CHANTAL’S POV Nakatulog ako sa biyahe at nagising akong yakap-yakap ako ni Eric. Pati pala siya ay nakatulog din. Tumingin ako sa aking paligid. At si Kuya Jay naman ang nagda-drive ngayon habang natutulog naman si Kuya Ricky sa aking tabi. Napatawa ako nang makita kong nakayakap si Jonathan sa kapatid ko. Alam kong may crush si Jonathan sa aking kuya. Kaya siguro sinadya niyang yumakap sa aking kapatid. Nagising si Eric dahil sa pagtawa ko. "Sorry, baby ko, nagising kita," hingi ko ng paumanhin kay Eric. Ngumiti si Eric at umilig siya sa akin. "Mukang masaya ang baby ko ngayon, ah!" nakangiting sabi niya habang nakahilig sa akin. ‘s**t ang bango niya talaga,’ bulong ko sa aking sarili sa halip na tugunin ko agad ang kanyang sinabi. Ngumiti ako. "Sino bang hindi mapapatawa? Nakay

