga ang excited o sina Mama't Papa... ilang araw pagkatapos naming gumraduate ay pinaghanda na kaagad ako ng mga magulang ko ng mga gamit. Si Mama pa nga nag-ayos ng mga pangunahin kong pangangailangan. Tapos si Papa panay ang habilin na dapat maging mabait at masunurin ako kay Kuya Rameil. Kung alam lang ng mga 'to kung gaano kapilyo ang isang yon, baka magdalawang isip na. Sinamahan namin ni Romana si Fiona sa school na pinili nito malapit sa bayan. Nagtatanong-tanong ito ng mga requirements, pagkatapos ay nagmeryenda na muna kami bago umuwi. Naunang naihatid si Fiona, huli kami kaya nagulat ako noong hinawakan ng mahigpit ni Romana ang braso ko. Na para bang tatakas ako, e magkapitbahay lang naman kami. "Sa bahay po muna tayo Ate Kelsey," Aya nito. Tumango ako kahit hindi ako sigurado kung tama ba iyon. Ito kasi ang magiging una na inaya nito ako papunta sa bahay nina Nanay Minda, kahit ba magkapitbahay lang kami... at kahit na nagtrespass ako noon. "Nandiyan si Nanay Minda?" Medyo kunot noong tanong ko rito, hila-hila nito ang kamay ko na para bang natatakot na talagang tatakbuhan ko. Eh wala naman sa isipan ko yon. "Nandoon po sa loob, nagluluto ng spag. Meryenda po muna tayo Ate Kelsey." Sagot nito habang nagbabasa ng text, marahil galing kanino at siguro galing din kay Nanay Minda. Tumango ako kahit hindi sigurado sa anumang mangyayari. Ewan, baka trip lang nitong pasunurin ako. Mahirap sigurong nag-iisa at laging si Nanay Minda lang ang kasama nito. Umikot kami, naalala kong dito rin ako dumaan dati. Dito sa dirty kitchen ng pamilya. Ito pa rin pala ang ayos... medyo nag-iba lang ang kulay at tumingkad. Pati may ilang renovation na pinagawa. “O, anak... meryenda.” Aya kaagad ni Nanay Minda pagkakitang pumasok ako sa loob. Tumango ako at sabay na naupo kasama si Romana. May ilang kubyertos na ang nandoon, may pinggan kaya kumain na rin ako tulad nang ginawa ng dalawa kahit na ang totoo ay busog pa ako. “Pag lumipat na kayo ng Maynila, aral muna anak ha...” paalala ni Nanay Minda. Medyo natigilan ako roon. Hindi naman dahil iba ang nasa isipan ko kundi dahil kinabahan ako sa paalala nito. Pakiramdam ko, may kakaunting pangarap... siguro, ewan. “Baka kasi... kilala ko yong anak ko na yon. Hindi naman ako bingi at lalong hindi bulag... bata pa lang yan e mahilig na sa babae. Hindi sa sinisiraan ko, anak... kaya lang hindi pa ako siguradong-sigurado sa pinaggagawa niyan. Sa totoo lang gustong-gusto kita para kay Rameil. Sana nga lang wag magloko iyan.” Napainom ako ng tubig, kahit hindi naman ako nauuhaw. Kinabahan ako sa paalala ni Nanay Minda. Pakiramdam ko masasaktan ako kapag tinototoo ko ‘tong pinapakita sa akin ni Kuya Rameil. Sa iniwan ba namang impresyon nito, sigurado tumanim na sa isipan ko ang katotohanang hindi pa graduate sa pagloloko si Kuya Rameil. Sana nga lang kayanin ko. “Kung kayo talaga, Kelsey... ako ang higit na magiging masaya.” Lumunok ako at tumango. Hindi na lang ako magsasalita dahil ayaw kong madulas. Hahayaan ko na lang din siguro ang mangyayari. “Uuwi na po ako,” paalam ko pagkasilip sa labas. Nagkuwentuhan pa kaming tatlo pagkatapos ng meryenda. Napasarap yata kasi huli ko na napansin na padilim na talaga sa labas. Tumango ang dalawa kaya tumayo na ako at umalis. Pagkarating sa bahay ay nilapag ko pa ang dalang tupperware na may lamang spaghetti at inaya si Mama at Papa na kainin iyon. Nagsaing na muna ako bago nagluto, saka pumasok ng silid at saktong panay ang tunog ng cellphone. Na kay Kuya Rameil ang pangalan na nakapaskil. Alangan pa ako ngunit napilitan akong sagutin ito. Nagulat nga ako noong nakita siyang nakahilig ng bahagya sa wall ng silid nito. Nakahubad ang pang-itaas na tulad ng nakasanayan ko. Masyado yatang mainit doon, pakiramdam ko. “You were out all day,” hindi tanong iyon kundi konklusyon nitong totoo naman. “Oo eh, tapos tumambay pa ako sa inyo.” Ngiwi ko, ngumiti ito at mukhang lumambot ng kaonti ang eksypresyon. Pakiramdam ko meron akong boyfriend na bente kwatrong oras na nagbabantay. Kaso sabi ko nga hindi ko naman boyfriend ‘to. Sugar Papa, Oo. “Nakangiti ka, mukhang pilya.” Tawa nito. Nagising tuloy ako sa iniisip, pipigilan ko pa nga sana kaya lang hindi ko rin napigilan at talagang natawa na ako. Na nginitian lang nito. Hindi ito gaanong interactive tulad ng ginagawa nito sa mga nakalipas na araw. Kaya kumunot na talaga ang noo ko pagkatapos ng ilang tawa. “May problema ka yata,” kunot na kunot ang noo ko. Sa halip na intindihin ito ay para bang tinubuan ako ng sungay na nainis sa pagiging malumanay nito. May problema ba? O nawawalan ito ng gana? “Medyo napagod lang, Kels...” Napatikhim ako at tahimik na umayos ng upo sa kama. Hindi ako nagsalita, walang nagsasalita. Kung tahimik ito mas dobleng tahimik ang ginagawa ko. Na habang tumatagal ay mas lalong ipinagtataka nito. “Gusto kong marinig na nagkukuwento ka, Kelsz. Pero bakit ang tahimik mo yata ngayon?” Siya na naman itong nagtataka. Tumikhim ako at nahiga. Umayos din ito ng upo at hindi na humihilig. “May problema ka ba?” Ito na naman ang napatanong. Gusto ko nga sana irapan ito kaso pinili ko na lang na ayusin ang buhok at ipitin sa tenga ang kumawala. “Tahimik ka kasi,” prangkang sabi ko na rito. Tumikhim ito at mula sa seryoso ay unti-unti ng napapangiti hanggang sa nauwi ng ngisi. “I’m just tired, Kelsey... I just slept 5 hours from 36 hrs flight, pagal na pagal yata ako sa pagod.” Huling tikhim na talaga ito, pramis! Tumango ako bago bumangon at naupo ng maayos. Inipit kong muli ang tumikwas na buhok saka tinitigan ito. “Sorry, parang naging tunog isip bata ako.” Nguso ko, namumula yata ang pisngi sa sobrang hiya. Di naman pwedeng lagi itong aktibo. Syempre, working adult. Kaya may mga oras na sobrang napapagod din. Di ko alam, sigurado ganoon nga yata. “Kung nandito ka lang, siguro ang sarap mong paamuhin.” Ngisi nito. Tumango ako na siyang ikinalaki ng mga mata ko na ikinahalakhak nito. Para bang sumasang-ayon ako rito sa sinabi nito kahit na ang totoo kaya tumango lang ako dahil lutang sa usapan naming dalawa. “I couldn’t wait for you to be beside me,” iling nito, natatawa yata sa nangyayari. Ang init-init ng pisngi ko. Pakiramdam ko nahihiya ako sa nangyayari. Ganoon ba talaga? Ang landi nito, pakiramdam ko energize itong muli kaya tinutukso ako ngayon. “Tss, kasama ko kaya si Romana... bawal iyan ah, pag nakarating na kami diyan.” Warning ko rito. Hindi niya naman ako pinatulan, ngumiti nga lang at muling humilig. Tahimik muli. Walang nagsasalita. Gusto ko nga sanang kausapin pa ito kaso mukhang ang lalim ng pagkakatitig sa akin. Waring tutunawin ako sa ganyang klasi ng mga mata. “Miss ko ng titigan ka sa malapitan, Kelsey. Ang tagal ng tatlong Linggo. Gusto ko na kayong kunin diyan.” Napangiwi ako, mas lalong gumapang ang init sa pisngi. Nilalandi na naman ako. At ako naman parang hinahayaan ko na lang. “Marami pa akong aasikasuhin po, Kuya. Saka next week ko pa po makukuha ang card para kompleto na po ako sa mga requirements...” iling ko. Tumango ito, ngumingiti pa rin. Pakiramdam ko talaga pagod na ito. Pinipilit lang siguro ang sarili dahil ako ang kausap? Ang assuming ko roon! “Kuya, dinner na po. Tawagan niyo na lang po ako ulit bukas.” Suhestyon ko rito. Tumango ito. Naiintindihan ko ng kailangan nitong magpahinga. Kailangan niyang bumawi ng tulog dahil siguradong bangag iyan kapag pinilit pa nitong makipag-usap sa akin. At siguro maaga itong nakapagpahinga kagabi kaya madaling araw pa lang ay panay na ang tunog ng cellphone. Pupungas-pungas kong sagutin ito, at hindi ko alam kung tama ba ang replekang nakikita ko sa totoong nangyayari. Basta ang alam ko ay si Kuya Rameil iyan. “Good morning sleepy head,” halakhak nito. Napilitan akong gisingin ng tuluyan ang sarili. Nasilip kong si Kuya Rameil iyon na nakatayo sa harap ng camera at half naked. Kumunot pa ang noo ko hanggang sa naging klarong-klaro na ang lahat at napamulagat ako noong nakita siyang nakaboxer lang. Yong boxer shorts na parang nakikita ko sa brochure na nakakorteng mega phone ang sa gitna. Kakaiba nga lang dahil live kong nakikita... at bukol na bukol. “Ano ba naman yan, Kuya.” Napatakip ako ng kumot. Hiyang-hiya sa nakita. Natawa tuloy ito at saktong tumunog ang pampagising ng tandang. Siguro paaga na talaga at hindi totoong madaling araw pa lang. Sumisinag na ang haring araw sa nakatakip kong kurtina. Naupo na lang ako at kinusot ang mga mata habang nakalapag sa kandungan ko iyong cellphone. “Good morning n****e babies,” tawang-tawa ito. Samantalang ako ay nangungunot pa ang noo no’ng una hanggang sa namilog at napatakip ng braso. “Bastos!” Nabadmood ako, ke aga-aga... at tinaklob ang cellphone bago hinablot ang bra sa upuan. Sinuot saka binalikan si Kuya Rameil. “Galing niyo pong manira ng araw.” Nanlilisik ang mga matang sabi ko rito. Na tinawanan lang nito. Magagalit pa nga sana ako kung hindi ko na lang nakita iyong ngiti nitong abot yata hanggang bunbunan. Mukhang nakapag-recharge na at hindi pagod. Hinayaan ko na lang na maging masaya ito sa kakaonting kinaaliwan nito. Ewan ko ba pero habang tumatagal mas lalo kong nakikilala si Kuya Rameil, mas madalas nitong pagaanin ang loob ko at mas madalas din itong mag-alala. Hindi naman ito laging makulit dahil madalang itong maging pilyo. Siguro may pagkaginoo rin ito minsan. Isang Linggo na lang, luluwas na kami. Maraming habilin sina Mama’t Papa. Tuwina sa hapag kapag may pagkakataon. Kahit sila nga ay hindi mapakali. Ako? Kinakabahan ng sobra-sobra. Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. At alam ko rin na kailangan kong magsumikap sa pag-aaral dahil siguradong marami ang mas matalino sa akin sa school na yon. Nailagay ko na sa isang maleta ang mga importante papeles. Si Romana nga ay hindi rin mapakali at kabado sa dadatnan doon. Alam ko namang hindi ito sanay sa mas maraming tao, kaso ibang buhay at lugar na kasi ang naghihintay sa amin doon. Kaya dapat pareho kaming mas maging matatag... kundi matatalo kami ng sitwasyon. “Nakita ko na ng isang beses iyong Condo Unit ni Kuya Rameil, Ate Kelsey... tatlong room saka kusina’t sala. Komplete po lahat, malinis kaya lang siguro dahil commercial eh hindi gaanong malapad iyong space. Pero okay na rin po.” Hindi napigilang ikuwento ni Romana ang nakita nito nang pumunta raw siya roon. Nasa labas nga kami ng tindahan ni Aling L at nilibre ko ito ng siopao at drinks... bumalik pa kami ng school dahil nagkaproblema sa grades ni Romana. Matalino naman ito kaso may isang subject daw na muntik na itong bumagsak. Naiayos naman iyon doon kaso siguro nakaligtaan kaya hindi nagreflect sa card nito. Lumunok ako, isang beses bago hinawakan ng mahigpit ang palapulsuhan ni Romana. Pakiramdam ko kapag hindi ko ginawa yon ay mabibitawan ko itong batang ‘to. Nakalapag na kami at naninigas pa rin ako sa exit. Tanaw ko naman si Kuya Rameil kaso nanginginig talaga ang mga tuhod ko. Palinga-linga pa ito hanggang sa natawa niya na kami roon. Ngumiti ito, kumaway at nagtaka kung bakit nandoon pa rin kami. Naglakad ito palapit. Lumagpas sa barrier pero dahil kilala siguro ng guard kaya hinayaang pumasok. Kahit common sense ng hindi pwede. “Ate, nandiyan na po si Kuya. Lakad na po tayo.” Siguro dahil namamanhid ako sa kaba at namamalat ang lalamunan ko eh hindi ko magawa iyong utos ni Romana. Nakatayo lang talaga ako roon hanggang sa nakaramdam ako ng init, init ng katawan na yumakap sa akin ng mahigpit. Doon ko naisip na iba pala talaga kapag kaharap mo na... iyong ramdam ko at hindi lang puro sa harap ng cellphone. Iba yong kaba... iba yong— saya. “I missed you so bad, Kelsey... welcome to Manila, Baby Kelsey...” Iba rin ang lalim ng boses nito kesa sa tawag lang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD