ERIC POV Matapos ang nangyari na sana ay araw ng kasal namin ni Chantal ay pinalipas muna namin ang isang buwan upang ituloy ang naudlot naming pag-iisang dibdib, ngayon ay ibibigay ko kay Chantal ang military wedding na pangarap niya noon pa at imbes na church wedding ay ginawa ko na itong garden wedding na gaganapin ngayon dito sa Graceland Estate and Country Club na kung saan ay nag debut siya noon. Andito kami ngayon sa hotel ni Chantal kung saan ay aayusan siya mamaya ng make-up artist niya na si Ms.Pau, "Baby ko finally magiging Mrs. Mondragon ka na talaga ngayong araw na ito" bulong ko sa kanya habang nakayakap ako mula sa kanyang likuran. Ngumiti ito, "Baby ko ako na yata ang pinaka masayang babae sa buong mundo" masayang sabi nito sabay harap sa akin at ikinawit niya sa batok k

