ERIC POV Bigla akong kinabahan ng hindi sagutin ni Chantal ang tawag ko, "Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko Chantal?" tanong ko sa sarili ko. Muli kong tinipa ang number niya at tinawagan kong muli pero hindi ko na siya makontak. Napalingon ako ng may tumawag sa akin, "Mondragon, ilang beses ko ba sayong sasabihin na bawal mag cellphone" malakas na sabi ni Commander Steve sa akin, kaya wala akong nagawa kung hindi ibalik sa bag ko ang cellphone ko. "Commander hindi na po mauulit" matikas na sabi ko habang nakatayo ako ng tuwid at nakasaludo sa kanya. Tumango ito, "Mondragon bumalik kana sa pwesto mo" utos nito sa akin na agad kong sinunod. "Yes Commander" maikli kong tugon at bumalik na ako sa pwesto ko upang gawin ang pag-akyat sa lubid, "Kaya nga ba ayaw kong mag sundalo" bulong k

