Nakayuko lamang siya habang iniembistigahan siya. Nanginginig ang kan'yang mga kamay habang kinakausap ang imbestigatdor. Sinabi lamang niya ang katotohanan rito at tinanggi ang pagnanakaw at pagtulak sa kan'yang alaga. " Naku Miss, mahirap 'yan kasi may mga witnesses . 'Yung katulong at security guard ay sang-ayon sa salaysay ng amo ninyo. Atsaka, nasa bag mo ang mga alahas niya at kitang kita ng isang katulong ang pa-akyat mo sa kwarto at aktual mong pagnakaw sa alahas. Doble dobleng kaso ang ipapataw sa'yo!" seryosong sambit ng imbestigador sa kan'ya. " Maawa po kayo sa akin sir.Hindi po totoo ang bintang nila sa akin! T-Tulungan n'yo po ako, sinet-up lamang nila ako.Please po sir," nagmamakaawa niyang sambit sa imbestigador. " Kung wala ka talagang kasalanan, s-sino ang gustong tume

