Chapter 15 "Ano Sab? Kamusta scoring niyo ni jowa kagabi?" Mapang asar na tanong ni May sa akin habang maharot niya pang binubunggo ang balikat ko. Natatawa akong napailing sa kaniya. "Alam mo, ang dumi ng utak mo. Di namin 'yun ginawa." Sagot ko sa kaniya at inayos na ang buhok ko. Dito na ako nag pahatid kay Drake sa airport at dahil na sa condo pa ang mga gamit ko ay dito na ako nag ayos, buti na nga lang ay may isang set pa ako ng pamalit dito para hindi ko na kailanganing umuwi pa ng condo. "Aysus! Huwag nga ako. Di na tayo minor noh! Pero sige na nga dahil private naman 'yan solohin mo na lang 'yang mainit mong gabi. Hihi." Pabiro niya pang hinampas ang braso ko na mas kinatawa ko. Wala naman talagang nangyari sa amin ni Drake kagabi, mag damag lang kaming magkayakap habang nag

