Chapter 21 She didn't want me to stay pero tulad ng sinabi ni auntie ay hindi pwedeng matulog ngayon si Sab ng walang kasama. Hindi sa akin pinaliwanag ni auntie kung anong problema but I already know that she's having a nightmare. Kahit kasi nung sa condo pa siya natutulog, naririnig ko siyang humihiyaw o umiiyak, akala ko pa nga nung una ay gising siya pero nung silipin ko ay natutulog naman ito. Tuwing gabi, hindi ako umaalis sa tabi niya at kahit pa naiinis ako sa kaniya ng mga panahon na 'yun ay niyayakap ko ito at doon lang natitigil ang masama niyang panaginip. Hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Sab simula ng dumating kami kaya ako na lang ang nag luto ng hapunan pero pasado alas onse na ay nakakulong pa rin siya roon. Napabuntong hininga na lang akong napasandal sa may sofa at

