┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Mahigit isang linggo na sila sa isla. Iniisip ni Janine na mauubusan na sila ng pagkain, pero sa tuwing magigising siya ay may nakikita siyang mga bagong stocks ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. Mga itlog, pancakes na nasa box, cereals, mga chips, can goods, frozen stuff at kung ano-ano pa. "Talagang pinaghandaan mo ito, Maguz. Siguro ang laman ng tatlong silid ay puro mga pagkain, tapos may mga freezer. O baka naman 'yung basement mo ang puno ng laman. Grabe, mukhang hindi nga tayo mauubusan ng pagkain dito sa isla mo. Ibang klase ka talaga Maguz." Napapailing na lamang si Janine, pagkatapos ay kinuha nito ang coffee maker upang gumawa ng kape. Tinignan niya ang mga itlog. Kumuha siya ng dalawa, pagkatapos ay kinuha niya ang frozen na ham at saka siya nagluto ng agahan.

