Isang linggo na ang nakalipas buhat ng maparusahan ng batas ang ginawa ng pinsan ni Zachna kay Alexandra. Bagamat naturuan na ng leksyon nina Vale at Cameron sina Lucas at Joei, hindi pa rin maipagkakaila ng binata sa kaniyang sarili na hindi pa rin nawawala ang kaniyang galit, lalong-lalo na kay Zachna na labis niyang pinagkatiwalaan. Kaya naman hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na sa ikalawang pagkakataon ay nauto na naman siya ng mapagsamantalang tao na siyang labis niyang pinagkatiwalaan. Kung kaya’t kahit alam ni Cameron na may pinagsamahan silang dalawa nanaig pa rin sa puso ng binata ang kagustuhan niya na pagbayaran ng kababata niya ang mga kasalanang nagawa nito kay Alexandra. Bukod dito, napagtanto rin ni Cameron na totoo nga ang sinasabi ni Alexandra na nilalangaw na nga a

