┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Hindi talaga mapakali si Maguz habang naglalakad siya sa hallway patungo sa kanyang unit. Pagkabukas ng pintuan ay pumasok agad siya ng kanyang condo. Parang umiikot ang mundo niya sa sobrang kaligayahang nararamdaman niya. Lahat ng nangyari kanina sa bar, lahat ng 'yon ay hindi niya makalimutan. Ang biglaang pagkikita nila at may amnesia pa ito, ang halik na halos ikabaliw niya, at ang hindi maipaliwanag na pagbabagong nakita niya kay Janine. Lahat ng 'yon ay parang masisiraan na siya ng ulo sa kakaisip kung bakit muling pinag-krus ang kanilang landas. Pagsarado niya ng pinto ay automatic niyang hinubad ang coat niya at ibinalibag sa sofa. Pero hindi siya makagalaw agad. Nakatayo lang siya roon sa gitna ng living room... hawak-hawak ang telepono, pero parang wala ito sa

