┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ma’am..." Tawag ng kasambahay habang humahangos ito papasok sa loob ng mansyon ng mga magulang ni Janine. "Ma'am, nagkakagulo po sa labas ng gate ng mansyon. May mga tao pong nagkukumpolan sa labas, at hindi po namin alam kung anong dahilan kung bakit parang nagkakalat sila sa harapan." Sabi ng kasambahay habang nakaharap ito sa mga magulang ni Janine. Napalingon agad si Janine mula sa kinauupuan niya sa veranda, hawak pa ang tasa ng kape na kanina pa niya pinapainit sa kanyang mga palad. Bagong balik lang siya mula sa Amerika, at simula noong dumating siya ilang araw na ang nakalilipas, nananatili muna siya sa bahay ng kanyang mga magulang para makapagpahinga at makasama sila. Tahimik ang mga unang araw niya, pero ngayon? Aba, parang may eksena na agad mula sa action m

