Chapter 39 Isang araw pa lang ang natatapos pero pakiramdam ko taon na ang lumipas sa dami ng mga nangyari. Hanggang ngayon mabigat parin ang loob ko at hindi ko pa rin magawang makapag isip ng maayos. Naisubsob ko na lang ang mukha sa mga palad ko at doon napabuntong hininga. Bukas na bukas din ay plano ko ng i-discharge ng ospital si Xavvy. Hindi ko kakayanin ang mag bayad ng malaking bills dahil sa pribadong kwarto ito naka-confine, ayoko rin na umasa sa kahit na sino ngayon pagkatapos ng mga nangyari. This is too much.. everything is too much to endure. I already break down and lost my appetite. Hindi na rin ako nakakatulog at alam kong hindi ko pwedeng ipagpatuloy ang ganitong gawain. Hindi ko lang katawan ito ngayon kaya dapat mas alagaan ko ang sarili ko para sa anak ko, sa amin

