Chapter 12 "Sabrina hindi ka pa ba matutulog? Gabing gabi na." Napalingon ako kay auntie at tipid na ngumiti. "Susunod na po ako." Tumango siya at nag paalam na matutulog na. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa labas, madilim at malalim na rin ang gabi. Malamig ang simoy ng hangin na siyang pumapasok sa bukas na bintana. Napatitig ako sa hawak kong cellphone at inis na napabuntong hininga. Bakit ko ba siya hinhintay? Sigurado naman na hindi siya daan dito. At ano ngayon kung hindi siya bumalik ng airport para umuwi ng manila? Problema na niya 'yun at kung may mangyari mang masama sa kaniya, malamang karma niya 'yun. Inis ko na lang isinarado ang bintana at mas mabuting matulog na lang ako. Naiinis ako sa inakto ni Gian, pagkatapos niyang makipag usap kay Uno ay parang aso niya 'kong

