"Nanay, punta ka po sa school bukas.. Family day po atsaka kailangan din ng daddy!" wika ni Zeus sa kan'ya habang nakahiga na sila sa kama. "Anak, pa'no naman tayo magdadala ng daddy eh sinabi ko na nga sa inyo na wala nga dito ang daddy niyo!" "Kailan po ba babalik si Daddy namin ni Grey? Lahat ng classmates namin may daddy eh kami wala."malungkot na sambit ng anak niya. Ito na ang oras ng kinatatakutan niya. Kung magtanong na ang dalawa tungkol sa daddy ng mga ito. Hindi niya pinaghandaan ang bagay na iyon dahil ang akala niya ay masyadong bata pa ang mga anak upang magtanong tungkol sa ama ng mga ito' " Hmmm hindi ko alam baby eh, ang layo layo kasi ni daddy sa'tin. Wala siyang pamasahe pauwi rito. Millions ang kailangang baby para makauwi siya. 'Yung pera niya is isang piso lan

