24

2069 Words
“Nakapasa ako!” Iyong saya na nararamdaman ni Nadia ay hindi ko masukat. Nakangiti lang din ako habang nakatitig sa kanyang nakataas ang mga braso at hawak ang papel sa ginawang quiz namin kanina. Mabuti na lang talaga mahaba ang pasensya ko at nagawa ko itong turuan sa paraang alam ko. Masyado itong maligalig. Hindi makapagpokus sa isang bagay. “Thank you! Thank you! Huhu.” Natawa na lang ako rito habang nilalagay sa loob ng dala kong bag iyong resulta ng quiz. Nakatitig nga ang ilan. Sa hindi ko namang malamang dahilan. “Ililibre kita! Bawal humindi.” Iling nito sa akin. Tumango na lang ako kahit na ang totoo ay may dala naman akong baon. Kasi masyadong mahal doon at siguradong mamumulubi ako kapag doon lang ako umasa. “— Totoo! Di halatang matalino ka, Kelsey! I thought you’re just a beauty.” Simangot nito. Kanina pa talaga ako tawa ng tawa sa taong ‘to. Di ko alam kung amaze ba ito sa nakuha kong score o sadyang naging iba ang inaasahan nitong mangyayari. “Minsan, sama ka naman sa’kin. Magbar tayo,” nagpacute pa ito. Tinitigan ko naman siya at nakitang seryoso sa paanyaya. Di ako sigurado kung gusto ko ba iyon o ano. Hindi naman masama ang pagkakakilala ko kay Nadia. Sa totoo lang, mabait naman ito kaya lang mabilis talagang mawala ang iniisip sa isang bagay. “Susubukan ko,” ngiti ko rito. Sumimangot ito at hindi sineryoso iyong sinabi ko. Hindi naman ako sigurado kung pupwede ba iyon o ano pa man. Ewan. Busy akong tao at saka magagalit si Kuya Rameil panigurado. “Minsan lang naman, Kelsey.” Pilit nito. Umiling ako at uminom ng tubig saka tumitig sa labas. “Hm, sige na nga. If you have spare time, sama ka.” Tinanguan ko ito para lang matigil na ang paanyaya nito. Hindi ako sigurado at lalong napakaimposible sa sobrang abala ng schedule ko at samahan pa na kailangan ko ring magluto sa Unit. At siguradong di rin ako papayagan ni Kuya Rameil. Sabay na naman kaming umuwi ni Romana. Mukhang nasasanay na rin ito sa ginagawa naming routine. At parang mas gusto nitong magjeep kesa sa mag-Uber. Maliban kasi sa mura ay talagang mas mabilis at hindi na kailangang maghintay pa. Di na namin nadatnan si Kuya Rameil sa bahay. Dalawang araw itong mawawala. Work related. At nasasanay na rin akong laging ganoon. At saka abala rin ako school at trabaho. Kaya siguro hindi ko gaanong namimiss ito. Madalas naman itong tumawag kaya okay lang. “Off mo naman iyan, ah?” Nguso ni Nadia. Napailing ako at lumipat ng pahina. Ipinakita ko sa kanyang iyong isang case at ipinaintindi. Kaya lang wala yata ito sa mood at hindi nakikinig. “Nadia, malapit na ang exam. Kailangan mo nang pumasa ngayon.” Sumingot ko rito. Isang simangot din ang ipinakita nito sa akin. Hindi yata makikinig at lalong ayaw makinig. Concern lang naman ako at gusto ko itong pumasa. Sabi niya nga ilang beses na siyang pabalik-balik dito. “Mag-aaral ako, ipapasa ko! But Kelsey, sama ka naman minsan.” Napabuntong hininga ako at sinilip ang relo. Saka tiningnan ang cellphone na may chat galing kay Kuya Rameil. “Sige, ngayon lang...” sagot ko rito habang binabasa ang pagpapaalam ni Kuya Rameil. Sa Malaysia ito bababa mamayang gabi, bukas flight na naman paalis. Hindi ito makakauwi ng dalawa pang araw. “Thank you, Kelsey! Promise! Ipapasa ko na ‘to.” Tumango ako rito bago nagreply kay Kuya Rameil. Nagpaalam akong lalabas ako ngayong weekend. Bukas ng gabi, to be exact. Saka kasama ko naman ang isang kaklasi. Hindi lang ako sigurado kung ano ang mangyayari. At hindi ko rin alam kung anong susuutin. Ewan. Bahala na talaga. Isinuot ko lang ang isang spaghetti strap at pants bago nagpaalam kay Romana at sinabi ritong magla-lock ng pintuan. Saka baka kasi gagabihin ako at hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Pinayagan naman ako ni Kuya Rameil. Pinaalalahanan lang na mag-update kung kinailanganan. “Girl, let’s party!” Sigaw ni Nadia habang papasok kami sa isang high end bar— sabi nito— at maraming artista ang pumapasok diyan. Tinatanguan ko lang ito sa mga tinatanong na hindi ako sigurado kung wasto ba o sadyang kabado ako habang tinitingnan ang madilim na lugar. Tanging maliliit lang na party lights ang nandoon. Halos hindi ko maaninag si Nadia at hindi ko na rin maintindihan ang sinasabi nito. Ang alam ko lang, hinihila nito ako palapit doon sa tabi ng stage. At tumigil kami sa tapat ng isang pahabang sofa... at may ilang teenager na katulad namin ay siguradong nag-aaral din sa pinapasukan namin. “Hey, friend ko nga pala... Kelsey... these are my friends from other Universities.” Isa-isang nag-abot ng kamay iyong mga ipinakilala sa akin ni Nadia. Dalawang lalaki at apat na babae. Mababait. At mukhang kanina pa nag-iinuman. Dinagdagan lang ng ilang inumin iyong mesa at inabutan ako ni Nadia ng isang malabnaw na inumin. Lasang candy kaya panatag akong hindi yon gano’n kasama. O akala ko lang kasi... Hindi pa nag-iisang oras ay nakakaramdam na ako ng hilo. Pakiramdam ko bumibigay iyong talukap ng mga mata ko sa sobrang lasing. Kaya ko pa naman actually. Kayang-kaya. “Where you from, Kels?” Tanong ng isa mga kaibigan ni Nadia. Sinagot ko ito ng sakto. At nakipagkuwentuhan na rin sa iba. Kahit na pare-pareho kaming lasing na sa inumin. “Tara na! Sayaw tayo,” aya noong isa. Tumango ako. Mukhang mabubuway pa sa pagkakalasing. Kaya lang tulad ng unang sinabi ko, kayang-kaya ko iyon. Nakisayaw din ako. Naaaliw na rin sa nangyayari. Kahit hilong-hilo ako at umiikot ang paligid. Namiss ko itong sumasayaw. Pakiramdam ko nakakawala ako sa stress at pagod. Pakiramdam ko malaya ako. Kaya kahit na inaantok na ay umindak na rin ako tulad ng iba. “Oh God! You’re a good dancer, Kelsey.” Sigaw ni Nadia at kumapit pa sa bewang ko. Tawang-tawa naman ako at hinila ang braso nito para makisayawa tulad ng mga ginagawa ng mga kaibigan nito. Pinagpapawisan ako. Mainit. Ang sarap sa pakiramdam. Nabubuhay ang mga nerves ko sa katawan. Kaya siguro nagwawala na ako roon tulad ng ibang sumasayaw. Medyo lumalayo nga lang ako kapag may dumidikit at alam kong iisa. Ayaw ko noon. Gusto ko lang talagang mag-enjoy. Nang napagod ang lahat ay nagdesisyon na kaming bumalik sa inuupuan kanina. Napapikit ako habang nakatingala. Para akong naha-high. Ewan. Sigurado dahil stress? Ewan talaga. “Syett! Nagulat ako sa’yo, Kels.” Tawa noong isang kaibigan ni Nadia. Idinilat ko ang mga mata at tinitigan ito. Natatawa na lang ako habang inaabutan ako ng alak ni Nadia. Tatlong lagok lang ay solve na ako. Saka muling pumikit at pinakakalma ang sarili. Pagkadilat nga ay para bang mas lalo akong nalasing. Kinalabit pa ako ni Nadia at binulungan. “Nagpasalundo ako sa driver, we can drive you home later.” Tumango ako. Nahihilo pa rin at muling tinitigan ang dance floor. Mas marami ang nasa sentro. Maraming sumasayaw. Tinitigan ko si Nadia. Ngumisi naman ito. Parang alam niya iyong nasa isipan ko. Kaya hindi na ako nagulat kung para akong malulupaypay habang naglalakad palabas ng Bar. Totoo ngang may sundo si Nadia at ligtas akong naihatid sa baba ng Unit. Medyo kumakalma na ako noon. At kahit papa’no makakapaglakad na rin ng maayos. “After exam, Kels... bar ulit.” Tumango ako nang nakangiti bago umakyat. Madilim na ang sala ng buksan ko iyon. At kahit may tama pa rin ng alak ay nagawa ko pang maglinis ng katawan. Mabuti na lang weekend kaya nang nagising ako bandang alas otso ay tulog pa si Romana. Para namang minamartilyo iyong ulo ko sa sobrang sakit. Nasuka pa ako. At talagang sinumpa ko na ang bar hopping na iyan. Next time nga ayaw ko ng sumama. Natulog akong muli pagkahapon. Nagtataka nga si Romana habang nakatitig sa akin. Hanggang sa pananghalian ganoon na ganoon ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi ko rin masabing nalasing ako at parang nakawala sa hawlang nagsasayaw sa bar. Iba iyong pakiramdam noon. At kabaliktaran ng nararamdaman ko ngayon. Kasumpa-sumpa talaga. Bente kwatrong oras bago man lang ako nakarekober. Ayaw ko na talaga. Last na iyon. Lunes ng umaga, kakatapos ko lang maligo ng nadatnan sa gitna ng sala si Kuya Rameil. Kakauwi lang at nakaputing uniporme pa. Nagulat ako rito. Kaya lang dahil lagi ko namang ginagawa ito ay hindi na ako nagulat kung buhat-buhat ako nito habang tinutulak naming pareho ang pintuan ng silid ko. “M-may pasok pa ako,” histerikal na saway ko rito. Iyong kamay nito kung saan-saan na gumagapang. Nakatuwalya pa naman ako kaya madali lang dito. “I missed you, Baby.” Bulong nito bago hinalikan ng mariin iyong labi ko. Umungol lang ako at pinipigilan ang kamay nitong humahaplos sa gitna ng mga hita ko. “Get dress,” tapik nito sa isa kong hita. Ngumuso ako at umalis sa gitna ng kama. Nakaupo lang ito doon. Pinapanood akong nagbibihis kaya tumalikod ako. At narinig ko pa ang tawa nito. Pagkatapos ay muli kong inayos ang pagkakabalabal ng tuwalya sa ulo bago muling lumapit sa kanya. “Ah, Baby... you’re a good kisser now.” Bulong nito. Halos hindi tigilan iyong labi ko hanggang sa mamaga. Ngumuso ako pagkatapos noon at hinila na siya palabas ng pintuan. “Sabay-sabay na tayong kumain, bihis ka muna.” Utos ko rito. Ngumuso nga ako noong napansin ang pagkakangisi nito. May pasok ako! Ano ba?! Saktong lumabas din si Romana at mabilis na naglakad papuntang bathroom. Maaga pa naman kaya lang nakasanayan na rin siguro nitong laging nagkukumahog. Natapos itong basa ang buhok at muling lumabas na basa pa rin ang buhok. Saktong lumabas din si Kuya Rameil na nakagrey na shirt at jersey shorts. Gwapo talaga saka matikas ang tindig. “Kuya!” Gulat na tawag ni Romana. Close talaga iyong magkapatid. Kaya tuwing umuuwi ito ay para bang ayaw ng pakawalan. Spoiled kasi ito rito. Kaya di na ako nagulat. May mga pasalubong na dala si Kuya Rameil. Ang iba binaon ni Romana. Iyong ilan nilagay namin sa ref. At may inabot din sa’kin itong pagkain. At naisip ko bigla si Nadia. “Thank you,” bulong ko rito habang binabantayan ako nitong naghuhugas ng mga pinagkainan. Si Romana nag-CR muna dahil sumakit ang tiyan. “Hmm, mamaya.” Bulong nito. Nag-init tuloy ang pisngi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang pilyo ang ngiti. “Baon mo,” inabot nito ang kamay ko at agad na itiniklop ang kamay ko roon. Namilog tuloy ang mga mata ko at gusto sanang ibalik sa kanya kaya lang diniinan na naman ako ng halik nito. Iyong halik na matunog kaagad at nakalulunod. “Sa’yo na yan, please. Baby?” Ngumuso lang ako rito. Aangal pa sana kung hindi ko lang narinig iyong pagbukas ng pintuan ng restroom. Mabilis akong naglakad sa silid at nagpalid ng damit saka tinitigan iyong lilibuhing bigay sa akin ni Kuya Rameil. Ibabalik ko naman iyan mamaya kaya itinabi ko muna. “Di ka ba pagod?” Nagtatakang tanong ko rito habang naglalakad kami sa ground patungong parking lot. Bahagyang nauna si Romana kaya hindi naman ako natatakot na magtanong dito nang hindi nahahalata. “Nakapagpahinga na ako,” gagap nito sa kamay ko at tiniklop iyon. Nagpipigil naman ako ng ngiti. Binawi ko lang iyon ng tumigil si Romana at lumingon sa amin. Hindi naman gaanong traffic kay naunang naihatid si Romana. Ako iyong huli kaya hindi na ako nagulat kung bakit ganoon kagigil ang mga halik ni Kuya Rameil. Parang hindi pa ako titigilan kung hindi na ako umangal. Sinilip ko tuloy ang labi sa rearview mirror. Mapulang-pula at parang namamaga pa yata. Burado iyong lipstick na nilagay ko kanina. “Mamaya,” pahabol pa nito. Ngumuso lang ako at nagmamadaling pumasok na at saktong naabutan ko si Nadia na parang batang excited. Nangunyapit nga kaagad. Naglalambing. Para siyang bata kahit na tatlong taon ang layo ng edad namin. Ewan ko ba at bakit ganito ito. “This weekend, bar ulit... tapos lie low tayo next week dahil diba nga exam?” Paanyaya nito. Natigilan ako at mabilis na umiling. Tawang-tawa naman siyang nakatitig sa akin. “Please?” Umiling na ako. Desidido at huli na iyon. O baka nga mauulit pa. Naku naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD