VEINTICINCO Hawak-hawak ang gitara ay nagpunta si Sam sa tabing-dagat, ilang araw na ba simula nang magpunta sila doon. Ang buong akala niya ay magkakaroon na siya ng tiyansa na makapagtapat ng totoo niyang nararamdaman kay Zevyl ngunit kagaya nga ng sinasabi ng lahat. Malupit magbiro ang tadhana. Mas lalong nitong inilayo sa kanya si Zevyl. At ang masaklap pa ay nilinaw nitong hanggang kaibigan at kapatid lang ang tingin nito sa kanya. May mas sasakit pa ba sa nalaman niyang iyon? Umupo siya sa may buhanginan at tumapat sa papalubog ng araw. Nagsimula siyang mag-strum at malungkot na ngumiti. May inihanda pa siyang kanta para sa dalaga at balak niyang kantahin iyon sa huling araw nilang pananatili dito kasabay nang pagtatapat niya ng pag-ibig dito. “Pagmasdan ang aking mga mata na tan

