Ilang araw na ang nakalilipas buhat nang umalis sina Cameron at Stephanie upang magtungo sa Manila. Sa hindi malamang dahilan hindi maintindihan ni Alexandra kung bakit hindi siya mapakali, lalo na't hindi pa rin bumabalik si Cameron. Bukod dito, hindi man lang din siya magawang tawagan ng binata na mas lalo pang ikinasama ng kaniyang loob. Hanggang sa natagpuan na lamang ni Alexandra na lumuluha ang kaniyang sarili habang nakatitig sa cellphone na ipinahiram sa kaniya ni Cameron. Sa nakita niyang larawan pakiramdam ni Alexandra ay may milyon-milyong karayom ang nakatusok sa kaniyang dibdib dahil sa kaniyang nasaksihan. Sa larawan na ipinadala sa kaniya ng hindi niya kilalang sender, kitang-kita niya si Cameron na mahimbing na natutulog habang katabi ng kasintahan niya si Stephanie. Ang hi

