Nang makapasok na si Vale sa loob ng mansyon ng pinsan nitong si Cameron, hindi malaman ni Hana kung bakit ganoon na lamang ang galit na namuo sa kaniyang puso, nang basta na lamang siya iwan ng binata na parang isa lamang siyang hangin dito. Kasabay naman nito ay ang marahas na pagpahid ni Hana sa luhang kanina ay lumulandas lamang sa makinis niyang pisng dulot ng pag-uusap nila ni Vale. Sa halip na tuluyang lisanin ang lugar, mabilis na nanlisik ang mata ni Hana habang hindi naman mapigilan ng dalaga na mapatiim ng bagang bago siya magtungo sa loob ng mansyon ni Cameron. Bagamat alam ni Hana na kasalanan ang basta na lamang pumasok sa mansyon na hindi naman sa kaniya, hindi na ito inalala pa ng dalaga, sapagkat masyado ng nilamon ng galit ang kaniyang puso. Mas lalo pang nakaramdam ng ga

