Nang makaalis si Zachna sa mansyon nina Cameron kaagad na nakaramdam ng hiya si Alexandra lalo na’t hindi nito inaasahan na masyado itong madadala sa pang-aasar sa kababatang hilaw ng binata. Mas lalo pang nakaramdam ng hiya si Alexandra nang mapagmasdan ng dalaga ang ina ni Cameron na para bang kumikislap ang mata habang nakatingin sa gawi nito. Kung kaya’t kakamot-kamot naman sa ulo nito si Alexandra bago tipid na ngumiti sa ina ng binata na tuwang-tuwa pa rin sa nasaksihan. Ganoon na lamang ang pag-iling ni Alexandra nang makita nang dalaga na nakangiti na rin sa tabi nito si Cameron na akala mo’y isang timang habang nakatingin dito. Hanggang sa isang pagtikhim na lamang ni Cameron ang siyang nakapagpatigil ng malalim na iniisip ng dalaga na siyang dahil upang mapatingin si Alexandra sa

