Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin natatapos ang inuman nina Cameron at ng mga pinsan niya. Bagamat medyo may tama na si Cameron malinaw na malinaw pa rin ang kaniyang isip at alam ng binata na hindi pa siya tuluyang nalalasing. Sa tagal nilang hindi nagkikita-kitang magpipinsan dahil abala sila sa kani-kanilang trabaho, hindi maipagkakaila ng binata na masaya siyang nakasama muli ang mga ito. Isama mo pa rito na tanggap na rin ni Cameron ang katotohanan na minsan na siyang naging tanga dahil sa pagmamahal niya kay Sabel. Sa tuwing naaalala ni Cameron ang mga katangahang nagawa niya noong mga panahong patay na patay pa siya kay Sabel, hindi maiwasan ng binata na hindi madismaya sa kaniyang sarili, lalo na’t nagpabulag siya sa pagmamahal niya sa babaeng akala niyang kukumpleto ng buhay

