Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Cameron, dahil sa natuklasan niya sa kaniyang pinsan. Sa tagal-tagal na niyang pinapahanap si Stephanie, hindi inaasahan ni Cameron na matatagpuan na rin ng pinsan niya ang dalaga. May parte sa kaniyang puso na natutuwa ngunit hindi maitatanggi ng binata na may takot siyang nararamdaman, lalo na't hindi niya alam ang kaniyang gagawin kapag nagkita na silang dalawa ni Stephanie. Bukod dito, nag-aalala rin si Cameron na baka masaktan na naman niya si Alexandra kapag nalaman ng kaniyang kasintahan na ipinapahanap niya ang babaeng una niyang minahal. Kung kaya't hindi malaman ni Cameron kung ano pa nga ang dapat niyang gawin. Isang pagbuga pa ng usok ng sigarilyo ni Cameron ang kumawala sa hangin, bago matanaw ng binata ang papalap

