┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Isang baldeng malamig na tubig ang biglang gumising kay Janine. Napaubo siya at medyo nahirapang huminga, habang ang malamig na tubig ay dumadaloy pababa sa kanyang buong katawan. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang kalamnan, kasabay ng panginginig ng kanyang laman sa sobrang ginaw dahil puno ng iyelo ang balde. Pilit niyang inaaninaw ang paligid sa kabila ng hapdi ng kanyang mga mata, ngunit malabo pa rin ang kanyang paningin. Alam niyang may mga tao sa harapan niya, ngunit hindi pa niya agad matukoy kung sino-sino ang mga ito. Naramdaman niya ang kamay niyang mga nakatali maging ang kanyang paa, kaya ang una niyang ginawa ay nagpupumitlag ito. "What the hell... nasaan ako?" Bulong niya. Pero isang pamilyar na boses ang agad niyang narinig kaya natigilan siya kasabay a

