CHANTAL POV Hindi parin ako makapaniwala na naikasal na kami ni Eric ngayon at ngayon at nagsasayaw kami sa isang awiting From This Moment Tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang kaligayahan kong nararamdaman sa puso ko. Pinahid ni Eric ang mga luha ko, "Baby ko please huwag ka ng umiyak" malambing na sabi nito sa akin. "Baby ko masaya lang ako dahil sa wakas naikasal na din tayo at hindi ko ini-expect na isang military wedding ang ibibigay mo sa akin" masayang sabi ko. Ngumiti si Eric, "Mas masaya ako baby ko dahil sa wakas misis na kita at ngayon dinadala mo ang pangalawa nating anak" sabay yakap nito sa akin. "Mahal na mahal kita Chantal hindi ko kakayanin kapag mawala ka pa sa akin" muling sabi nito. "Mahal na mahal din kita Eric at ikaw ang buhay ko." mabilis kong tugon Habang

