VEINTISIETE Ligtas na nakarating sila Caiden sa kuwebang tinitirhan ng kanyang kapatid. Malayo iyon sa ibang mga kuwebang tinitirhan ng mga sireno kaya alam niyang walang makakaalam nang pagpunat nila doon. “Hindi tayo puwedeng magtagal dito,” sabi ni Mystic. Tumango naman siya at itinulak ang batong nagsisilbing pintuan upang makapasok sila sa loob. Wala pa doon ang kanyang kapatid kaya kailangan nilang maghintay hanggang sa pagdating nito. “Sigurado ka bang uuwi iyon dito?” tanong ulit ni Mystic na tila naiinip na sa kakahintay. “Walang ibang tutuluyan iyon kundi dito lang,” sagot ni Selena na kanina pa nagpapalinga-linga sa paligid. Tila may hinahanap ito ngunit hindi niya alam kung ano iyon. Sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lang ulit ito sumisid at nagpunta sa kaharian nila,

