Chapter 09 "Auntie, kayo na muna ulit ang bahala kay Xavvy, kung magka-problema o may kailangan kayo tawagan niyo na lang po ako agad." Isa isa kong inilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga vitamins nito. Kahit kahapon lang na salinan ng dugo si Xavvy ay nag pumilit na siyang umuwi at may katigasan din talaga ang ulo nito dahil nag tatakbo na siya sa buong bahay. "Xavvy, tama na 'yang kakatakbo mo. Kagagaling lang natin ng hospital eh." Suway ko sa kaniya pero imbis na makinig sa akin ay tumakbo lang siya palapit kay Drake na bitbit ang isang basket ng prutas. Hindi siya umalis sa tabi namin ni Xavvy hanggang ngayon na siya pa ang nag hatid sa amin pa uwi. "Tito Drake, kilala mo ba 'yung blood donor ko? Gusto ko kasi mag thank you sa kaniya." Masiglang tanong ni Xavvy habang nag tatalon

